A S T R I D"Akala ko ba hindi ka mala-late?"
Nakataas pa ang kilay ko sa kanya. Hinihingal siya nang makarating siya sa Svelte kaya naman tinigil ko ang pagtataray at lumapit sa kanya. Tinapik ko pa ang likod niya.
"Saan ka ba galing at hinihingal ka?" tanong ko. Nang makahinga na siya ulit nang maayos, tumingin siya sa akin.
"Tumakbo ako papunta dito. Baka kasi kanina ka pa naghihintay."
Hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Mabilis kong tinanggal ang kamay kong nakapatong sa likod niya. Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa sound system.
Ayan, Astrid. Rupok pa more.
Pasimple ko siyang tinignan sa salamin. Binaba na niya ang bag niya at pinatong ang itim niyang bucket hat sa ibabaw ng cabinet. Kinuha niya rin ang itim niyang towel sa bag at pinunasan ang pawis. Nang lumingon siya sa akin, mabilis kong inalis ang tingin ko sa salamin at nagkunwaring inaayos ang sound system.
"Sorry talaga. Five minutes lang naman akong late eh. Nakikain kasi sa bahay sina Evren. Wala sina mama't papa kaya kami ni Kean ang nagluto ng tanghalian nung tropa. Kumain na rin pala ako ng tanghalian. Ikaw, naglunch ka na ba?" tumango naman ako, nakaharap na ako sa kanya.
Bastos naman kung hindi ako humarap, diba? Kinakausap ako nung tao.
"Ikaw nagluto para sa mga kaibigan mo? Marunong ka?" di-makapaniwalang tanong ko sa kanya. Humawak pa siya sa dibdib niya na para bang na-offend sa sinabi ko.
"Grabe, ano bang tingin mo sa'kin? Ako kaya ang pinakamatanda sa mga bubwit na 'yun. Though parang mas leader si Kean sa amin, marami rin naman akong ginagampanan na tungkulin sa tropa," kwento niya.
"Sino ba 'yang mga kaibigan mo?" tanong ko.
"Uy, huwag kang papatol sa mga 'yun. Pagsisisihan mo, seryoso," natawa ako sa kanya. Sumeryoso kasi ang mukha niya.
"Curious lang naman. Sus, overprotective ka pala. Hahahaha!" sinimangutan naman niya ako.
"Ikaw, wala ka bang tropa?"
"Of course, I do! Wait, gawa kaya tayo ng GC?" hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ko at naisip ko 'yan.
"Para saan naman?" nagtatakang tanong niya.
"Ewan ko. Kawawa rin kasi mga kaibigan ko, mga walang jowa. Malay mo, makikita pala nila sa tropa mo yung hinahanap nila. Saklap kasi ng mga 'yun," natatawa kong sabi.
"Grabe ka sa tropa mo. Pero parang ganyan rin tropa ko eh. Hahahaha! Si Rence, ayaw i-crushback ng crush niya. Si Kean, ayaw makipag-kapwa tao, laging nakabuntot sa akin. Si Evren naman, inuuna ang pag-aaral. Si Duke... hampaslupa ang batang 'yun. Hahahaha!"
Nakakahawa yung tawa niya, pati ako natatawa na rin.
"Saklap rin namin. Si Bri, naghahanap ng ka-crushback sa kanya. Si Scar, walang planong magka-lovelife. Si Rei, puro libro ang inaatupag. Si Savy naman, masyado pang bata kaya walang interes. In short, mga wala kaming pag-asa. Hahahaha!"
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Hayran Kurgu❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020