"Oh eto bote basagin nalang kapag kailangan na, tutal naman sa susunod pa 'yan kailangan itago nalang muna", sabi samin ni Cayden.
Tatlo kami ni Luca naghahanap ng mga pinakaimportanteng props kasi kailangan pa iyon gupit-gupitin, aside from that kailangan ng matinding effort doon para mnagmukhang maganda sa camera.
Sila Kemi ay nagshoshooting na roon sa may part ng swimming pool para naman alam mo 'yon mabilis ang trabaho.
"Kuya aanga-anga ka nanaman ehh, tinatanong ko kung pwede ba 'tong lumang cardboard at lumang alambre?", tanong sa akin ni Luca na siyang nagpatigil sa aking pag-iisip.
"Hmm, yeah linisin nalang 'yang mga 'yan para hindi na gagastos", sabi ko sakanya.
"Oo nga kuya eh, kailangan mo na ring linisin 'yang tsinelas mo may tae ohh", sabi sakin ni Luca.
Tinignan ko yung ilalim ng tsinelas ko at may tae nga!
"Oh sh*t!", sigaw ko.
" 'Yan kasi napapala ng laging lutang HAHAHA hay nako balakajan", sabi ni Cayden.
Well buti nalang may damo dito kaya doon ko nalang ipinahid yung tapak kong tae. Kadiri noh.
"Oh tara na tara na malinis na 'yan, malapit na tayo magshooting ng scene natin", sabi ni Luca.
Nagmadali na kami sa aming pagkuha ng mga gagamitin naming props para malinisan na siya at madali na siyang gawin.
Umabot kami ng sampung minuto dahil alam mo 'yon para sure na magagamit yung mga pinagkukuha namin dito sa likod ng bahay namin.
"Hindi pa ba kayo pupunta doon? Malapit na matapos sina Kemi doon", sabi ni Mus samin na naglalakad papunta samin.
"Tapos na Mus papunta na kami doon", sabi ko sakanya."Ganun ba? Oh sige sabay sabay na pala tayo pumunta doon tulungan ko na kayo diyan", sabi ni Mus samin.
"Wag na Mus, wag na marumi kasi 'to eh tsaka isa pa hindi ba ikaw ang naka-assign sa mga camera? Mauna ka na doon baka kailangan ka nila doon", sabi ni Cayden kay Mus.
"Hindi 'yan, tinuruan ko naman sila kung paano nila 'yon itututok sa kanila", sabi ni Mus samin.
"Sigurado ka diyan ah? Kapag hindi 'yan maayos uulit talaga tayo", sabi ni Cayden.
"Oo siguradong sigurado ako diyan alam na nila 'yan tsk", sabi ni Mus.
"Tama na nga 'yan tara na tara na baka tayong lahat na talaga ang hinahanap nila nagtuturuan pa kayo diyan mga baklang 'to", sabi naman ni Luca.
"Onga tara na kasi 'pag hinanap tayo madali lang tayo makita", sabi ni Mus habang ngumingiti't umiiling.
"What do you mean, Mus?", kunot-noong tanong ni Cayden.
"Tignan niyo naman kasi yung daanan niyo sa kalahating part may trace", natatawang sabi ni Mus saka nginusuan yung dinaanan namin kanina.
Tinignan namin kung saan nakaturo yung nguso ni Mus pero parang ang layo ng tinuturo niya.
"Wala naman ehh", sabi ko sakanya.
"Lumapit kayo malamang ang layo layo ng tinutukoy ko eh", sabi ni Mus.
Lumapit nga kami doon sa tinutukoy ni Mus at nakita nga namin yung trace kanina.
At yun yung natapakan kong tae na naging trace sa paglakad namin.
Anggaleng.
Akala ko kakatapak ko lang non pero matagal ko na palang natapakan bago ko pa mapunasan sa damo.
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
HorrorDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...