A S T R I D"Hala, naiyak na. Huwag ka umiyak, Mami Ash."
"Ang ingay mo daw kasi, kupal! Pinaiyak mo siguro!"
"Kakarating niyo lang dito, nag-aaway na agad kayo. Pwede bang kaunting katahimikan po muna?"
"Wow lang! Sinasabi mo lang 'yan dahil sarap na sarap ka sa kinain mong pizza. Sinong nagsabing kumain na kayo agad nang wala kami?!"
"Gosh, bakit si Duke naman ang inaaway mo, Ate Bri? Anong connect ng tahimik sa pizza?"
"Kalma nga muna. Tahan na, Ate Ash. Hindi naman namin alam na maiiyak ka pala sa surprise namin. Sorry po."
"No, nagustuhan ko yung surprise niyo, Rei. Thank you so much. Nag-abala pa kayong maghanda. Salamat talaga," naluluha kong sabi.
"You look terrible," sabi ni Scar habang inaabot sa akin ang asul na panyo.
Hindi ko alam na may pa-surprise pala silang hinanda para sa akin. Akala ko kainan lang ang magaganap ngayon. Hindi nila ako ininform. Naiyak tuloy ako, kainis naman.
"Kaya naman pala ang tagal-tagal niyong mga babae. Hindi niyo sinabing may pa-surprise kayo na may kasamang cake. Akala ko drinks lang binili niyo," sabi ko. Huminahon na ako ngayon at nakaupo na kami sa lapag.
"Ako na ang maghihiwa ng cake," sabi ni Bri. Nagulat kaming lahat nang agawin ni Rence ang kutsilyo mula sa kanya.
"Ako na, baka masaktan ka pa," sabi ni Rence. Sinamaan siya ng tingin ni Bri at inirapan pa.
"Excuse me, kasama ako sa mga bumili nito kaya may karapatan akong maghiwa. At isa pa, hindi pwedeng kumain ng cake ang mga naunang kumain ng pizza. Huwag ka ngang epal, dun ka! Shoo~"
"Grabe ka sa'kin. Kaya lang naman ako kumain ng pizza dahil nakita kong kumain na sina Kean eh. Sorry na," sabi ni Rence. Nag-agawan pa talaga sila, ako naman ang kinabahan dahil kutsilyo ang pinag-aagawan nila. Aawatin ko na sana nang mauna si Scar sa pagpigil sa dalawa.
"Sino ang nanlibre?" tanong ni Scar sa dalawa. Natahimik naman sila at sabay pang tumungo na parang mga batang pinagagalitan ng nanay. Ayan kasi, agawan pa more.
"Ikaw po."
"Oo na, ikaw na."
Kinuha ni Scar ang kutsilyo kay Rence at sinimulan nang hiwain ang cake. Hindi na nakapalag ang dalawang bubwit. Tumulong sa akin sina Rei, Evren, Kean at si Hun sa pag-aayos ng mga pagkakainan. Buti na lang at may natira pang dalawang box ng pizza. Nagdasal muna kami bago kumain.
"Bakit kasi kumain na po kayo agad, mga kuya? Atat na atat sa pizza?" tanong ni Rei. Nanlaki ang mata ni Evren at kinalabit ito sa balikat. Lumingon naman agad si Rei sa kanya.
"Ano, nagugutom na daw kasi si Kean kaya nauna na kaming kumain. Pasensya na talaga. Hindi pa kasi kami nanananghalian. May dalawang box kaming tinira. May carbonara rin at lasagna. Sorry talaga," sabi ni Evren.
Nanlambot naman ang tingin ni Rei sa kanya at inaya pang kumain. Ang rupok talaga ng isang yun. Matagal na rin kasing may gusto si Rei kay Evren. Maaaring nakakagulat para sa iba na hindi lubusang kilala si Rei dahil ang alam ng lahat, siya ang nerd sa tropa. Well, hindi nila sure.
"Nakuha mo na ba yung damit mo?" tanong sa akin ni Hun. Tumango naman ako at tinuro sa kanya ang puting paper bag na nakapatong sa sofa.
"Nagmamadali na rin ako kanina. Mabilisang plantsa na lang ang ginawa ko. Hindi ko rin nabasa yung DM mo sa akin," sabi ko.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020