092 | n

94 5 0
                                    


H U N T E R

Tumayo na ako mula sa bench at nagsimula nang maglakad papunta sa lugar na kanina ko pa iniiwasang isipin. Sinuot ko ang itim kong face mask at ang puti kong cap. I find it so ironic. Parang kahapon lang, binabash ko yung booth na 'to. And now, I find myself walking towards it with a shaking heart and an anxious mind.


"Takte, hindi ko na kaya," sabi ko habang nakatingin sa nakapaskil na signage.

Tumingin muna ako sa paligid. Mahirap na, baka may nakamasid pala sa akin. Buti na lang lagi kong dala ang face mask at cap ko. Last thing I want is a crowd of people surrounding me.

Nagulat ako nang bigla na lang akong hinila ng isang lalaking estudyante papunta sa booth. Hindi man lang niya ako tinanong kung gusto ko ba talagang pumasok! Anak ng tokwa.

"Bastusan lang? Wala akong sinabing gusto kong pumasok sa booth niyo! Jusko naman."

There were about three people inside. Yung lalaking humila sa akin, isang babaeng nakahiga sa sofa, at isang babaeng nakapalumbaba habang abalang nagsusulat sa orange niyang notebook.

"Riverson, for the nth time, huwag kang papasok sa loob kung wala ka namang dalang tao," sabi ni Zariella habang nagsusulat.

"Kung tignan mo muna kasi yung dinala ko bago ka dumada diyan. Tss." Agad namang inangat ni Ariel ang tingin niya at nanlaki ang mga mata nang makita ako.

Potspa, ano ba 'tong pinasok ko? Seryoso ba 'to? Gagawin ko na talaga? Teka parang 'di pa ako handa. Takte, bakit ba kasi bigla na lang ako hinila?

"Ikaw?! You're really going to participate in our booth?! Isang campus crush na katulad mo?"

On second thought, ayaw ko na pala.

"Hinila lang ako ni Riverson dito. I was just curious. Hindi talaga ako magsusulat, hehe."

Ariel stood up and grabbed my arm. Hinila niya ako papunta sa isang kwarto, sapilitang pinaupo sa upuan at nilapitan si Riverson na nakatayo sa may pinto.

"Oh, natapos ko na quota ko. Baka naman pwede na akong umalis?" rinig kong sabi ni River.

"Bantayan mo siya habang nagsusulat. Ikaw na rin magsabi ng mga packages and offers. Taena, ayusin mo, River. Ayusin mo 'yan kung gusto mong maka-date si Desiree."

"Oo na. Anak ng tokwa naman, kung alam ko lang na ganito pala ka-boring yung booth, hindi na sana ako sumang-ayon pa," reklamo ni River.

"Kasalanan ko bang shunga ka para kay Desiree? Bilisan mo na't ayusin mo sa pagbabantay. Pwede ka na lumayas at humarot hanggang kailan mo gusto kapag natapos na 'yan," sabi ni Ariel bago isarado ang pinto.

Lumapit na sa akin si River at nilapag ang papel na hawak niya. Nakalagay doon ang mga packages na mayroon ang booth na ito. The prices were also listed on the right corner.

"Hindi ko alam na magiging patok ang booth na 'to. Akala ko walang kwenta lang yung idea ni Zariella. Kung alam ko lang na magiging abala ako sa pagpapadala ng mga letters, sana hindi na lang ako nagpresintang tumulong." Bumuntong-hininga na lang si River.

Kanina ko pa nga nakikita ang isang 'to na pakalat-kalat sa campus. Kaya naman pala.

"Let's start by picking a color. Anong kulay ng envelope at anong kulay nung mismong letter?"

Damn, am I really doing this? Kasalanan 'to ni Kean eh! Siya ang nagsabi sa akin na magsulat na lang ako dito. Takte, gusto ko nang tumakas.

"Hayst. Ayan ang problema sa inyo. Nandito na kayo, push through with it. Relax lang, dude. The letter can be anonymous anyway. Kayo ang bahala kung gusto niyong ilagay ang pangalan niyo o hindi," sabi ni River. I simply nodded in response.

I heaved a sigh, "Red for the envelope tapos itim yung letter."

He raised a brow and lightly chuckled. "Nice choice. Ang unique. Let me get a white pen for you, then. Basahin mo yung flyer na binigay ko. Sabihin mo sa akin kung aling package ang gusto mong kunin pagbalik ko. Saglit lang, bro." Tumango na lang ako at umalis na siya.

Nandito na ako. Might as well just do it.

Bumalik na ulit si River at inabot sa akin ang white pen na kinuha niya.

"Hey, I made a promise to the club not to tell the customers' secrets but I really can't help it. You're the 526th customer, actually. Alam mo bang may mga kaibigan ka ring pumunta dito para magsulat ng letter?" he asked.

Kumunot ang noo ko. The heck?

"Sina Kean ba tinutukoy mo?" I asked.

He shrugged and chuckled. "Wala akong sinabing puro lalaki lang ang pumunta dito mula sa tropa mo. I'll stop here, baka may masabi pa ako. Basta magsulat ka na lang diyan, hahaha."

"Hoy, baka sumilip ka ha? Tumalikod ka. Bawal tumingin dito," sabi ko.

Mahirap na, baka may kumalat na naman sa Everleigh.

"Dude, wala akong pakialam sa lovelife niyo. Magsulat ka na diyan nang matapos na ako. May kasama dapat ako ngayon pero dahil sa lecheng booth na 'to, hindi ako makatakas."

Bumuntong-hininga na lamang ako at humarap na sa itim na papel. With shaking hands, I held the white pen. Pinikit ko ang mga mata ko.

Tanging siya lang ang iniisip ko ngayon. Her smile, her laughter, her voice. Without knowing it, I smiled.

I don't want to risk the friendship we have right now. Sapat na para sa akin na maging malapit niyang kaibigan. If she doesn't feel the same, it's fine. Gusto ko lang naman iparamdam at ipaalam sa kanya. I just want her to know.

Astrid made me realize a lot of things. Dahil sa kanya, nalaman kong may galing rin pala ako sa pagsayaw. I didn't even know how enjoyable dancing was before. I didn't know that a simple audition could open up to many doors of possibilities for me.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa papel.

It's okay, Hunter. Pour your feelings out unto this blank piece of paper.

eurythmic || yeonjiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon