Chapter 9

14 5 0
                                    

Luca's POV

Sa wakas, natapos ko na rin yung script, ipapakita ko nalang ito kay Cayden para kapag approved na ipiprint ko nalang.

Pero dahil tamad pa akong bumaba, humiga nalang ulit ako at niyakap ang aking teddy bear. Sa puntong ito ay naisip ko nanaman kung sino yung sumilip kanina, imposible naman kasing hindi 'yon tao dahil kitang-kita ko yung mata niyo at yung kalahating part ng ilong niya.

I'm sure na tao talaga 'yon, unang-una hindi si Maximus 'yon kasi nung nakita ko yung sumilip nasa baba siya. Si Kuya naman kasama si Eiritheia doon sa kusina kasi may inaayos siya doon samantalang si Eiri naman nagluluto. Si Elly tulog. Si Kemi at Cayden naman alam ko may scene pa silang ishoshoot non pero si Kemi nalang yung nasa camera.

So sino pala 'yon?

Alanganaman si tita ehh wala siya dito, ni kahit kotse niya wala dito.

Inangat ko yung teddy bear ko at kinausap ulit siya.

"Bearry, tingin mo sino kaya sumilip doon kanina? Eh kami kami lang naman yung nandito", sabi ko sakanya.

Nakakangawit yung pag-angat ko sakanya kaya niyakap ko nalang ulit siya.

Lumingon ako sa teddy bear ko at inisip na kung magiging tao kaya siya, I'm sure lagi siyang palangiti, tumatawa ganyan.

Sa pagmumuni-muni ko, masyado na pala akong nakatitig sa teddy bear ko. May sumagi sa isip ko na gusto kong maging tao siya, yung kumbaga kapag nagtatanong ako sasagot siya ganon. Yung tipong kapag nakikita ko siya nachi-cheer up agad ako ganon. Ang saya siguro 'pag naging totoo siya.

Sa sobrang pagtitig ko sakanya, may napansin na akong kakaiba sakanya.

Tinignan ko yung mata niya't nakikita ko yung sarili ko doon, kumunot yung noo ko dahil yung napansin ko kanina ay wala na ngayon.

Muli ko itong tinitigan nang mabuti, masisiguro akong makita ko ulit yung-

"AAHHHHH SH*T!"

Naibato ko yung teddy bear dahil nakita ko nga yung napansin ko kanina!

Totoo nga! Sh*t! Bakit may ganon sa mata niya?!

Umatras na ako sa teddy bear hanggang sa naramdaman ko ng nakaalis na ako ng kama paatras ngunit sa pagkaatras ko masyado ko palang nabangga yung lamp table kayo nagulat ako ng mabasag yung mini mirror ko.

Aish! Bwisit naman kasi Luca!

Pinulot ko ang mga bubog ng mabilisan dahil sa aking pagkataranta.

At sa gitna ng aking pagkataranta't pagpupulot ng mga bubog, may nakasulat sa malaking bubog nito.

"unlucky"

Tinignan ko ulit yung teddy bear at yung salamin. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako or hindi dahil panibagong tatatak nanaman 'to sa utak ko.

Nagmadali nalang akong linisin 'to saka itinago sa cabinet yung teddy bear ko.

Triny kong umidlip pero tumatatak talaga sa utak ko yung nangyari kanina.

Bakit bigla nalang pumula yung dalawang mata ng teddy bear ko?

---

Cayden's POV

Katatapos lang namin kumain at inooperate ko na yung camera ngayon sa sala para set up nalang 'pag may biglaang shoot sa labas.

Si Elly ay natulog nalang ulit sa kwarto niya, mas mabuti na 'yon kasi hindi siya makakain nang maayos kanina at wala siya sa focus.

The Evil Eyes of Pomero Gemello || ☑Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon