“Uhm… ahh… L-lucas?”
Lumingon ako paharap kay Eiri at nakita kong nakayuko siya habang lumuluha.
“Bakit Eiri?”, tanong ko sa kanya pagkatapos bumangon.
“Uhm k-kasi uhm…”
Kumunot yung noo ko dahil puro siya uhm uhm, anong maiintidihan ko sa uhm uhm?
“Ano? Puro ka ‘uhm’ gusto mo ba ng am ang laki laki mo na”, irita kong sabi sa kanya.
“W-wala na si L-luca Lucas”, maiyak niyang sabi.
“Wala? What do you mean? Nawala siya? Lumayas? Ano?”, naguguluhan kong tanong sa kanya.
“P-patay na siya Lucas”, hagulgol niya sa akin.
Patay? Nagpprank ba sila?
“H-how?”, naguguluhang tanong ko ulit.
May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin ang kusot kusot na papel.
“The ghosts are twins--”
“Killed another victim! Condolence! 2 times 2 left! Goodluck! HAHAH”
“Y-yung na…naputol…..na…. sulat ay k-kay Luca tapos yung--”
Tumakbo agad ako pababa at hindi na pinatapos ang sinasabi ni Eiri.
Alam ko naman kasing sa killer yung isa.
Pagbaba ko ay nakita ko ang bangkay ni Luca sa kumot na nakaladlad at tuyo yung dugo sa bandang dibdib.
Kusang tumulo yung mga luha ko’t tumakbo papunta sa kanya, “Luca? Luca? Gumising ka nga diyan hindi magandang biro ‘yan”, binuhat ko yung kalahating parte ng katawan niya at niyakap siya habang humahagulgol.
“Wala na siya Lucas, ikinalulungkot rin namin”, singit ni Mus sa likod ko habang nakayuko.
“Hindi, hindi! Hindi pa siya patay! Prank niyo lang ‘to diba? Magsabi na kayo ng totoo! Luca, gumising ka na nga diyan, pwede ba?!”
“I-ilibing na n-natin siya--”
“Anong libing libing?! Hindi pa siya patay! Luca! Gumising ka na please, diba sabi mo kagabi lalaban tayo?!”
Wala akong pakialam kung malakas na yung hagulgol ko, ang gusto ko ay magising si Luca.
Prank lang nila ‘to eh! Prank lang ‘to!
“Lucas--”
“Ano ba?! ‘Wag niyo nga akong pinaglololoko!”
Luca! Gumising ka na please!
“Nagtamo siya ng mga saksak galing sa malalaking bubog sa likod, mga saksak sa dibdib gamit ang napakatalim na kutsilyo at sunog rin yung dalawang paa niya, yung mga tuyong dugo dito sa sala at sa kusina ay paniguradong sa kanya”, deretsong sabi ni Mus.
Napansin ko yung mga tuyong dugo sa sala at yung dalawang paa niyang sobrang itim na.
Sunod ko namang tinignan ay yung mukha niyang napakaputla at ang bibig niya ay napaligiran ng tuyong dugo.
“I love you kuya”
“I love you kuya”
“I love you kuya”
“I love you kuya”
“I love you kuya”Napangiti ako sa maamo niyang mukha, “I love you too, Luca. I’ll miss you, baby sis”, sa huling pagkakataon ay niyakap ko ulit siya ng sobra sobra sobrang higpit.
“P-pwede…. bang…… i-iwan niyo…. m-muna …..a-ako…. d-dito?”, pagmamakaawa ko sa kanila.
Umalis muna sila dito at iniwan akong mag-isa. Tinitigan ko si Luca sa mukha at nagsuot ng matamis na ngiti.
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
HorrorDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...