“Saan ba tayo pupunta, kuya?”, tanong sa akin ni Luca sa backseat.
Ngayon ay pupunta kami ni Luca sa police station para bisitahin si lola Halona, gusto ko kasi na si lola ang magsabi ng reason kung bakit niya iyon nagawa.
“Basta malalaman mo mamaya pagdating natin doon”, sagot ko nalang sakanya.
Alam kasi ni tita kung nasaan nakakulong si lola kaya sinabi ko sa kanya na pupunta kami ni Luca doon.
Ako ay nasa passenger seat habang si tita naman yung nagddrive, as usual. Skl.
“Ba’t ‘di mo nalang sabihin kuya?”, tanong ni Luca.
“Luca, ‘wag ng makulit malapit na tayo doon”, sagot ko sakanya.
Wala na siyang nagawa kundi sumandal sa backseat at pinukaw nalang ang tingin sa bintana.
Desidido na ako dito para wala ng atrasan.
Pagdaan ng ilang minuto, nakarating na kami dito sa police station at sinabihan ko si Luca na bumaba na kami, pero bago ko buksan yung pintuan may itinanong muna siya sa akin.“Kuya, anong ginagawa natin dito sa police station?”, tanong sa akin ni Luca.
“Bibisitahin natin si lola”, maikli kong sagot.
Base sa mukha niya nagdadalawang-isip pa siya kung papayag pa siya o hindi.
“Luca, sumama ka na para makita ka rin ng lola Halona mo”, sabi ni tita.
“A-ahh, sige po tita”, sabi ni Luca habang pilit na nakangiti.
“Oh sige na pumunta na kayo doon Lucas, hihintayin ko nalang kayo dito”, sabi ni tita.
Tumango nalang ako at lumabas na kami ni Luca sa kotse para pumunta sa police station.
Pagdating naming sa entrance ay sinabi ko ang buong pangalan ni lola at pinaalalay kami sa kasama niyang pulis na pumasok kami sa parang visit area nila.
Ilang minuto rin ang nakalipas ay nandito na si lola sa lamesa namin.
“A-apo, dumating kayo”, sabi sa amin ni lola habang naluluha’t hinahawakan ang kamay namin.
Kahit nagawa pa iyon ni lola mapapatawad ko pa rin siya, walang materyal na makakapantay sa pag-aaruga sa amin ni lola Halona.
“Uhm lola, siguro po ay kayo po ang dapat magsabi ng rason niyo kung bakit niyo po nagawa ang bagay na iyon kay Luca”, sabi k okay Luca habang nakayuko.
Pinipigilan ko kasi yung iyak ko dahil once na umiyak ako, hindi nila maiintindihan yung mga sasabihin ko dahil sa dami ng hikbi ko bawat salita.
Umiiyak na nakatingin si lola kay Luca at si Luca naman ay tulala lang kung saan habang nanunubig na yung mga mata niya.
“Luca, apo, patawad dahil nagaw-”, at tuluyan na ngang hindi napigilan ni lola yung iyak niya dahil nagsisisi talaga siya sa ginawa niya.
“Luca patawarin mo ako, nagawa ko lang naman iyon dahil ayokong mapahamak kayo, ayokong pumunta yung mga kaibigan niyo sa bahay para makapag-weekend vacation kayo”, umiiyak na sabi ni lola.
Dahil doon, biglang umiyak na rin si Luca at napatingin na siya kay lola.
“Lola, bakit parang ang babaw naman ng rason na ‘yan? Dahil lang doon lola?”, sabi ni Luca habang umiiyak.
“Apo, kung para sa inyo mababaw ‘yon, para sa akin hindi. Oo mali yung ginawa kong paraan paa matigil kayo pero gusto ko lang kayong maproteksyuna-“
“Pero hindi sa ganoong paraan, lola!”, putol ni Luca.
“Apo, nagmamakaawa ako, intindihin mo naman ako ohh. I didn’t mean to but I just want to protect the both of you”, saad ni lola.
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
HorrorDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...