Chapter 22

11 4 0
                                    

Tsk! Anong oras na ba?

Anong oras naaaaaa?!

Kinuha ko yung cellphone ko atsaka idinilat lang ang isang mata upang matignan ang oras sa lock screen.

5:37 AM???

Tsk! Ang aga paaaa!!!

Bumangon ako sa kama ng nakapikit at dumeretso sa banyo.

Nag-toothbrush pa rin ako ng nakapikit.

Ewan ko ba parang tinatamad ako ngayong araw.

Tapos samahan mo pa ‘tong utak mong hindi umaandar.

Hindi ko namalayang limang minuto ko na palang tinu-toothbrush yung ibabang part ng ngipin ko kaya minadali ko nalang lahat tapos naggargle na rin ako.

Hindi ko alam kung anong klaseng gargle itong ginawa ko pero ok na ‘yan, ang mahalaga mabango pa rin hininga mo.

Nag-half shower muna ako para alam mo ‘yon, fresh tsaka para magising ka sa lamig ng tubig.

Ngayong nandito na ako sa salas, napansin ko sa bintana na madilim pa sa labas kaya napagpasyahan kong lutuan sila ng almusal.

Kinuha ko yung mga pagkaing iluluto ko atsaka inihanda na yung gasul at kawali.

Habang nagluluto, hindi ko maiwasang tumingin sa puntod nina Elly at Cayden.

I’m sure matutuwa sila dito sa mga pagkaing niluluto ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng sobrang tamis. Ano kaya magiging reaksiyon nila kapag nakita nila ito?

Talon nang talon sa tuwa?

Sobrang lawak ng ngiti?

Kumikinang ang mga mata?

Natatakam na kahit naaamoy palang?

Kung lutuan ko rin kaya sila tapos ilagay ko sa tupperware at ilagay ko sa puntod nila?
Para naman kahit papaano matuwa silang dalawa.

Sa kalagitnaan ng matamis kong ngiti habang nagluluto, napaluha nalang ako ng kusa.

Nakakamiss talaga sila, sh*t!

Hirap magpanggap na maging masaya noh?

Kahit dinadaan mo sa saya yung ginagawa mo para hindi ka na pasukan ng lungkot, kaso gagawa pa rin yung lungkot ng paraan para yung puso mo malukot.

Hanggang kailan pa kaya ito mangyayari sa amin?

Hindi pa ba sila napapagod?

O mapapagod sila kapag naubos na kami?

Kasi ako pagod na pagod na ehh.

Pagod ng lumaban, mabuhay, tumawa, makipag-usap at huminga.

Pero kailangan lumaban ehh para sa kanila.

Para wala ng madamay pa.

Haha, ang gulo noh.

Magulo talaga kapag nagtatalo yung suko at laban. Para silang dalawang estudyanteng nag-uunahan sa itaas na ranggo, naglalamangan.

Pero karamihan sa persepsyon ng mga tao, mas pipiliin nalang nilang sumuko, para sa sarili rin, para magpahinga na.

Wala na kasing kwenta pang lumaban kung ang nasa paligid mo mga masasama na.

Sabi nila kung masama silang lahat sayo, edi baliktarin mo sarili mo, maging mabait ka.

Pero anong silbi pa ng bait mo kung hindi naman ‘yon ginagamit ng mga masasama.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon