“Kuya? Kuya? Gising na 1:30pm na”
Tuluyan na akong nagising dahil sa mahinhin na paggising sakin ni Luca.
Sana ganyan nalang sya palagi kasi pag late akong nagigising sigaw abot baba.
“1:30 na kuya nasa lamesa na yung almusal at tanghalian mo kainin mo lahat ‘yun ahh”, sabi sakin ni Luca nang bahagyang nakangiti.“Sige sige Luca”, sagot ko nang nakangiti rin.
“Ipagpahinga mo muna ‘yang sarili mo kuya kasi gagawa pa kami ng props sa labas”, sabi ni Luca saka umalis sa kwarto ko.
Pagbangon ko mula sa pagkakahiga’y biglang sumakit yung ulo ko, pinilit kong iniabot yung mga gamot sa lamp table ko atsaka ininom ‘yon.
Naalala ko nanaman yung nangyari sakin kagabi, bakit ba kasi nangyayari ang mga ‘yon sakin? Bakit hindi ako sinabihan ni lola tungkol dito? O baka naman kahit nandito siya eh mangyayari pa rin sakin ‘to?
Napagpasyahan ko ng maligo para naman mahimasmasan yung sarili ko sa kaka-overthink.
Tinapos ko nalang ang aking pagliligo at inubos lahat ng pagkain na nasa mesa saka pumunta na sa labas para tumulong sakanila.
“Kemi akin na kasi ‘yan! Dudugyutin mo lang yung paint ko eh!”
“Tsk! Ayaw mo bang magtiwala sakin? Kaya ko na ‘to kumuha ka nalang ng bago mong ipapaint”
“Ano ka? Hatdog? Tsaka anong tiwala? Hindi nga sa iisang side lang yung paint mo eh! Akin na kasi ‘yan sabi! Isa!”
“Ayoko AHAHAHA”
“Hoy Hoy Hoy! Kayo ang walang naitutulong eh mamaya na nga ‘yan”
Buti naman at pinatigil na sila ni Cayden kasi ayan nanaman sina Eiri at Kemi nag-aaway nanaman, mga baklang toh!
“Tulong na ako diyan, guys!”, sigaw ko sakanila.
“Hindi ba ang sabi ko ipagpahinga mo na sarili mo ‘don sa loob? Tigas ulo ka din ih”, sabi sakin ni Luca habang nakapamaywang.
“Pake mo ba? Masama bang tumulong?”, tanong ko pabalik sakanya.
Umupo nalang si Luca dahil alam niyang hindi niya ako mapapayag. Ehh sa gusto tumulong eh bakit ba?
“Buti naman at ayos ka na Lucas, ayaw mo talaga magpahinga eh noh”, sabi ni Cayden.
“Hmm, gusto kong tumulong eh kasi ayoko maging pabigat sa inyo tsaka isa pa mas pipiliin ko nalang muna magpanggap na ayos ako para wala ng mag-alala sakin, para hindi ako maistorbo sa inyo”, sabi ko sakanila.
“Tsk! Ang pag-aalala kahit kalian hindi nakakaistorbo Lucas, plastik nalang makakapagsabi na waste of time ang pag-aalala. Ang pag-aalala ipaparamdam nila ‘yan kahit anong oras at kahit wala kang ambag sa iba kasi ‘pag minahal ka nila kahit wala silang kailangan sa iyo, ‘di nila maiisip na waste of time lang ang pag-aalala, tandaan mo ‘yan, bungol”
“Oo nalang dude”
---
Nagdaan ang araw namin sa paggawa lamang ng mga props kaya ngayon ay nakasalampak ang aming sarili dito sa sala. Ang iba’y nasa sahig, yung iba nasa sofa at isa na’ko dun kasi may pag-uusapan daw dito sabi ni Cayden. Hindi ko alam yung pag-uusapan namin kaya inaabangan ko nalang siya, naghuhugas pa kasi ng pinggan sa kusina.
“Lulutang lutang ka nanaman kuya, hay nako po kahit kalian nalang”
Natauhan ako dahil sa sinabi ni Luca sa akin.
“Tsk! Ano nanaman ba kailangan mo?”, irita kong tanong sakanya.
“Tabi ka diyan, makahiga ka sa sofa kala mo ikaw bumili”, sabi niya akin nang nakanguso.
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
HorrorDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...