A S T R I D"Woi, tumayo ka na diyan. Anong hinihintay mo, pasko?"
Sumimangot ako sa kanya.
"Ayaw ko na, Bri. Tulungan mo ako, tatakas ako," sabi ko habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Gurl, anong tatakas? Sa ayaw at sa gusto mo, madadaanan mo yung room na 'yun."
"Bakit ba kasi third floor ang classroom namin? Ang saklap naman huhu," nagkunwari pa akong umiiyak.
"Anong gusto mo, lumipad para hindi mo madaanan yung Svelte? Parang practice room lang eh, ang oa mo talaga kahit kailan."
Pumasok na sa classroom si Scar, kagagaling lang sa C.R.
"Nasaan yung dalawa?" tanong niya sa amin.
"Si Savy, nauna na dahil pupunta pa daw siya sa mall. Baka daw kasi maunahan siya dun sa limited edition na pabango. Ewan ko ba sa batang 'yun," sagot ni Bri.
"Rei?" tanong ni Scar.
"Nasa library, tatapusin pa daw niya yung binabasa niya," sagot ni Bri.
Bumisita kasi si Bri sa classroom namin ni Scar. Sina Rei at Bri ang magkaklase. Si Savy lang ang grade ten sa aming lima.
"Anong sinisimangot niyan?" turo sa akin ni Scar. Mas lalo tuloy akong napasimangot. Baka matulad na ako sa ugok na 'yun.
"Ayaw niyang pumunta sa practice. Gurl, ang arte arte mo. Tuturuan mo lang naman sumayaw. Jusko, ang dami pang echos," reklamo ni Bri.
"Bri's right. Pumunta ka na lang kasi dun," pinanlakihan ko naman ng mata si Scar. Aba't kampihan ba naman daw ang bruhang si Bri?
"Kawawa naman 'yun. Kanina pa siguro naghihintay mag-isa," naiiling na sabi ni Bri.
Malakas akong napabuntong-hininga. Tinatamad akong tumayo, parang lantang gulay. Bakit ba sa'kin pa nangyayari 'to huhu naman.
"Geh. Mauna na kami ni Scar. Pakasaya ka sa practice! Galingan mo sa paglandi este sa pagsayaw! Hahahahaha!" natatawang sabi ni Bri.
"Lumayas na nga kayo. Nakakabwisit pagmumukha mo, Brielle. Laki ng bunganga."
"Come on, Bri. Hinihintay ka na ng papa mo. Iwan na natin si Ash," napalingon naman ako kay Bri, bahagyang humina ang pagtawa niya dahil sa sinabi ni Scar.
"Ingat kayo. Pabati na lang kay tito," bilin ko sa kanila. Kumaway na si Bri sa akin at tinanguan naman ako ni Scar.
At umalis na ang dalawang kupal.
Para akong zombie habang lumalakad papalapit sa kwartong kanina ko pa gustong iwasan. Binilang ko ang mga bintanang dinadaanan ko, pati ang mga tiles na nilalakaran ko. Gusto ko pang patagalin bago ko makita ang pagmumukha niya.
Kung ordinaryong araw 'to, baka halos magkandarapa pa ako, makarating sa Svelte, yung pinakamaliit na practice room dito sa Everleigh. Kakaunti na lang kasi ang mga gustong makapasok sa Luminarie kaya hindi na masyado marami ang mga naghahanap ng practice room. At kapag mayroon, mas gusto nilang malaking practice room ang gamitin.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfic❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020