038 | n

130 11 6
                                    


H U N T E R

"Bilisan mo, dragon!"

"Sandali, jusko!"

Hinablot ko na ang kamay niya para mabilis kaming makarating sa ice cream shop. Nang makatapak kami sa escalator, sinamaan niya ako ng tingin. Ang singkit niyang mga mata lang ang nakikita ko dahil naka-face mask siyang itim.

"Bakit ka ba kasi nagmamadali?" tanong niya, nakahawak pa rin sa kamay ko. Nang mapansin niyang nakatingin ako doon, mabilis niyang binawi ang kamay niya. Ang harot mo, Hunter.

"Gusto ko lang mauna sa Frostbite. Malay mo, mahaba na pala yung pila," kibit-balikat kong sabi sa kanya.

"Adik sa mint chocolate! Kaladkarin ba naman ako para sa pinakamamahal niyang ice cream?"

"Mahal ko yung ice cream, pero huwag kang mag-alala. Mas mahal naman kita dun," sabi ko sa kanya. Binatukan niya lang ako. Hindi ko alam kung may epekto ba sa kanya yung sinabi ko dahil naka-face mask nga siya. Psh, kiligin ka sana.

"Watdahek? Hindi mo naman sinabing ganito pala ka-cute yung ice cream shop! Edi sana kanina ko pa tinapos yung practice," nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa glass wall ng shop.

Para siyang bata. Alam niyo yung sa mga webtoon or anime? Yung kumikislap yung mga mata?

"Hinay-hinay lang. Hindi pa nga tayo nakakapasok sa loob, manghang-mangha ka na. At anong sinabi mo? Tinapos mo sana nang mas maaga ang practice? Pwede naman pala yun eh! Bakit pinatagal mo pa kanina? Gusto mo lang talaga ako makasama," sabi ko.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nauna nang pumasok sa shop.

"Tignan mo nga naman, nauna pa talaga sa akin. Parang siya ang nag-aya ah," bulong ko sa sarili ko.

Buti na lang at hindi pa gaano kahaba yung pila. Pangatlo pa lang kami.

"Oh.My.Ghad. Ang ganda dito, Hunter! Ang daming ice cream flavors tapos ang cute pa ng interior. Puro pastel ang nakikita ko. Is this heaven?" natawa naman ako sa kanya. Hindi pa niya tinatanggal ang face mask niya pero sigurado na akong malawak siyang nakangiti ngayon.

"Ang dami ngang flavors. Magiging loyal ka pa rin kaya sa mint chocolate?" pinanliitan ko siya ng mata.

"Singkit ka na nga, pinanliliitan mo pa ako ng mata. Sige ka, kapag 'yan tuluyan nang mawala. Tsk, tsk, tsk," umiiling pa siya.

"Kung makapagsalita, parang siya mismo, hindi singkit. Tsk, tsk, tsk," natawa naman siya sa panggagaya ko.

"Excuse me, ate, kuya. Kayo na po ang susunod. Pwede bang umabante na kayo, please? May mga nakapila rin po kasi, salamat na lang," sabay pa kaming lumingon sa babaeng nagsalita sa likod namin. Nag-sorry na lang kami at umorder na.

Nang makaupo na kami, tinanggal na niya ang cap niya. Tinanggal ko na rin ang bucket hat ko.

"Ano ba naman 'yan, parang bata."

Inayos niya ang buhok kong nagulo dahil sa bucket hat. Sumimangot ako habang sinusuklay niya iyon gamit ang kamay niya. Ano ako, batang sinusuklayan ng nanay niya?

eurythmic || yeonjiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon