Chapter 28.2

10 4 0
                                    

Nagising ako na masakit ang aking ulo’t nahihilo.

Argh!

Ano nanaman ba kasing nangyari kanina?

Nang iminulat ko na ang mata ko ay naguluhan ako dahil sa hindi pamilyar na lugar.

“Ashan akoh?”

Ilang beses kong kinurap ang aking mga mata para maliwanagan ang aking paningan.

Nang makontento na ako ay inilibot ko ulit yung paningin ko sa kapaligiran.

Tsk! Hindi nga familiar.

Sinubukan kong tumayo pero kusang nanlambot ang mga paa ko kaya napasalampak ulit ako sa sahig.

Bakit ba kasi hindi ako makatayo? Parang kanina lang ang lakas lakas ko pa.

Naglakad nga ako papunta sa kwarto ni lola tapos binuksan ko yung daan papunta sa secret hallway niya tapos pumunta ako sa kwartong punong-puno ng papel tapos pumunta ako sa susunod na kwarto non pero hindi ako nakapunta agad kasi ano….

Bakit nga ba ako hindi nakapunta doon?

Aish! Takte naman oh!

Sa matinding pag-iisip ko kakaalala kung anong nangyari kanina ay napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

Shocks!

Hinampas ulit ako?

Nino?

Ni Cayden?

Pucha talaga ‘yon! ‘Di talaga ako tinantanan!

“Maganda ba ang gising mo?”

Lumingon ako sa kung sino man ang nagsalita.

Isang lalaking nakatalikod at nakatingin sa bintana.

Nasa ibang lugar na ba ako?

“Nope. You’re still here in your precious mansion, I mean house haha”

Si Cayden ba ‘to?

Parang ang layo naman. Or malayo talaga at all.

Kasi mas broad ang shoulders nitong lalaki keysa kay Cayden ehh.

“You don’t remember me, huh? Adele ka gurl?”

“Eh sa hindi kita mamukhaan ehh bakit ba? Kung makatalikod ka ‘kala mo napaka-espesyal mong tao”

“Haha! Mas espesyal pa ako sa espesyal na burger!”

Inirapan ko nalang siya at hindi na nagsalita pa.

Tsk! Hindi ako nakikipag-usap sa taong walang kwenta kausap. Unless tropa kita.
“Hindi mo ba talaga ako nakikilala? Kahit sa likod lang?”

“Ano bang paki mo, ha? Eh sa hindi ko maalala kung sino ka eh!”

“Haha! Masasaktan na ba ako? Sige na nga, nasaktan ako mga 1 over 10 kasi hindi mo ako nakilala. Sakit sa heart”

Napabuntong hininga nalang ako at sinubukan ulit tumayo ngunit kahit anong alalay ko pa sa kama sa tabi ko ay natutumba pa rin ako.

Tsk! Mamaya na nga lang ako tatayo! 

Nyemas sino ba naghampas sa akin kasi?!

“Ganyan ka ba kapag napapalo sa ulo? Amnesia feels? Haha!”

Napangiwi nalang ako sa mga pinagsasasabi niya habang nakatitig sa likod niya.

Kung ano ano pa pinagsasabi amp, ‘di nalang kasi ako deretsuhin.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon