1900
"Pulita", sabi ko sa guardia-civil.
"Nasa pinakadulong bahagi po Ginang Buenifeliz sa kanan"
Tumango na lamang ako sa kanya saka tumuloy na sa loob.
"Mag-iingat ho kayo ginang, maraming daga at ipis diyan sa loob ng selda"Hindi ko na siya pinansin pa baka mas lalo pa siyang mahulog sa akin, alam ko namang nahuhumaling siya sa akin matagal na at ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para magpakita ng pag-ibig sa akin pagkatapos mamatay ng aking pinakamamahal na asawa, hhmp sa ganda ko ba naman na ito.
Nasa unang selda pa lamang ako'y amoy na amoy ko na ang nakakasulasok at nakakadiring amoy na talagang mapapatakip ka na lamang sa ilong mong matangos, at habang ako'y naglalakad kitang-kita nga sa daanan na maraming pagala-gala na mga buhay at patay na mga ipis, daga, butiki, at tirang hilaw na ulo ng baboy, baka at manok.
Kitang-kita rin sa bawat selda na ang mga nakakulong ay nakahiga sa mabaho, mayumi at malamig na sahig, ang iba'y wala namang saplot at pinipilit ang sarili sa sulok at ang iba nama'y kinakain ang tirang ulo ng mga hayop o ang mga tira-tirang pagkaing bigay sa kanila na hindi nila nakain kagabi.
Saktong liko kong pakanan dito sa pinakalikod ng selda, kitang-kita na kumakain ang isang mamamatay tao ng tira-tirang pagkain, may tubig galing sa kinakalawang na poso at nakalahati na ang tirang ulo ng baboy na kagagaling lamang sa pagkakatay dito mismo sa selda.
"Pinakamamahal kong Pulita, hindi ko alam na natuto ka na palang kumain ng ganyang pagkain, sabagay nababagay ka naman sa ganyang kalagayan. Bueno, eto nga pala ang iyong mga damit, pinaggugupit ko na iyan at pinagpupunit dahil ginawa ko iyang basahan sa kulungan ng aking aso", saad ko saka nilabas ang mga damit niya't pinahid muna sa maruming sahig saka itinapon sa kanyang selda isa-isa.
"Nilabhan pa kasi iyan ng kapwa mo katulong kaya nararapat ko lamang iyan sirain at dumihan dahil hindi nababagay sa iyo ang magsuot ng mabango at disenteng damit", habol ko.
"Malalaman pa rin ang katotohanan Nefertari! Makakamit ko rin ang katarungan! Lulugmok ka't bababa sa iyong posisyon! Walang sinumang makakapanliit sa aming mga mahihirap kaya sisiguraduhin kong ikaw rin ay maghihirap! Tandaan mo iyan Nefertari!", sagot nitong katulong na mangmang.
"Isa ka ng baliw Pulita! Tumigil ka na sa kaka-satsat mo riyan! Mabaho na nga ang iyong paligid dadagdag pa iyang hininga mo!", ani ko saka naglakad paalis dahil hindi ko na kinakaya ang nakakasulasok na amoy dito sa kulungang ito.
"HAHAHA! Tignan lang natin kung sino ang totoong baliw, Nefertari! Tandaan mo, isa kang hangal! HAHAHA", saad ng mabahong katulong. Hindi ko na siya pinansin pa't nagmadaling umalis dito.
Pagkalabas na pagkalabas ko 'y sinabi ko sa guardia-civil na "Salamat dahil palihim mo akong pinapasok dito ah, pangako babayaran kita" *flying kiss*
"Naku ginang, huwag ka namang ganyan, baka mahulog talaga ako sa iyo", sabi nitong malanding guardia-civil.
'Di ko na siya nilingon pa't nagmadali nang umalis dahil ayaw ko ng pumatol pa sa kanya't hindi niya naman na iaangat pa ang aking marangyang buhay. Ngayong pinabayaan ko na sa selda habambuhay ang dati kong katulong, ang gagawin ko na lamang ay magluksa para sa pagkamatay ng aking asawa't mga anak.
--------------------
"Napatay natin si nanay sa bahay
Napatay natin si tatay sa bahay
Napatay natin si nanay sa bahay
Napatay natin si tatay sa bahay"
--------------------
BINABASA MO ANG
The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑
TerrorDifferent eyes in one body. Same thought. Same blood. Same cause of death. Will the curse break off? Or will the people break off into pieces? Will they survive to halt the curse? Or the curse will survive to halt the life of people? 7 out of 7 are...