H U N T E R"Ano bang sasabihin mo? This better be worth my time, Hunter."
Napairap na lang ako kay Scarlet. Napakasungit talaga ng isang 'to.
"Wala na si dragon diba? Nasa Svelte na?" tumango naman siya sa tanong ko. Napabuga na lang ako ng hangin.
Ilang linggo na akong iniiwasan ni Astrid. Nung una, pilit kong iniisip na hindi na niya ako masyadong kinakausap dahil busy siya sa pagpapractice para sa showcase sa Everfest. Hindi ko na rin siya masyadong kinukulit gaya ng dati dahil alam kong nakafocus siya ngayon sa practice at iba pang training sessions ng Luminarie. I didn't want to be a bother.
Sa huli, hindi ko na kinaya at nagdesisyon akong humanap na ng paraan para makausap siya ulit. Kaya ito ako ngayon, kinakausap si Scarlet para humingi ng advice kung paano ko lalapitan si Astrid.
"Mababaliw na ata ako nang tuluyan kung hindi pa rin niya ako papansinin. Tulungan mo naman ako, Scarlet. Hindi ka ba naaawa sa akin?" at inirapan lang talaga ako.
"You're overreacting."
"Hindi mo ako gets kasi wala ka namang gusto. Wala kang crush kaya hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko ngayon," pagdadrama ko.
Patuloy ko siyang kinulit hanggang sa makarating kami sa may hagdan. Kanina pa nakakunot ang noo niya, halatang naiinis na sa presensiya ko. Sige, kaunting kulit pa, Hunter. Bibigay na rin ang señorita.
"Uy, dali na kasiiiiii~ Wala ba siyang sinabi sayo? Hindi niya ako naikwento or something? Wala talaga? Ni special mention ng pangalan ko, wala?" pangungulit ko.
Inis siyang humarap sa akin at dahil nga mas matangkad ako, kailangan niya pang tumingala. Mas lalo tuloy siyang naasar. Pfft, ayan na. Bibigay na, Hunter.
"Damn you and your annoying ass! Pinangako ko kay Ash na wala akong sasabihin pero dahil ang kulit ng budhi mo, sasabihin ko na."
Mabuti na lang pala at sa hagdan kami dumaan dahil wala masyadong mga estudyante dito. Ginala niya ang mga mata niya sa paligid kaya naman ginaya ko rin siya. Her eyes landed on me as she heaved a sigh.
"Ayoko talagang sabihin sayo 'to pero dahil gusto kita, I'm going to fill you in on some things."
"Gusto mo ako?!"
Malakas niya akong binatukan kaya naman napahawak ako sa ulo ko. Takte, sadista talaga ang babaeng 'to. Paano ba 'to natatagalan ni Kean?
"What I meant was, gusto kita para kay Ash. Gosh, saan mo ba nilagay ang utak mo, sa talampakan?"
"Dali na. Sabihin mo na sa akin kung bakit ba niya ako iniiwasan."
"Have you heard of Luminarie's dating ban?" tanong niya. Umiling naman ako.
"No idea. May dating ban sa Luminarie?" naguguluhan kong tanong. Marahan naman siyang tumango.
"After several years of training, Luminarie club members will audition once again for the official membership sa dance troupe. The dating ban applies to both the club and troupe members. Matagal nang ginawa ang ban na iyon at ilang taon na ring pinapairal within the club and troupe."
"Oh, tapos? Ano naman sa amin ni dragon kung may dating ban? For Pete's sake, hindi nga kami magjowa! Pinapangunahan naman nila ako eh. Wala pa nga kami doon."
"Makinig ka nga muna, tss. The officials won't accept club members na may history of dating. According to them, members' dating would taint Luminarie's image and reputation. Malaking distraction rin daw ito kaya pinagbabawalan talaga nila."
Tumango na lang ako para ipagpatuloy niya ang pagsasalita. Ayoko nang sumabat, baka mabatukan na naman ako.
"Luminarie troupe officials messaged Ate Kate, informing her about the rumors about the two of you dating. Both of you have so much potential to be members of the official dance troupe pero kung totoo daw na may something sa inyo, then the officials would kick the both of you out of the club at tuluyan na kayong mawawalan ng chance maging troupe members."
Damn, kaya pala siya umiiwas.
Am I being too selfish?
Masisira ko ba ang pangarap niya kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya?
"Do you even know that You're thinking out loud, right now?" Napasimangot na lang ako sa kausap ko. Bwisit, ano nang gagawin ko ngayon?
"Should I just give up? Hindi pa nga ako sumusubok, susuko na agad ako. Damn, what should I do?"
Nanlambot ang mukha ni Scarlet at tinapik ako sa braso.
"I'm no expert when it comes to these kind of problems but I think you should still give it a try." Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Prove to them na magkaibigan lang talaga kayo ni Ash. Once you show them that you're just really close friends, then maybe they'll stop doubting the relationship between the two of you. Prove to them that friendship between a boy and a girl isn't really impossible."
I chuckled bitterly. "Friendship, right."
"Hindi natin alam ang hinaharap, Hunter. The future has a lot in store for the two of you. For now, friendship is the safest choice. Kahit iyon na lang muna. Pursue her when the right time comes."
"Kailan darating ang panahon na iyon, Scarlet?" I sighed.
"What do you think of me, a freaking clock? Manghuhula? Tss. Be contented with what Ash is offering you right now. Marami pang pwedeng magbago. Marami pang pwedeng mangyari. Makuntento ka muna sa pagkakaibigan niyo. I believe that the right time will come for the both of you."
Napangiti ako sa sinabi niya. The right time will come for the both of us. Tama, kailangan kong makuntento sa kung ano ang mayroon kami ni Astrid. If I yearn for more, I might destroy her dreams, her goals.
Hindi na nagpaalam si Scarlet at naglakad na para umalis. Bastusan lang talaga, may itatanong pa ako eh.
"Uy, liit! May itatanong pa ako, bakit umalis ka na agad?!" sigaw ko sa kanya habang bumababa siya sa hagdan. At dahil dalawang palapag na ang pagitan namin, tumingala siya para kausapin ako.
"What did you just call me?!"
Paktay. Sinabihan nga pala ako ni Kean na 'wag aasarin si Scarlet, lalong-lalo na sa height niya. Bakit nawala sa isip ko?
"Joke lang 'yun. Hahaha! May tanong ako! Anong favorite color ni dragon?!" malakas kong sigaw.
Para na kaming mga shunga dito na nagsisigawan sa hagdan. Nakatingala siya sa akin at nakatungo naman ako habang nakadungaw sa baba.
"The hell are you blabbering about?! Can't you speak properly?! Hindi kita marinig!"
Jusko naman. Maliit na nga, bingi pa.
"Favorite color!" sigaw ko.
"Blue! Now shut up dahil gusto ko nang umuwi. You're such a nuisance!" at tuluyan na siyang bumaba habang nakakunot ang noo. Init talaga ng dugo sa akin.
Naglakad na rin ako para bumaba. Tama si Scarlet. Astrid offered me friendship and I should be contented with that. Kung liligawan ko siya, magiging sagabal lang ako sa mga gusto niyang abutin. I should be considerate.
I should probably look for the troupe officials. Sasabihin ko sa kanilang magkaibigan lang kami ni dragon to avoid misunderstandings. Hindi ko naman kasi naisip na sa pagiging close namin sa isa't isa, pagdududahan nila na magjowa kami. Gusto kong mangyari iyon. Damn, I really do.
Pero mas mabuti nang maging magkaibigan na lang kami kaysa naman ako ang maging dahilan para hindi niya maabot ang mga matagal na niyang pinapangarap.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020