“LUCAAAAAAAS!!! Ayy! Pisting y*wa!”
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Eiri. Babaeng ‘to. Natutulog yung tao eh.
“Ano bang sinisigaw sigaw mo diyan, ha?! Ang aga aga nang-iistorbo ka ng tulog”, reklamo ko kay Eiri.
“Anong maaga ha? Alas diyes na! Naiintindihan mo ba?! Alas diyes na! Hoy! Alas-”
“Oo na! Oo na! Daig pa sirang plaka sa kakaulit ehh”
“Bumangon ka na diyan!”, sigaw niya saka umalis sa kwarto ko.
Nag-unat muna ako saglit atsaka bumangon at inayos ang aking higaan. Pumunta muna ako ng cr para maghilamos pero nakita ko yung sarili kong topless sa salamin kaya fineel ko yung katawan ko.
“Ang hot mo self! Proud ako sayo self! Pagpatuloy mo lang ‘yang 8-pack abs mo”
Nang matapos ko ng purihin ang aking sarili, naghilamos na ako atsaka bumaba para kumain ng almusal, or brunch, basta ‘yon.
“Good morning guys”
“Good afternoon Lucas”
“Good afternoon dude”
“Afternoon na boi tsk!”Luhh, 10 AM palang naman bakit afternoon na agad?
Natapos ko ng kainin yung almusal ko kaya napagpasyahan ko munang tumunganga dahil nakakatamad tumayo kapag busog ka.
“Bakit ang gwapo at hot mo self?”, bulong ko sa aking sarili.
“Apakabango mo pa”
“Ligawan nalang kaya kita self, tutal sabi naman nila love yourself first before you love others. Kaso baka maraming babaeng umiyak dahil sinagot ko na sarili ko. Tsk! Liligawan ko ba sarili ko o-”
“Sinong kausap mo diyan, dude?”
“Ayy ang gwapo ko!”
Bigla akong napatayo nang biglang nagsalita si Mus papunta rito.
“Uhm, ahh, sarili ko, bakit? Masama bang purihin yung sarili mo?”
“Tsk! Ganyan ba ang nagagawa ng nalate ang gising? Nagbubuhat ng sariling sofa”
“Sofa?”“Oo, ‘di bagay sayo yung bangko sa sobrang hangin mo eh, daig mo pa hangin kagabi dude”, sabi niya saka pumunta sa banyo habang umiiling.
At dahil nakatayo na ako rito, edi maghugas na ako ng pinggan.
Dinala ko na yung aking pinagkainan sa labab-
Ay, l*tsugas! Hindi man lang nila magawang maghugas kanina? Amputek naman ohh.
Pagkatapos kong purihin yung sarili ko ganto ang madadatnan ko?
Well, wala naman akong choice kundi hugasan nalang din yung mga pinagkainan nila kanina.
“Ok lang ‘yan self, kahit maghugas ka ng napakaraming pinggan napakahot at napakagwapo mo pa ren”
Nang matapos akong maghugas ay naghugas na ako ng kamay at nagpunas sa malinis na towel. Pupunta na sana ako sa labas para maghanap ng mga clues nang napansin kong may tao sa malapit sa basurahan sa labas.
Si Luca ba ‘yon?
Lumabas ako at dahan dahang naglakad upang tignan kung ano ang ginagawa ng taong ‘to malapit sa basurahan.
Nang nakontento na ako sa distansiya ng layo naming dalawa para makita siya ay tinitigan ko muna siya upang hindi ako padalos-dalos.
Nilingon ko yung buong paligid ko’t nakita rin sina Cayden at Kemi na magkasamang nagtatago upang tignan kung sino yung taong ‘yon.
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
HorreurDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...