Chapter 28.1

12 4 0
                                    

“Lucas ohh kape”

“Salamat”

Humigop ako ng kaunti sa kape saka itinuon ulit ang pansin sa labas, “Malalim iniisip mo ahh. Dahil ba doon ‘yon sa nawalang human robot na Maximus kagabi?”

Tinignan ko si Eiri saka ngumiti sa kanya, “Hindi lang naman doon ehh, marami. Marami akong iniisip na nagpapalutang sa akin”

“Tulad ng”

“Tulad ng kung paano nangyari yung ang plano lang natin ay mag-weekend vacation dito sa bahay tapos dumeretso sa patayan? O kaya naman bakit tayo pa ang nakakaranas ng mga ganitong pangyayari? Basta marami akong iniisip ehh. Bulto-bulto na sila sa utak ko na talagang sobrang bigat na nila sa utak ko”

Huminga muna ng napakalalim si Eiri saka humigop na rin ng kanyang kape, “Nangyari na ang nangyari eh. Wala naman na tayong magagawa kundi harapin ito. Hindi naman pwedeng magpaalila nalang tayo sa kanila, diba?”

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya, wala na kaming choice kundi maranasan na ito. Tsaka isa pa ilang araw na pala kaming hindi pumapasok sa school, well wala rin naman kaming magagawa tungkol dito kasi hindi kami pinapalabas ng kambal na multo.

Napaluha nalang ako nang maalala ko ang school days ko kung saan mas nauuna akong pumasok sa school keysa kay Luca.

*flashback*

“Lola alis na po ako! Pakisabi nalang po kay Luca na nauna na po akong umalis! May project pa po kasi kaming gagawin nina Cayden at Elly!”

“Sige apo! Mag-ingat ka apo, ha!”

“Opo lola!”

Tumakbo na ako papunta sa kotse ni Cayden para makaalis na kami dito sa village.
“Oh tol saan ang destinasyon natin ngayon?”

“Sa coffee shop nalang tol tapos mag-videoke tayo mamaya”

“Oh sige tara na!”

Pinaharurot ni Cayden yung kanyang kotse papunta sa destinasyon naming tatlo.

Actually next month pa ipapasa yung project na yun, ginawa ko lang ‘yon na alibi kay lola para payagan ako.

Tsaka isa pa hindi rin alam ni lola na mamayang tanghali pa yung pasok ko kaya napagpasyahan naming gumala kami ngayong umaga.

“Patugtog mo na tol yung road trip song natin!”

Mabilis na in-on ni Cayden yung kanyang music player saka binuksan lahat ng bintana.

“Sh*t! Ang ganda ng araw!”

*now playing Sandro- Beach Bonfire*

“Whoooooo! Lakas ng hangin mga erp! HAHAHA”

“Hoy Lucas h’wag ka nga diyan sa labas ng bintana! Tutulak kita eh!”

Hindi ko pinakinggan si Elly at nanatili pa rin yung kalahati kong katawan dito sa bintana.
Nang narinig kong malapit ng magchorus ay pumasok na ulit ako sa labas saka nagjamming.

“Let’s make up a big bonfire”
“Let’s make up a big bonfire”
“Let’s make up a big bonfire”

“On the beach with the stars as our lighters”
“On the beach with the stars as our lighters”
“On the beach with the stars as our lighters”

“And throw our problems in the flames”
“And throw our problems in the flames”
“And throw our problems in the flames”

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon