CHAPTER VII

118 1 0
                                    


CHAPTER VII

Nakahiga lang siya sa kama niya at nakatingin sa kawalan. Labis siyang natutuwa dahil lahat ay nakarating at nakalahok sa inihanda niyang Independency training.

"Sino... sino... sino kaya ang uunahin ko?" sabi niya habang hawak hawak niya ang baba niya na tipong sobrang lamin ng kanyang iniisip. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip ay biglang nagring ang kanyang cellphone na kanya namang agad na sinagot.

"Yes?" sabi niya.

"How's everything?" sabi ng tao sa kabilang linya.

"Maayos naman ang lahat," sagot niya.

"Kailan mo balak magsimula?" sabi ng kausap niya.

"Wag ka ngang masyadong atat diyan. Basta malapit na... malapit na malapit na..," sagot niya saka siya tumawa ng nakakatakot.

"Update me. I can't wait. Naeexcite na ako," sabi ng kausap niya.

"I know. Sige," sabi niya saka niya pinutol ang kanilang paguusap.

Tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga at nagunat-unat. Ngumiti muna siya bago lumabas sa pinto ng kanyang kwarto.

Nagtungo siya sa kusina at nakita niya doon si Vince na may inaayos. Lumapit siya dito.

"Hi," bati niya.

"Oh hello!" masaya namang sagot ni Vince sa kanya. "Gusto mo?" aya ni Vince sa kanya habang inaabot ang cookie na ginawa niya.

"Chocolate?" tanong niya.

"Yep chocolate cookies, naisip ko lang na medyo gutom na tayo mula sa byahe so nagbake muna ako ng snacks before you know yung tunay napagkain para sa dinner natin ang ihanda," saad ni Vince.

"Ah." sabi niya sabay kuha ng offer ni Vince. Kinain niya naman ang cookies.

"Magaling ka palang magbake," puri niya sa kausap.

"Naku hindi naman masyado may alam lang ako dahil sa ate ko," sabi ni Vince.

"Ganun ba? Pero masarap 'to, actually pwede mo na nga itong gawing business ih," puri niya.

"Ah eh hehehe... salamat," sagot ni Vince. "Ay oo nga pala! ihahanda ko lang yung mga kakailanganin para sa pagluto mamaya ng dinner," biglang dagdag nito.

"Nagluluto ka rin? Galing mo naman," sabi niya.

"Well, mas magaling ako magbake kumpara magluto. Hahaha," sagot ni Vince. Tumalikod ito sa kanya para hugasan ang mga gulay na isasahog niya sa kanyang lulutuin.

May nakita siyang kutsilyo sa mesa kung saan sila naguusap. Dahan-dahan niyang inabot ang kutsilyo. Ng hawak-hawak na niya ang kutsilyo ay pinagmasdan niya ito... matulis. Tumingin siya kay Vince na nakatalikod parin sa kanya. Hinawakan niya ang talim ng kutsilyo. Akmang tatayo na sana siya ng humarap si Vince.

"Oh? Aalis ka na ba?" tanong ni Vince na nakangiti sa kanya.

"Hindi pa," sagot niya.

"Sandali, bakit may hawak kang kutsilyo?" puna ni Vince sa kanya.

"Ito ba? Hahaha. Wala lang ito. Gusto lang sana kitang tulungan," sagot niya.

"Aba sige ba!" masayang tugon ni Vince.

Lumapit na siya kay Vince at tumulong sa paghiwa ng mga gulay.

"Sayang..," sabi niya sa kanyang isip.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon