A S T R I DI heaved a sigh as I stared at the ground. Lumipas na ang labinlimang minuto pero wala pa rin siya. Sabi na nga ba. Of course he wouldn't show up. Ikaw ba naman ang iwasan at palayuin ng taong gusto mo. Who wouldn't get frustrated?
Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'tong lahat.
Pinikit ko ang mga mata ko. Miss na kita. I wonder what my life would've been if that incident didn't happen.
"Sorry. Hindi ko alam kung anong susuotin ko tapos wala nang gas yung motor kaya nag-tricycle na lang ako papunta dito. Ngayong umaga ko lang rin nabasa. I'm sorry," hinihingal niyang sabi. Napagod siya sa pagtakbo at tuloy-tuloy pa ang pagsasalita. Malamang mauubusan siya ng hininga.
Hindi ako sumagot at nanatiling nakaupo na lamang sa swing. Tumingala ako sa kanya. He couldn't look at me properly. He looked so nervous. Bakit siya kinakabahan? Ako lang dapat ang kinakabahan ngayon! Iniwas ko ang tingin ko at tumango na lamang.
"Ang tagal na kitang hindi nakakausap nang harap-harapan. Kinakabahan ako, pucha." Binulong niya yung huli pero narinig ko pa rin naman dahil kaming dalawa lang ang tao dito.
Umupo na siya sa katabi kong swing. I couldn't even look at him! I felt so guilty and disappointed at myself. Pinalayo ko siya at humingi ako ng panahon, pero ako rin mismo ang nagsabi sa kanya na mag-usap kami. Naiinis na ako sa sarili ko. In some way, I am leading him on and it's not good. Kaya nagpasya akong harapin na siya at sabihin lahat ng mga tinatago ko.
I'm ready to voice out my feelings now.
"Nasa bahay pa mga magulang mo?" tanong niya.
"Wala sila sa bahay. Maaga silang pumasok dahil may kailangan kaming puntahan mamaya," sagot ko. Tumango na lamang siya at hindi na nagsalita pa.
Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. He didn't want to talk because he probably thought that I'd feel pressured if he did. Tama, ako dapat ang mag-initiate. After all, I was the one who told him to meet me here.
Bumuntong-hininga ako. I mentally wrote everything I will say in my head. Nagpractice pa ako kagabi sa kwarto ko kung anong sasabihin ko ngayon sa kanya. Mahirap na, baka mabulol ako o malimutan ko ang dapat kong sabihin. Or worse, maiyak pa ako.
"Sorry for running away. Sasabihin ko na sa'yo ang lahat. Please lend me your ears," sabi ko. Tumango lang siya at tahimik na nakinig.
"I have a sister. Mas matanda siya sa akin ng pitong taon. Her name's Athena. Mahirap lang kami noon. Nagmula kami sa probinsya at lumipat kami dito. We don't have a house back then so we rented an apartment unit. Pangarap ni Ate Athena maging CEO ng isang entertainment agency. She wanted to be known as a talented dancer, which is why she worked hard to be accepted as a member of the club."
"She worked in some part-time jobs to afford the dance classes she took. Hanga ako kay ate dahil nagawa niyang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. She never talked to me about her struggles. Sa katunayan, ako pa nga lagi ang nagkukwento sa kanya ng mga problema ko sa paaralan."
Piangpatuloy ko ang pagsasalita nang mapansin kong hindi siya umiimik.
"Sampung taong gulang ako nang matanggap si Ate Athena sa Luminarie club. I was so happy for her. Matagal na niyang pinapangarap matanggap sa club na iyon. Nagkaroon ng bunga ang lahat ng paghihirap niya."

BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020