Chapter 17

9 2 0
                                    

(This is a prequel chapter)

Elly’s POV

“Eiri, mauna na ako matulog sa’yo ahh”, paalam ko kay Eiri kasi inaantok na talaga ako ehh.

“Sige gurl, dito muna ako, sure kang kaya mo ahh?”, alalang tanong niya sa akin.

“Oo naman, sige na goodnight na Eiri”

“Ok, goodnight Elly”

Tumayo na ako atsaka nagpaalam na sa kanila para matulog.

“Mauna na akong matulog sa inyo ahh, goodnight guys”, sabi ko habang pinipigilan ang aking hikab.

“Sigurado ka Elly?”, tanong ni Mus.

“Oo naman, wag kayong mag-alala”, sabi ko sa kanila atsaka pumunta na sa itaas, ramdam ko na talaga yung antok ko dahil kaya pala tinatawag kami ni Luca ay para lang mangharot.

Pumasok na ako sa kwarto at binuksan muna yung ilaw. Nang binuksan ko na rin yung lamp shade sa tabi ng kama ko pinatay ko ulit yung ilaw, hindi kasi ako makakatulog kapag walang ilaw o ni kahit kaunting liwanag.

Nag-browse muna ako saglit sa socmed atsaka nagbasa ng paborito kong librong “Annie Allen” ni Gwendolyn Brooks, ilang beses ko na ‘tong nabasa pero gustong-gusto ko pa ring ulit-ulitin.

Sa gitna ng aking pagbabasa, narinig ko ang mahinahong mga katok dito sa pinto.

Inilapag ko muna saglit yung binabasa kong libro atsaka tumayo para tignan kung sino ang nasa pintuan.

Binuksan ko ang pinto pero walang tao ang bumungad sa akin, nagtaka ako kaya tinignan ko yung pasilyo nitong 2nd floor pero wala talagang tao.

Isinara ko ulit yung pinto atsaka bumalik sa aking pagbabasa ngunit kakalapag ko palang ng libro sa aking kandungan ay narinig ko ulit yung mahinahong mga katok na ‘yon.

Hindi ko muna pinansin yung nasa labas kasi baka nagpprank lang sila pero narinig ko ulit yung mga katok kaya mabilis akong pumunta sa pinto para hulihin kung sino yung katok nang katok sa pinto.

Pangalawang bukas ko na ng pinto ngunit wala nanamang taong humarap sa akin, tinignan ko ulit yung pasilyo sa ikalawang pagkakataon pero wala akong nakitang tao ni kahit anino.

Napailing nalang ako atsaka bumalik sa kama, kung sino mang nanttrip ngayong gabing-gabi na, bahala siya diyan.

Dalawang salita pa lamang ang nababasa ko sa libro pero may kumatok nanaman sa pinto pero yung katok na iyon ay medyo lumakas na siya.

Tinitigan ko muna yung pinto at narinig ko nanaman yung mga katok na medyo malakas.

Nainis na ako kaya pumunta ulit ako sa pinto para tignan kung sino yung nasa labas pero wala pa rin talaga, sa oras na ito’y nakakaramdam na ako ng takot pero pilit ko itong nilalabanan at hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para tignan yung pasilyo baka wala nanaman akong makitang tao doon kaya isinira ko nalang ulit yung pinto atsaka bumalik sa aking pagbabasa.

Ilang minuto akong nagbasa’t napansin kong wala na akong naririnig na mga katok. Nakaramdam na ako ng antok kaya nilapag ko na yung libro sa lamp table atsaka pinagpag ang aking unan, kakahiga ko pa lamang ay narinig ko nanaman yung mga katok na ‘yon pero ang mga katok na iyon ay may pagka-madiin at medyo malakas ulit.

“Piste naman”, bulong ko kaya huminga muna akong nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili.

Mabilis ulit akong pumunta sa pinto at binuksan iyon, “Pwede ba magpakita ka na?! Pinapagod mo lang ako kakalakad ehh!”, ilang minuto akong nakatayo dito pero wala talagang tao kaya medyo ibinagsak ko yung pinto ngunit kumatok nanaman, dito na ako nakaramdam ng takot dahil hindi pala sa pinto nanggagaling ang mga katok.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon