093

99 9 1
                                    


To: singkit na kamukha ni light fury <3

Hi! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan 'to. Pakilala muna ako, hahaha! Ako lang naman ang number one fan mo. Ako rin ang pinakagwapo mong kaibigan na crush ng lahat. (Malaking hint na 'yun ah!)

Nakakatawa lang na nandito ako ngayon, nagsusulat ng letter para sa'yo. Parang kahapon lang, tina-trashtalk ko ang booth na 'to. Pfft. Iba talaga nagagawa kapag gusto mo ang isang tao.

Yes, you read that right, love.

I am a friend of yours who has feelings for you. Higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa'yo. I'm not sure if you feel the same way, but I still want to tell you. Gusto kita. Gustong-gusto kita, Astrid.

Nakilala kita sa isang playground. You were crying back then. Mabuti na lang pala't may dala akong ice cream noon. Sino ba namang mag-aakalang mint chocolate rin pala ang paborito mo? Alam mo kung anong tawag doon? It's called destiny! Hahahaha! (Oo na, ako na ang makapal ang mukha)

Iyon rin ang araw na tinamaan ka ng bola sa ulo. Sinisi ako noon ni Scarlet. Sinabi niya sa akin na ako daw ang may pakana. She told me it was my fault that you missed the auditions.

Huwag kang magtampo, babe. Naging crush ko kasi si Scarlet dati. DATI 'YON, OKAY? Huwag kang magselos. Ikaw lang ang mahal ko <3

Because I liked her back then, I agreed to her. Sinabi niya sa akin na humanap ako ng paraan para makapag-audition ka ulit. But she told me that it should be through honest ways. Ayaw niyang matanggap ka dahil lang sa social connections dahil alam niyang pagdududahan mo ang kakayanan mo kapag nangyari iyon.

When I met you that day, at the playground, doon ko napagtanto. I wanted to make a way for you to achieve your goals. I wanted to help you.

Ngayon ko lang narealize. Back then, I didn't approach Kaitlyn because Scarlet told me to do so. I didn't agree to perform with you because Scarlet told me to do so. I didn't practice with you because Scarlet told me to do so. I didn't become your dance partner because Scarlet told me to do so.

I did all of these because I wanted to. I wanted to help you. Gusto kong tulungan kang maabot ang mga gusto mong abutin. I wanted to be by your side and support you.

Unti-unti akong nahulog sa'yo. One day, I just found myself thinking of you whenever I wake up in the morning. Nahulog ako. Sobra.

Yung tipong mukha mo lagi ang naiisip ko. Yung tipong dance practice lang natin ang inaalala ko habang nagkaklase. Yung tipong kakain lang ako ng mint chocolate ice cream, pero iniisip ko, "Mas masaya siguro kung kasama ko si dragon habang kumakain nito. Favorite niya 'to eh."

That's when I knew, hindi na si Scarlet ang gusto ko.

Isang araw, bigla mo na lang akong iniwasan. Nagtaka ako kung bakit. Pumunta pa nga tayo sa amusement park bago mangyari 'yon. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung may nagawa o nasabi ba akong mali. Medyo bobo pa naman kasi ako paminsan-minsan.

Inisip ko pa nga na iniiwasan mo ako dahil inasar kita nung pumunta tayo sa amusement park. Hindi ko naman kasi alam na takot ka pala sa apoy. At first I found your reaction cute. De joke. Gusto ko lang na kumakapit ka sa akin. Ang bad ko noon. I'm sorry :((

Pero ang cute mo kasi talaga

I approached Scarlet. Tinanong este kinulit ko siya kung bakit mo ako iniiwasan. Noon ko lang rin nalaman na mayroon palang dating ban ang Luminarie. Takte, kung alam ko lang na may ganoon palang pauso yung club na 'yon, e'di sana hindi na tayo nag-audition. Joke lang, hehe.

Tinanong ko pa si Scarlet kung anong paborito mong kulay pero hindi niya narinig nang maayos. Bagay naman sa akin ang blue 'diba? Hindi mo naman ako itatakwil dahil mukha akong cookie monster?

Pero may magandang naidulot naman yung kashungahan ko. Kinausap mo na rin ako sa wakas noong nag-chat ako sa'yo tungkol sa buhok ko. Sabi na eh, 'di mo talaga ako matitiis.

Nang malaman kong may dating ban ang Luminarie, napagtanto kong mapapahamak lang kita kung ipipilit ko ang mga nararamdaman ko para sa'yo. Mapapahamak lang kita kung patuloy kitang ituturing na higit pa sa isang kaibigan. I knew my feelings would get in the way.

Pinakita ko sa iba na magkaibigan lang tayo, na hinding-hindi tayo hihigit doon. I wanted to prove to others, especially to the dance troupe officials that we were just friends. Kahit papaano, nawala na rin sa wakas ang mga sabi-sabi.

Dumating ang epal na si Xavierre. Medyo nagselos ako sa ugok na 'yon kasi lagi ka niyang kasama sa mga groupings. Tss. Dapat talaga nagpalipat na lang ako ng section eh.

At some point, I began to feel anxious and scared. Kung patuloy kong itatago ang mga nararamdaman ko para sa'yo, malamang may mang-aagaw na sa akin. Gusto kong magtapat sa'yo dahil alam kong pagsisisihan ko kung hindi ko sinabi. But at the same time, I feel like my confession will be useless.

Matagal mo nang pinapangarap ang Luminarie. I knew better than anyone that you would definitely choose your goals over me. Sino ba naman ako para piliin mo 'diba? Kaibigan mo lang naman ako, haha.

Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Hindi ko alam kung sasagutin mo ba ako. I just want to convey my feelings, dragon. Gusto ko lang ipaalam at iparamdam sa'yo.

Gusto kita, Astrid. I like you more than a friend.

Hindi mo ako kailangan sagutin. You don't have to force yourself to feel the same way as I do. Masaya na ako sa katotohanang tinuring mo ako bilang malapit mong kaibigan. I am contented with that.

Siguro nga, mas mabuti kung ibabaon ko na lang 'tong nararamdaman ko para sa'yo. I don't want to ruin our friendship just because of my feelings for you.

Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin. I won't be awkward with you. Kakausapin kita na parang kaibigan. Kikilos ako na parang kaibigan.

Although deep inside, I know that my feelings for you are more than that.

Hayaan mo, balang araw makakapag-move on na din ako.

Pero parang mahirap yata gawin 'yon.

Masyado na kasi akong nahulog.

Masyado nang malalim.

Mula sa pinakagwapo mong dance
partner at campus crush ng bayan,
Hunter Devlin

eurythmic || yeonjiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon