Chapter 20

10 4 0
                                    

“10:30AM na hindi pa din gising si Cayden?”, iritableng tanong ni Eiri.

“Baka maraming ginawa kagabi gurl, diba sinabi naman nila na kung ano ano ginawa non para lang hindi mabored? Edi napagod ‘yon”, sagot ni Luca.

“Ganon ba kadami ginawa niya para magising ng sobrang late?”, tanong ulit ni Eiri.

“Ano ba kayo? Ok lang ‘yan na magising siya ng late, tignan niyo ako nagising ng late kahapon tapos pinuri ko sarili ko. Baka paggising niya purihin niya rin sarili niya”, singit ko sa kanila.

“Dude, hindi lahat ng late ang gising ay kagaya mong pinupuri ang sarili. Malay mo naman mahimbing talaga tulog, nakapaskil na nga sa pintuan niya di’ba? ‘Wag daw siyang galambain”, singit rin ni Mus.

Hindi ba pwedeng magbiro? Tsk! ‘To kamo kj pero pag siya inasar mapipikon.

“Guys, hindi pa ba kayo gutom? Kanina pa tayo nagdadamo dito”, reklamo ni Kemi.

“Boi, konting push nalang tignan mo nga ohh, napakakonti nalang ng dadamuhin mo”, sagot ni Eiri.

“Eh? Hayy bahala na tapusin ko na muna ‘to”


Pagkatapos ng ilang minuto’y natapos na rin kami sa pagdadamo. Kapagod uyy!

“Hayy buhay natapos riiiiiiin, whoo!”, sabi ni Kemi pagkapasok na pagkapasok sa kusina.

“Anong oras na?”, tanong ni Mus.

“11AM”, maikli kong sabi.

“Oke, magluluto na ako ng lunch”, sabi ni Mus.

Ang iba’y nanood na sa sala samantalang naiwan naman ako dito sa kusina kasama si Mus.

“Dude tingin mo, ito ba yung first time na kasama natin si Cayden na late magising?”

“Hmm, ngayon lang. Siguro sa bahay nila late siya nagigising minsan kaya ‘di niya maiwasan ngayon”

Napansin kong kanina pa nangangalap si Mus sa ref kaya nilapitan ko siya para tignan kung ano ang hinahanap niya.

“Anong ginagawa mo diyan, Mus? Bakit kanina pa diyan naghahanap sa ref?”

“Wala na kasi akong maisip na lulutuin eh, puro nalang prito tapos puro karne pa priniprito”

Napahawak ako sa baba ko at nag-isip kung pano ‘to magagawan ng paraan. Hindi ko naman kasi napansin na puro karne sa ref kasi minsan hindi ako nagluluto.

“Wala tayong choice, edi magsinigang ka nalang diyan ng walang gulay, may sinigang mix naman diyan ehh”

Kumunot bigla yung noo ni Mus, “Seryoso ka dude? Sinigang na walang gulay? Paano kukulay ang buhay mo niyan?”

Hayy pucha talaga! “Seryoso ka rin ba sa sinasabi mo, ha?”

“Haha sorry sorry, pa’no kasi ‘yan wala na akong maisip na recipe”

Sa pag-iisip ko ng solusyon tungkol dito’y may kumatok ng malakas sa pinto naman sa sala.

Nakita kong binuksan iyon ni Kemi pero walang tao roon bagkus ang meron lang sa labas ay box sa sahig.

“To Lucas From Unknown, hoy Lucas para sayo daw ohh”, sabi ni Kemi habang binuhat ang box papunta dito.

Pumunta na silang lahat dito sa kusina dahil gusto rin nilang makita kung ano ang nasa loob ng box.

“Para sa akin?”, maikli kong tanong sa kanya.

“Ayy hindi, baka para sa kalan niyo sunugin ko nalang doon”

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon