Chapter 3

27 5 0
                                    

Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kay lola baka mamaya maging multo na pala siya, pano kung alien pala siya?

Padala ko na kaya ‘tong si lola sa Area 51?

Seryoso ba siya?

“U-uh lola, pano naman nangyari yon?”, tanong ko kay lola.

“Edi nag-apply para maging katulong”

Shuta.

Anggaleng ni lola.

Apakagandang sagot.

Wala na.

May nanalo na.

“Char lang hijo, namasukan kasi ako doon pero ang naabutan ko nalang ay si Nefertari kaso nga lang hindi na siya masyado makagalaw sa sobrang katandaan, kaya pagkatapos niyang mamatay, minabuti na lang daw na lumayas na kami’t ipagiba na ang mansion sabi ng pinakalider ng katulong namin kaya nung pagkabalik ko dito pagkatapos ng ilang taon, naging ganto na yung dating mansion kaya ako na ang nangangalaga dito”

So ibig sabihin,

“Dati rin pong mga mansion yung mga bahay diyan lola?”

“Hindi apo, pagmamay-ari ng pamilyang Buenifeliz ang buong village, pero dati siyang naging minahan nila dahil napakaraming ginto’t pilak ang mayroon sa ilalim ng lupain ng Buenifeliz ngunit nalaman ko na lamang na may bumili na pala ng lupa at ginawa nalang itong village”, tugon ni lola.

Kahit anong tanong ko sakanya parang may side pa rin sa isip ko na ayaw maniwala.

Kasi maraming tanong agad sa isip ko like how? Paano niya nakuha 'yan? Totoo ba talaga 'yan?

“Nasaan na po yung kahon lola na pinagbasehan niyo diyan sa mga kwento niyo sa akin?”, tanong ko kay lola.

Matagal muna siyang nakatingin sa akin, mukhang nag-aalanganin pa siya kung sasabihin niya iyon sa akin.

Ayaw pa yata sabihin yung totoo.

“Naitapon ko na apo, hindi na kailangan pang basahin iyon dahil sobrang luma na ng papel at isa pa, puro masasakit lang na mga pangyayari ang mayroon ang nandoon sa sulat”

Gotcha! Sabi na eh.

At dahil doon sa sinabi ni lola, biglang hindi na ako naniwala.

Kailangan ko ng ebidensiya, ang gusto ko ako mismo ang makabasa non para alam ko na totoo iyon.

I need evidences!

Hindi ako maniniwala kapag walang sources promise.

“Lola, seryoso ba kayo sa kwento niyo? Bakit ayaw niyo ipakita sa akin yung kahon na iyon? Tinatakot mo lang ba ako? O ayaw mo lang kaming mag-weekend vacation dito? Lola kung ayaw niyo ng may binabantayan ayos lang naman sa akin iyon kasi kayak o nama-“

“Lucas, ano nanaman ba ang nasa isip mo?! Totoo ito atsaka sinasabi ko ito para maging safe kayo, para hindi kayo dito matuloy sa weekend vacation na ito!”

“Pero lola kailangan ko ho ng ebidensiya! Kung ayaw niyo ipakita sa akin yung kahon na iyon, then fine! Pero hindi ako maniniwala sa sinasabi mo, sorry po lola pero kaya na namin ang sarili namin, kaya naming alagaan yung sarili naming at alam na namin kung ano ang gagawin naming kung sakaling dumating man ang killer”

Napabuntong hininga sila lola't hinilot ang sintido niya. Eh sa ayaw kong maniwala ehh bakit ba?

Kung ikaw kaya bigla-biglang may magkukwento sayo ng ganyan? Maniniwala ka ba kaagad?

Baka nga isipin mo pa scam lang 'yan tapos modus modus keme keme pa maiisip mo.

“Apo, making ka naman sa akin para rin ito sa kapakanan ninyo, para hindi kayo mapahamak”, pagmamakaawa ni lola.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon