046 | n

128 6 4
                                    


A S T R I D

"Five, six, seven, eight!"

We finally finished the two-minute choreography. Miyerkules pa lang pero tapos na namin. Simple man yung sayaw namin, nakakagulat pa rin na agad-agad naming natapos. Para sa akin na matagal nang sumasayaw, I usually take two weeks to make a full choreography.

Iba talaga ang talent ng isang 'to. Siyempre, hindi ko yun sinabi. Baka lumaki ang ulo.

"We did great, Hun!"

Ngumiti rin siya sa akin at tumango na parang bata.

"Pahinga muna tayo. After five minutes, subukan natin ulit gawin nang buo," sabi niya.

"Pwede ko bang mahiram yung phone mo?"

Nagtataka man siya, kinuha niya pa rin ang phone niya sa bulsa at inabot iyon sa akin.

"Thanks! Naalala ko lang yung sinabi ni Rence kahapon, na irecord daw natin yung sayaw," natatawa kong sabi.

"Ah, yung paalala ni kupal. Nagtampo kagabi. Bakit daw walang video. Hindi daw tayo tumutupad sa pinag-usapan. Hahaha! Akin na yung phone, ako na magseset-up. Pahinga ka lang diyan," binalik ko naman ulit sa kanya, tutal siya naman ang may-ari.

With his back facing me, I stared at him as he tries to fix the angle of the phone. Nang humarap siya habang inaayos iyon, nakita ko kung paano siya sumimangot habang nagfofocus sa pag-ayos ng phone. Ayan na naman po ang bibe. Nang mapansin naman niyang pasimple ko siyang tinatawanan, mas lalo siyang sumimangot.

"Ang saya natin ah."

"Siyempre! Kasama kita eh. Hahaha!"

Bigla kong narealize ang sinabi ko. My eyes widened as I looked at him. His expression was a reflection of mine. We were both taken aback with what I just said. Putspa ka, Astrid. Ano na bang nangyayari sayo?

"Joke lang! Joke lang yun."

Tumikhim siya bago magsalita, as if collecting himself.

"Alam ko. Huwag kang mag-alala. Wala namang malisya 'yun. Anyway, tapos ko nang i-setup. Tumayo ka na diyan. Practice na ulit."

Tumayo na kami sa gitna. I clicked the remote to play the song. Ganito kasi ang practice namin.

Tutugtog yung kantang naka-loop at patatapusin namin iyon. Sa unang beses ng pagtugtog ng kanta, wala muna kaming gagawin kundi ireview o alalahanin ang mga steps. Kasama na rin doon yung image training.

Then, kapag patapos na yung kanta, maghahanda na kami sa pangalawang beses na tutugtog ulit yung kanta.

In other words, the first loop will be a review, then the second one will be the real practice.

Kaya ito kami ngayon, nakatayo at inaalala ang mga steps habang tumutugtog ang kanta for the first loop.

"Wait, nasaan yung remote para sa ilaw?" tanong niya. Nagtataka man ako sa tanong niya, sinagot ko pa rin.

"Nasa may mini-locker sa bandang likod," sagot ko.

Pumunta naman siya doon. Nagtaka ako nang bahagyang dumilim ang mga ilaw sa may harap. Binuksan pa niya ang mga neon lights sa gilid.

eurythmic || yeonjiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon