Chapter 6

15 5 0
                                    

Nagising ako sa ingay nina Kemi at Maximus dahil nag-uunahan yata sila na gisingin ako.

“Ako na kasi Mus nangunguna ka nanaman eh”

“Ako na sabi ihh, ang kulit mo kamo”

Sige mag-unahan sila dyan.

“Gising na ako ‘wag na kayo mag-unahan ”, sabi ko sakanila habang bumabangon sa kama.

“Ito kasing si Kemi ihh sabing ako na”, turo ni Mus kay Kemi.

“Anong ikaw? Ako nga ehh”

At dahil naiirita ako sakanila, naligo nalang ako ulit dahil gusto ko lang, bat ba?

Kairita sila tsk!

Nagising ako ng wala sa oras potek!

---

“May mamamatay ba sa conflict part?”, tanong ni Elly sa amin.

Ngayon ay pinag-uusapan na namin yung tungkol sa upcoming movie kung saan medyo naghahagol na kami dahil late kami nag-umpisa.

“Hmm, meron”, maikling sagot ni Cayden.

“So paano yung way para mamatay yung taong ‘yon?”, tanong naman ni Mus.

“That’s what I’m thinking, I want that person to be killed in a unique way”, sabi ni Cayden.

“Kuha lang ako ng maiinom natin guys, may nakita kasi akong juice doon sa lagayan nila Lucas, kuha lang ako don Lucas ahh”, sabi ni Eiritheia.

“Uh, yes yes, tapos kunin mo nalang yung pitsel na nasa freezer”, sabi ko nalang.

Tumango nalang si Eiritheia saka pumunta sa kusina.

“Bago ‘yang patay patay, let’s talk about the income of our movie if it became a hit”, sabi ni Mus.

“Hmm, oke”, sabi ni Cayden at ipinukaw ang pansin sa papel kung saan cinacalculate yung kita  ng movie.

“So ano yung magiging resulta sa income?”, tanong ko naman.

“Ok so ganto, since lima yung kalaban natin sa pagpapalabas ng kani-kanilang movie at tayo ang popular sa paningin ng tao, I estimated the number of people that will watch our movie. Since our last record is 403 students, therefore I claim it will reach into 600 students because it’s our first time to produce a horror movie and it’s a new trend”, sabi ni Cayden.

“So magkano yung per ticket and the total income?”, tanong ko.

“50 pesos yung per ticket natin and kung 600 nga ang students na manonood, meron tayong 30, 000 pesos income. Ang 15, 000 ay ibibigay natin sa school then yung natirang 15, 000 ay hati-hatiin natin magtotropa”, sabi ni Cayden.

Lahat naman kami ay tumango dahil lahat naman kami ay may ambag sa project na ito.

At habang pinag-uusapan namin yung iba naming gagawin sa movie ay may narinig kaming something na nabasag sa kusina.

Tumakbo kami doon at nakita namin si Kemi na nakatutok ang bow kay Eiretheia habang si Eiritheia nama’y nagulat na nakatingin kay Kemi at nasa baba niya ang nabasag na baso at ang arrow na galing sa bow ni Kemi ay nakatusok sa exit door at sobrang lapit ng arrow sa mukha ni Eiritheia.

Dahil sa taranta’y lumapit kami sa kanila para malaman kung bakit ganon ang nangyari.

“Ano bang ginagawa mo Kemi ha?! Bigla ka nalang tumayo kanina akala ko ccr ka pero nilalaro mo pala bow and arrow ko! Makakasakit ka pa ng tao, Kemi!”, sigaw ko sakanya habang inaagaw ang bow and arrow ko.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon