Chapter 18

9 4 0
                                    

“Dude”, tawag sa akin ni Cayden.

“Baket?”

“Annong ginagawa mo diyan?”

“Jumejebs”

“Jume- what?”

“Jumejebs!”

“Anong ibig sabihin non?”

“Tsk! Tumatae! Happy?”

“Ba’t ‘di nalang kasi sabihin ng deretsuhan amp”

“Bakit? Ano bang sadya mo? Tatae ka rin? May cr naman sa taas ahh”

“G*go! Gusto lang kitang kausapin, sumunod ka nalang sa labas”

“Ge! Ano bang pag-uusapan natin doon?”

Ilang segundo akong naghintay ng sagot niya pero hindi siya nagsalita.

“Hoy Cayden! Anong pag-uusapan natin?”

“Hoy Kuya! Pinagsisisigaw mo diyan? Tumatae ka na nga lang sisigaw sigaw ka pa! Nasa labas si Cayden!”, sabat ni Luca.

“Ge! Ge!”

Tinapos ko nalang yung aking pagjejebs saka lumabas dahil iyon ang utos ni Cayden.

Pagkalabas ko’y hinanap ko siya pero wala naman siya, pinagttripan niya ba ako?

“Cayden! Cayden!”

Hindi siya sumasagot baka mamaya nagtatago lang ‘to tapos gugulatin ako, nakuha pang magprank ang galing.

“Cayden! Yuhoo! Still there? Over the talyer? Or over the tsuper?”

Ilang beses ko na siyang tinawag pero wala talagang Cayden na nagpakita, halos malibot ko na yung harap.

Napag-desisyunan kong lumiko ako papunta sa likod nagbabaka sakali na nandoon siya nakatambay.

At nakita ko nga siya doong naka-cross leg siyang nakaupo sa damuhan kung saan nakalibing si Elly.

Bago ako tumungo roon ay namitas muna ako ng limang bulaklak dito sa aming garden area atsaka pumunta ako sakanya nang dahan dahan dahil ayoko siyang magambala baka kinakausap pa niya si Elly, namiss na niya agad siguro. Well, kahit ako rin naman or should I say, kaming lahat ay nakakamiss kay Elly.

Umupo ako sa tabi niya ng walang pagdadalawang-isip at nahuli ko siyang lumuluha ng tahimik at kinakausap si Elly ng mataimtim.

Inilapag ko sa puntod ni Elly yung mga pinitas kong mga bulaklak atsaka umupo rin ng naka-cross leg.

Hindi siya nagulat sa aking presensya dahil abala siya sa pakikipag-usap kay Elly, hinintay ko muna siyang matapos bago kami mag-usap.

“Hay, sorry ahh marami kasi akong kinwento kay Elly ehh, yung mga memories natin na kahit matatakutin siya sinubukan niya pa rin ‘yon labanan para lang sumama sa mga outing natin. ‘Di ko naman alam na ito nap ala yung huling outing na makakasama natin siya, I’m sure masaya na siya, hindi na siya magiging matatakutin doon atsaka hindi na siya kasama sa kakahanap sa mga misteryosong kalaban natin, mapayapa na siya”, dere-deretsong sabi ni Cayden habang tuloy-tuloy din ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

“I’m sure din naman susuportahan niya pa rin tayo sa paghahanap sa mga kalaban natin, tiwala lang tayo Cayden, sabi nga natin diba mananalo tayo”, pagchecheer ko sa kanya.

Ngumiti si Cayden bilang tanda na gumagaan na ang kaniyang pakiramdam.

“Oo nga pala, kaya pala kita tinawag kanina kasi diba alam mo naman na may kaunting kaalaman ako tungkol sa spritits like that?”, panimulang tanong ni Cayden sa aming pag-uusap.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon