A S T R I D"Selfie lang, mabilis lang 'to. Promise!"
Hinayaan ko lang siyang magpicture sa sofa habang kumakain siya ng popsicle.
"Hoy, kapag iyan nagtulo diyan, lagot ka sa'kin."
"Damn, ang gwapo ko dito."
Kinuha ko ang phone ko para kunan siya ng picture. Palibhasa gwapo kaya ang confident mag-selfie, tss.
"Hindi ako makapaniwala. Bukas na talaga yung auditions. Parang kahapon lang, natamaan ako ng bola sa ulo," natatawa kong sabi.
Nagpapahinga na kami ngayon dahil tapos na sa wakas ang practice. I still can't believe we actually managed to create a choreography and master it within one week. Iba talaga ang talent ng isang 'to. He was really born to dance.
"Bakit pala nung una, ayaw mo akong maka-partner? Dahil ba hindi mo sure kung magaling ako sumayaw?"
"Ano namang nakain mo at naisip mo yan?"
"Popsicle, hahahaha!" inirapan ko lang siya.
"Inisip ko rin 'to kagabi. Pumasok sa isip ko na, baka kaya mo tinatanggihan yung offer ko dati dahil baka maging pabigat ako," sabi niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko at tinaas ko pa ang kamay ko, strongly denying what he just said.
"Hindi yun ang rason ko! I'm not that full of myself, Hun. Kaya ko tinanggihan yung offer mo nung una ay dahil sa rules ng Luminarie sa auditions nila," sabi ko na ipinagtaka naman niya.
"Rules? Dami naman kasing arte ng club na yun eh," nakasimangot niyang sabi.
"Kapag sasali ka sa auditions nila, pwedeng solo, duo or group. Kung hindi solo ang performance mo, kapag may kasama kang iba, it's either lahat kayo papasa o lahat kayo hindi makakapasok."
"Oh tapos?"
"I didn't want to accept your offer dahil baka pareho tayong hindi makapasok. Never pa akong nagperform na isa lang ang partner. I almost always performed alone. Kapag may kasama, laging grupo. Tapos napansin kong parang hindi ka naman seryoso----"
"Oy, seryoso kaya ako!"
"Huwag ka ngang sumingit. As I was saying, akala ko hindi ka seryoso, idagdag mo pa doon yung time na sinabi mong wala kang experience sa pagsayaw at paggawa ng choreography. Since we had a deal, I had to stick to what I said kaya pumayag ako na maging partner mo eventually."
"Parang napilitan lang ah."
"Medyo kinabahan talaga ako nung una dahil sinabi mong wala kang experience at magpapaturo ka pa sa akin. Akala ko talaga katapusan na natin pareho. Pero pagkatapos mong sumayaw nung unang beses tayong nag-practice, I was amazed," pinitik naman niya ang imaginary niyang mahabang buhok.
"Ang galing mo talaga, self!" binatukan ko naman siya.
"Yabang! Kaya ayokong i-complement ka, nagiging mahangin bigla eh. Anyway, yun nga. Eventually, I realized how determined you actually were. Nakita ko naman na nagseseryoso ka, lalong-lalo na kapag practice. Kahit papaano, nabawasan ng kaunti yung kabang nararamdaman ko."
"Bakit ka kinakabahan?" nakasimangot na naman. Bibe na talaga.
"Ikaw ba, hindi ka kinakabahan?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at ngumiti sa akin.
"Bakit ako kakabahan, ikaw ang dance partner ko? Sobrang galing mo, dragon. Don't even doubt yourself. Ikaw na rin mismo nagsabi sa akin nung isang araw, na matagal mo nang pinaghandaan 'to."
Nang mapansin niyang hindi ako sumagot, pinagpatuloy niya ang pagsasalita.
"Huwag mo munang isipin o problemahin yung mga matang nakatingin sayo. Huwag mong isipin na magiging disappointment ka kapag hindi ka makapasa. Alam mo ba ang pinakamahalaga?" tanong niya.
Marahan naman akong umiling.
Kapag kinakausap niya ako ng ganito kaseryoso, bumibilis yung tibok ng puso ko. Ang lalim ng mga sinasabi niya. Pero mas malalim yung mga tingin niya. Paano ko mapipigilan yung sarili kong mahulog? Nakakainis naman 'to eh.
"Ang pinakamahalaga, pinagsikapan mo 'to at naniwala ka sa sarili mo. Maraming humahanga at naniniwala sayo, dragon. I hope you'll also believe in yourself more," sabi niya.
Sinuklian ko ang matamis niyang ngiti. His words encouraged me a lot.
"Thank you, Hun. Salamat sa advice, it means a lot to me. Mahirap rin kasi kapag ikaw ang pinakamatanda sa tropa, I didn't want to burden them with my thoughts," sabi ko.
"Ako rin ang pinakamatanda sa amin eh. Unlike you, si Kean ang lagi kong takbuhan kapag may problema ako. Pero minsan, kapag nakikita kong mayroon rin siyang dinadala, hindi ko na sinasabi sa kanya yung problema ko."
"Close talaga kayo ni Kean, no?" tumango naman siya.
"Si Scarlet ang pangalawa sa pinakamatanda sa inyo diba? Why don't you share your thoughts with her? Wala namang masama kung humingi ka ng advice sa mga kaibigan mo. Just because you're the oldest, doesn't mean you can't share your problems with them."
"Kinakausap ko rin naman si Scar kapag may problema ako. Katulad niyo ni Kean, siya ang tinatakbuhan ko kapag may problema ako."
Nagulat ako nang inakbayan niya ako. Mula sa malaking salamin dito sa practice room, nakita ko kung paano ako namula. Shet, patay ako kapag napansin niya. Putspa naman.
"Nandito naman ako, dragon. Your one and only dance partner na pogi, Hunter Devlin."
"Bakit may pogi pa? Feel na feel mo yan, teh?" sinubukan kong magbiro para naman mawala yung init sa pisngi ko. Kaso ang epic fail dahil bahagya pa ring namumula. Taena naman, selp. Kalma lang.
"Tapos in-born pa yung talent ko sa pagsayaw. Grabe, nakakainlab talaga ako. Don't you agree?" nang lumingon siya sa akin, nilayo ko ang mukha niya sa akin at umiling. Tumayo na ako at naglakad papunta sa mini-locker para kunin ang bag ko.
Hindi pwede, Astrid.
"Oo na, ikaw na in-born ang talent sa pagsayaw. Magligpit ka na, gusto ko nang umuwi," sabi ko.
Natatawa naman siyang tumayo at naglakad na rin papunta sa tabi ko para kunin ang mga gamit niya. Biglang nag-ring ang phone niya.
I love to play all day
Come join me, all my friends
Always happy, as can be
Little Penguin, Pororo~"Lechugas ka, Kean! Bakit ba? Alam mo namang nagpapractice kami kapag ganitong oras diba?"
Natawa na lang ako sa tabi niya at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Nakapagpalit na kami pareho at nag-aayos na lang. Nagpabango na rin ako at chineck kung may naiwan pang gamit sa loob.
"Taena. Bahala ka sa buhay mo. Walang gas? Edi makisabay ka na lang. Dami pang arte, gusto rin naman. Problema mo yan, tss. Oo na, bye!"
Binaba na niya ang tawag at tinapon ang popsicle stick sa basurahan. Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Oh, tinitingin-tingin mo diyan?" tanong ko.
"Palitan ko na kaya yung ringtone? Nakakahiya, nyemas," bulong niya sa sarili niya. Narinig ko naman iyon kaya tumawa na lang ako. Tinapik ko siya sa balikat.
"Okay lang yan, pars. Cute naman yung ringtone, huwag mo nang palitan."
"Naalala ko nung nakita kita sa playground. Parang ganito rin yung nangyari noon," natatawa niyang sabi.
"Muntikan na akong mahulog nun sa swing! Buti na lang nakahawak yung isa kong kamay. Bwisit ka talaga, Hun."
"Umiiyak ka noon. Dahil sa Luminarie audition, right?" nag-aalangan niyang tanong. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Okay na ako ngayon, though. Nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero talagang nagpapasalamat ako at nagkaroon ng pangalawang round of auditions. Now that I'm given a second chance, I'll make sure that we'll ace this together."
Sinuklian niya ang ngiti ko at marahang tumango.
"Together."
BINABASA MO ANG
eurythmic || yeonji
Fanfiction❝ be my dance partner ❞ ❝ kilala mo ba kausap mo? ❞ ✧ in which an aspiring female dancer declines the offer of a campus crush || crown series #1 || ✧ a yeonji epistolary ✧ 07.12.20 - 08.26.20 ✧ completed © galaxiellar, 2020