042 | n

139 8 5
                                    


A S T R I D

"Hephep, bakit nagmamadali kang lumayas ha?" taas-kilay na tanong ni Bri.

"Bakit, masama ba? Magpapalit pa ako ng damit," pinanliitan naman niya ako ng mata.

"Ikaw, babaita. Puro Hunter Devlin ka na lang these past few days. Parang last week lang, emo mode ka tapos ngayon halos mapunit na ang pisngi mo kakangiti. Yung totoo, dance partners lang ba talaga kayo?"

Napalunok naman ako. Gosh, pati si Scar nakatingin na rin sa akin. As usual, bumisita na naman si Bri sa classroom namin ni Scar.

Sinamahan ni Scar si Bri nung isang araw sa ospital dahil may sakit ang papa ni Bri. Thankfully, magaling na si tito. Overwork at fatigue kaya naospital.

At ito nga, ini-interrogate ako ng bruha. Hindi ko rin alam pero kinakabahan ako. Like, what the hell lang, Astrid?! Si Brielle lang 'yan.

Nilapat ko naman ang kamay ko sa mukha niya para ilayo dahil ang lapit na, halatang gusto akong gisahin.

"You also never brought more than one set of practice clothes. What's gotten into you, Ash?" at mas lalo akong kinabahan dahil si Madam Scar ang nagtanong.

"Ayan na naman kayo sa issue! Dance partners lang kami na magkaibigan na ngayon, okay? Plus, didn't I tell you already? Hindi ako pwedeng magkaroon ng boyfriend dahil sagabal lang 'yan sa pangarap ko."

"Pangarap mo. Are you sure about that, Astrid?"

Natigilan naman ako sa sinabi ni Scar. I composed myself and flashed a smile.

"Siyempre naman. Ang tagal ko na kayang pinagplanuhan 'to. Being a Luna is just one small step towards my goal. Hindi ko hahayaang mahulog ako sa pag-ibig na 'yan. It's just a distraction."

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at tumungo sa C.R. para magpalit. Ayokong marinig pa ang mga sasabihin nila. I'm sorry, girls. Please just trust me, alam ko ang ginagawa ko.

∘₊✧─────ˏˋ ♚'ˎ─────✧₊∘

"Umikot tayo sa part na 'to. Then after that, yung mirrored steps na," sabi ko.

"Dagdagan natin dito, parang kulang kasi. Lagyan natin ng shadow, tapos galaw ka paloob na pakaliwa."

"Pakanan na lang yung direction after nung shadow para tuloy-tuloy hanggang dun sa kakaliwa ako. Then, step in front of me with a wave tapos humarap ka sa kanan."

"Humarap ka rin sa kanan para mirror. Sakto dapat sa beat. Hold my hand after, then drag it around you in a circular motion."

Hindi ako makapaniwala na natapos na namin agad yung unang bahagi ng sayaw. We already finished the first minute. Isang minuto na lang ang kailangan dahil two minutes ang maximum time sa audition.

Nagpapahinga na kami ngayon. We practiced for three hours and it's already 6 in the evening. Gusto ko pa sanang mag-practice kaso baka nagugutom na siya.

"You did great, dragon," nakangiti niyang sabi.

"No, we did great, Hunter," nagtaka naman ako nung sumimangot siya sa sinabi ko.

eurythmic || yeonjiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon