Isang magandang araw ang sumilay sa bayan ng Demor at lahat ng pamilya ay nagsisipaghanda na para sa karwahe na kukuha sa mga anak nila na me edad na dese-sais at nakapasa sa pagsusulit. Ngayon kasi nakatakdang umalis papuntang Kesti ang mga napiling estudyante.
Habang abala ang lahat sa paghahanda at pag-abang sa mga napili ay nasa kusina lang ako at nagluluto. Hinahayan ko lang ang kaguluhan sa labas. Para sa akin kasi ayaw ko sa gulo at ayaw ko sa academy, mahalaga sa kin ang pamilya kaya ayaw kong mawalay sa kapatid kot mga kamag-anak.
"Adelaide. .hindi mo ba ihahatid man lang ng tingin ang iyong pinsan? Aalis na ang kanilang sundo." tanong sakin ni tiya, bata palang kasi kami ni Anna ng maulila at sila tiya na ang kumupkop sa amin. Patay na ang aming ama ng ako'y lima palang at sumunod si Ina matapos ang tatlong taon kaya naiwan kami sa pangangalaga ng aking tiya at ng kanyang asawa. Me tatlong anak sila, si Venus na mas matanda sakin ng ilang taon, si Ezequil na kasing edad ko lang at si Amaya na labing tatlong taong gulang na.
"hindi na po Tita. .masaya nako sa pagkakapasa ni Insan ngunit nalulungkot ako sa aming paghihiwalay. Maliban sa talino ni Ezequil ay mahina ang pangangatawan nito. Pano nya kakayanin ang mga gawain sa Kesti? Hindi po ba kayo nag-aalala sa kanya?"
Napangiti naman si tiya saka hinawakan ako sa balikat. "kagustuhan ni Ez ang makapunta dun kaya gusto ko syang suportahan isa pa malay natin mas maging malakas si Ez dun."
Mataman kong tinitigan ang aking tiyahin at kahit labag sa kalooban ay di na ako kumontra at nagsalita pa at sinundan nalang ito palabas ng bahay para magpaalam sa malapit na pinsan.
"sumulat ka lagi at wag mong pababayaan ang iyong sarili Eze." naiiyak kong sabi saking pinsan.
"maasahan mo ang mga liham at telegrama ko insan. Susulat ako lagi. Mag-ingat rin kayo dito."nakangiting tugon naman nya sakin. Napatitig ako sa kabuuan nya. Ang simple lang nya, may sout itong salamin at pangkaraniwang suot na panlalaki. Maliit din ang katawan nito dahil hindi naman ito babad sa trabaho.
"Unbo. .mamimiss kita." (Unbo- katumbas ng Kuya o nakakatandang lalaki) umiiyak na sabi ni Anna kay Insan.
Hinawakan naman ni Ezequil sa ulo si Anna at ginulo ang buhok nito saka tinitigan ito ng mataman at ngumiti. "mamimiss din kita Anna. Hanggang sa muli nating pagkikita."
"mag-iingat po kayo dun Unbo."
"lagi." at nginitian ulit nito ang bata saka binalik ang tingin sa kanyang mga magulang. "Ina. .Ama. .paalam po."
"Paalam anak. .mag-iingat ka." matatag na sabi ng ni Tiyo habang si Tiya naman ay nakayakap na sa kanyang asawa at humihingi ng lakas sa pag-alis ng kanilang pangalawa at nag-iisang lalaking anak.
Sa loob naman ng karwahe nasilip ko na may tatlo pang pahenante, isang babae na me piklat sa kanang pisngi at napakatahimik, ang isa namay isang lalaki na napakatangkad sa normal naedad na katorse, at ang isa pay halos kasing katawan lang ni Ezequiel.
Napansin ko rin ang mga taong nagkukumpulan at nakikiusyoso sa mga batang paalis at maaring taon-taon lang makauwi. Napasimangot ako, bakit napakarami ang nagnanais makapasok sa Academia? Napakarahas nito sa pagkakaalam ko.
Nabalik ulit ang pansin ko kay Insan at nakitang nagbigay sya ng isang huling sulyap bilang pamamaalam sa lugar. Para kasi ke Insan ito na ang hinihintay nyang pagbabago at katuparan ng kanyang pangarap. Dalangin ko na nga lang na magibg maganda ang bunga nito.
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Pinuno (Genesus)
ActionSa isang bansa kung saan ang pangunahing trabaho at produktong eni-export ay talino sa pakikipaglaban, tauhan, tagapagtanggol at ibat ibang mercenaryo, paano pa kaya magkakaroon ng pagpipilian ang mga tao na piliin ang tahimik na buhay? Pero paano m...