Chapter 27

13 3 0
                                    

“Alam mo Lucas, gulat na gulat pa rin ako”

“Ako rin”

“Paano naging ganon ‘yon?”

“Hindi ko rin alam ehh”

“Basta humarap ako sa kanya tapos may pinindot ako sa tainga niya at doon nalamang…”

“He’s a human robot”
“He’s a human robot”
“He’s a human robot”

Yes, Maximus is a human robot.

Ilang taon namin siyang nakasama tapos human robot lang pala siya.

“So yung totoong Maximus pala nating kaibigan ay patay pa rin, akala ko nakasurvive siya noon pero isa rin pala siya sa mga namatay”

Nakatitig lang kami sa Maximus na human robot na ngayo’y deretsong nakahiga sa sofa.

Kahit ako ay nagulat talaga pagkapindot ko non kanina.

*flashback*

“Kahit ikaw pa mismo!”

Mabilis kong pinindot ang medyo umiilaw na pula sa bandang tainga niya at nginisian ko lang siya.

Nagulat ako dahil napansin kong ang kaninang nakangiting si Mus ay biglang nagpoker-face at umilaw ang mga mata mula sa berde papunta sa pula.

“Human robot is now offline. Battery check! 23% Charge me now, please!”

Bigla siyang napaupo sa sahig at nakatagilid ang ulo.

Niyugyog ko siya at sinampal-sampal nagbabakasakaling sabihin niyang nagpprank lang siya.

“Hey, Mus! ‘Wag ka ngang magloko diyan!”

“Lu-Lucas! Tignan mo yung liikod niya ohh”

Sinunod ko si Eiri sa sinabi niya at nakita kong may nagflash doong mga sulat.

“Made since 2014. This human robot is made from silver, copper and expensive wires. Keep this clean and fully charged. Take care this human robot. Diffusion Year: 2179”

Shocks! 2014 pa ‘to gawa?

“L-lucas i-ibig sabihin ba niyan, hindi totoo si Maximus?”

Tumango ako sa kanilang dalawa, “Oo, human robot siya noong 2014 pa”

“Anong gagawin natin diyan, dude?”

Nagkibit balikat nalang ako sa kanila, “Ewan ko. Siguro itapon na natin”

*flashback ends*

Kaya pala ganon nalang kung makipagsagutan sa akin si Mus kanina.

Nakakadismaya and at the same time nakakalungkot kasi ilang taon na namin siyang kasama tapos human robot lang pala siya?

Is he manipulated? Or he has own brain?

Hay nako po! Bagong katanungan nanaman na matagal pa bago mahanap ang kasagutan.

“Nakakadisappoint noh, marami na tayong memories and bonding moments tapos human robot lang pala kasama natin sa anim na taon. Akala ko talaga nagbalik na siya ehh. Akala ko hindi siya namatay noon. Pero kahit human robot pala siya, ok na ako doon kasi kahit papaano nakasama natin si Maximus sa anim na taon”

Tinignan ko si Eiri sa tabi ko at nakita ko siyang pinupunasan yung luha niya.

Masakit para sa  kanya o sa amin din na malamang nilikha lang pala si Maximus ng isang tao.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon