A S T R I D"May mga tanong ka pa ba?"
Nakaupo kami ngayon sa loob ng Frostbite. As usual, mint chocolate na naman ang inorder namin pareho. Nag-tricycle lang kami mula sa may playground papunta dito sa Stellaire Mall.
Kahit hindi niya sabihin, it was pretty obvious that he brought me here to cheer me up.
"Uhm... ano... Bakit ka absent kahapon? Saan ka pumunta?" nag-aalangan niyang tanong.
"Pumunta ako sa puntod ni ate. Tomorrow is her death anniversary. Napaaga lang ako dahil gusto kong sabihin sa harap ng puntod niya na sasabihin ko na sa'yo ang lahat. I wanted to tell her that I'll be confronting a close friend. Tsaka lagi namang napapaaga ng isang araw ang pagbisita ko sa puntod niya. I didn't want my parents to see me crying in front of her grave."
"Oh, bawal nang sisihin ang sarili ah! Pumapangit ka kapag umiiyak ka, kaya---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil binato ko ang maliit na wooden spoon sa mukha niya. Buti na lang pala dalawa ang kinuha ko para sa akin. May extra pa ako dahil hindi pa ako tapos kumain.
Napasimangot naman siya, "Sakit, huhu."
"Mas pangit ka!" sabi ko.
"Oy, may sinabi si Savy sa akin noong isang araw. Matagal na rin, bago pa mag-Everfest. Bakit nagpadala si Xavierre ng frappe sa'yo noon? At tatlong beses pa talaga ah," sabi ni Hunter. Tinaas ko naman ang kilay ko.
"Bakit ba naiintriga ka lagi kay Xavierre? Crush mo ba 'yon?"
"The hell?! Pangit kaya niya! Mabaho ang hininga, mahina sa basketball tapos hindi kita yung mata kapag ngumingiti!" Sinapak ko naman siya sa braso dahil sa sinabi niya.
"Napakasama mo! Kaibigan ko 'yon. Kaibigan mo rin naman 'yon diba? Magkasama nga kayo lagi sa basketball team tapos tina-trashtalk mo. Tsk."
"Lagi kasing nakabuntot sa'yo eh!" at nagmaktol pa po ang bibe dito sa loob ng ice cream shop. Tss. Nakakahiya talaga.
"Look, may rason siya kung bakit niya binigay 'yon. Besides, si Savy pa rin naman ang uminom nung mga binigay niyang frappe. He gave those because he did something wrong. Hindi ko siya sinisisi at alam ko namang aksidente lang yung nangyari. But he insisted that it was his fault and that he felt guilty. Imbis na gawan ng paraan, natakot daw siya sa akin. He said he found me way too intimidating."
"Ha? Hatdog. Wala akong naintindihan sa sinabi mo." Napairap na lang ako bago sumubo ng mint chocolate ice cream.
"Siya yung nakatama sa akin ng bola sa ulo. He felt guilty for not doing anything. Nai-intimidate daw siya sa akin, kaya naman pala hindi ako masyadong kinakausap kahit na ilang taon na kaming magkaklase. He also said he felt guilty dahil nakita niyang sa'yo napunta ang sisi at ikaw rin ang gumawa ng paraan para tulungan ako makapasok sa Luminarie after missing the first auditions."
Magsasalita na sana si Hunter pero mukhang may na-realize siya kaya tinikom niya ang bibig at pinagpatuloy ang pagkain.
"Anong inisip mo? Share mo naman diyan," sabi ko. Napairap siya at umiwas ng tingin.
"Kung hindi niya siguro nabato yung bola, hindi siguro tayo magkakakilala. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na aminin na siya ang may sala, hindi siguro tayo magiging magkaibigan. Kung siya ang tumulong sa'yo, hindi siguro ako ang magiging dance partner mo," sabi niya habang nakatingin sa labas ng glass wall.
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020