Agad akong lumabas at tumakbo papunta pababa pero bago ako pumaibaba ay natigilan ako sa kwarto ni Maximus at naalala ang sagutan namin noong unang beses kong maranasan ang challenge sa akin ng killer.
Mabilis rin akong napailing at pumunta sa ibaba para sabihin sa kanila yung naranasan ko kanina.
“Eiri! Kemi!”
Parehas silang lumingon kaya tumakbo rin sila papunta sa akin at nagyakapan kaming tatlo.
“Sinaktan ka ba niya?”
“Anong ginawa niya sayo?”
“Buti naman at buhay ka pa!”
“Paano mo siya natalo?”
“Saan ka niya dinala?”
“Akala namin wala ka na kasi ilang oras na kaming naghihintay sayo!”
“May natanggap ka ba galing sa kanya?”
“Nilaro ka ba niya?”
“Gaano siya kalupit?”
“Ano yung ginamit mong panglaban sa kanya?”
“Napatay mo na ba siya?”
“Tapos na ba ang laban?”
Ang tanging nagagawa ko lang ay panay lingon sa kanilang dalawa dahil sa sunod-sunod na pagtatanong nila sa akin.
“Huy! Sumagot ka naman!”
“Huy! Sumagot ka naman!”“Uhm ahh, ano bang uunahin kong sasagutin doon sa mga tanong niyo?”
Parehas silang napahilamos sa mukha dahil sa inis kaya pinaupo na muna nila ako sa sofa para makausap ako ng maayos.
“Ganto nalang! Baliwalain mo nalang yung mga tanong namin kanina at sabihin mo nalang sa amin yung naranasan mo kanina, ok?”
Tumango nalang ako kay Kemi dahil talaga namang babaliwalain ko yung mga tanong nilang sunod-sunod na hindi ko na matandaan kahit huling tanong nilang dalawa.
“Go!”
“Go!““Uhm ahh, oo eto na! Uhm, nagising ako kanina sa isang hindi pamilyar na kwarto tapos nakipaglaban ako sa human robot na Maximus tapos--”
“Binuhay ulit siya?”
“Binuhay ulit siya?”“Oo tapos---”
“Kaya pala nawala ‘yon sa basurahan kagabi?”
“Kaya pala nawala ‘yon sa basurahan kagabi?”“O-oo”
“Hay nako po!”
“Ay jusko po!”Napahilamos ulit silang dalawa sa mukha nila at halata sa kanila ang inis. Tumango sila bilang pagtuloy ko sa pagkkwento ko.
Dami kasing dada ehh!“Uhm ahh, ayun! Natalo ko si Maximus. Pinagtatanggal ko yung mga parte ng katawan niya para siguradong hindi na siya makakagalaw pa tapos tumakbo ako papunta dito. ‘Yun na!”
“So hindi mo pa pala naeencounter yung killer natin?”
Umiling ako kay Eiri at siya naman ay napakagat-labi dahil akala niya ay tapos na ang laban namin at multo nalang lalabanan namin.
“Uhm, itinago mo ba yung mga body parts ng human robot?”
Dahil sa ibinatong tanong sa akin ni Kemi ay natigilan ako sa kanya. Shocks!
“H-hindi”
Biglang nag-alala yung mukha niya sa akin, “Iniwan mo lang doon na kalat sa lapag?”
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
TerrorDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...