015 | n

147 13 0
                                    


A S T R I D

Tinago ko na ulit sa bulsa ko ang phone ko pagkatapos kong kausapin si Scar. Nakatanggap ako ng sandamakmak na message mula sa kanilang apat.

I just felt so tired.

Buong bakasyon, itong audition lang na 'to ang inaalala ko. Isang buwan akong nagpractice para dito. Nag-diet rin ako at pinagsikapang mag-exercise. Sinabi kasi sa akin ng pinsan kong si Kuya Shawn na kapag daw naging official member ako ng Luminarie, dapat daw malakas ako physically and mentally.

Naalala ko kung paano ako palakpakan nina mom at dad. Kahit magkamali pa ako sa routine, they were always there to praise and acknowledge my efforts.

There were times when I felt like giving up. Narealize ko na yung ibang members ng Luminarie, they were born with their talents. Someone like me who worked hard para marating yung level nila, I felt inferior and hopeless.

Pero pinarealize sa akin nina Scar na dapat kong pahalagahan ang mga pinagsikapan ko. Pinarealize niya sa akin na kahit ang mga Luna's, which are the members of the club, kahit sila dumaan sa training at pinaghirapan nila para makapasok sa club na iyon.

Pinaghanda pa ako nina Bri ng cake last week. Although hindi ako masyado kumain dahil nga nagda-diet ako, I was happy. Because I saw how they genuinely supported me. Their mere presence pushed me to work harder. And I did.

Pero ito nga. Something unfortunate happened.

I lost my chance to get into the club I wanted since I was a child. Luminarie only accepts 11th graders then those students will be trained until college. This year, eligible na ako maging member. I worked so hard on the routine. Sinigurado kong walang mali. Sinigurado kong pulido. Next year, they won't accept 12th graders.

So, yes. I really lost my fvcking chance.

Shet, naiiyak na naman ako. Grabe, Astrid. Ang weak, hahahaha.

Tumayo na ako para umalis sa playground. Pinagpag ko ang pants ko dahil medyo nadumihan nung umupo ako sa swing.

Aalis na dapat ako nang maupo ako ulit. Shet, ayaw talaga tumigil ng luha ko. Paano ako uuwi nito? Leche naman oh.

This is why I treasure this playground so much. Walang tao dito. No one would hear my cries, my inner thoughts. No one would see how weak I was. Sanay silang makita ang isang Astrid Demetriou na matapang, independent. Someone who's a leader figure.

But people like us tend to break sometimes.

Sigurado akong mugto na ang mga mata ko. I cupped my face and tried to stifle my sobs.

I'm sorry for being such a disappointment.

"Hala, miss okay ka lang ba?"

I looked up to see a brown-haired boy with a face mask looking at me. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala. I couldn't see his full face, though.

"Eto oh, ice cream," inabot niya sa akin ang cup, hindi ko naman tinanggap iyon.

To be honest, I am a prideful person. Kapag alam kong tama ako, iyon ang ipupush ko. Pero hindi naman ako katulad ni Scar na hindi kayang aminin ang nagawa niyang mali. I also don't like showing my weak side to people. Ayaw kong tumanggap ng tulong. Because I always believed, I can handle everything by myself.

Medyo nagbago ako dahil sa apat kong kaibigan pero hindi pa rin matatanggal yung pagka-prideful kong tao.

Tumigil na ako sa pag-iyak, naiinis ako dahil naabutan niya ako sa ganoong sitwasyon. Gosh, ang pangit ko siguro tignan.

"Okay ka na ba?" tanong niya. Umupo siya sa kabilang swing, hawak niya sa dalawang kamay ang dalawang cup ng ice cream. Bigla namang nag-ring ang phone niya.

I love to play all day
Come join me all my friends
Always happy, as can be
Little Penguin, Pororo~

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Malakas akong tumawa sa tabi niya.

"Ah shit naman, Kean!" mahina niyang sigaw. Hindi niya sinagot ang tawag at dinecline ito. Nahihiya siyang tumingin sa akin. Mas lalo akong natawa.

"Sige lang, di naman ako na-offend," hindi ko man kita dahil sa face mask, alam kong nakasimangot siya habang sinasabi niya 'yun.

"Okay lang 'yan. Cute naman," wala sa sarili kong sabi. Nanlaki naman ang mga mata niya. Luh, anong mali sa sinabi ko?

"Tangina, ang pogi ko masyado para sabihan lang na cute."

Wow, ang hangin niya.

"Hindi ikaw, si Pororo yung tinutukoy ko. Feeling mo. Bakit gusto mo rin ba masabihan ng cute?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Tss. Ano, okay ka na ba?" tanong niya. Nagkibit-balikat naman ako. Hindi ko nga siya kilala eh. I don't want to engage in a conversation with a stranger.

Nang mapagtanto niyang hindi ko siya pinapansin, bumuntong-hininga siya at tumayo na.

"Hay nako. Bahala ka na nga diyan."

Naglakad na siya palayo. Psh. Kakausapin pa ako tapos aalis rin naman pala.

Nagulat ako nang humarap siya ulit sa akin at naglakad pabalik. Hala, nabasa ba niya isip ko?

Magsasalita na sana ako nang bigla niyang kinuha ang kamay kong nakahawak sa swing at nilagay doon ang isang cup ng ice cream. Muntik na akong mawalan ng balanse. Buti na lang at nakahawak ang isa ko pang kamay sa lubid.

Kunot-noo ko siyang tinignan, naiinis sa ginawa niya.

"Muntikan na akong mahulog!" sabi ko.

"At least, hindi natuloy."

Naglakad na siya paalis. Napaawang na lang ang bibig ko sa ginawa niya.

Napapitlag ako nang tumunog ang phone ko.

Napapitlag ako nang tumunog ang phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Shet oo nga pala!

Tumayo na ako mula sa swing at mabilis na tumakbo paalis sa playground. Ni hindi pa nga ako naliligo, nagpalit lang ako ng pantulog kanina. Jusko naman.

Dala-dala ko pa rin ang ice cream cup habang tumatakbo. Sa hindi malamang dahilan, napangiti ako. Favorite ko kasi ang mint chocolate.



Hwang Hyunjin as Shawn Demetriou

eurythmic || yeonjiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon