CHAPTER XXVII

55 0 0
                                    

CHAPTER XXVII

-------------------------
A/N: Magandang araw po Namiss niyo ba ako? Ayan nagiging intense na ang mga bagay-bagay. Salamat nga pala po sa mga nagtitiyaga na maghintay sa mga updates ko. Hahaha. Nabibusy lang po talaga sa studies pero ayan I'm working on it naman po para mas pasayahin pa kayong mga mahal kong readers. So ano na na ang tingin niyo sa kwento? Kinakaya niyo pa ba?

Comment. Vote. Share.
__________________

CARLO

Nasa kwarto ako ngayon ni Frances at naguusap nang mga bagay-bagay ng bigla na lamang may kumatok at pumutol sa paguusap namin. Lumapit si Frances sa pinto at pinagbuksan ito. Nagkaroon muna sila ng paguusap ng taong nasa labas bago magpaalam si Frances sa akin na lalabas daw muna siya. Nung oras na makalabas si Frances ay tumiwangwang ang pinto at mula dito ay iniluwa ang isang taong iniiwasan kong makita.

"Carlo," bungad niya.

"May kailangan ka ba?" walang emosyon kong tanong sa kanya.

"May... may... kailangan akong sabhin sayo," sabi niya. Ano naman kaya yun?

"Ano yun? Bilisan mo lang," sabi ko. Wala naman talaga akong balak makinig sa kanya.

"Mahalaga 'tong mga sasabihin ko. Nasasayo kung maniniwala ka sa akin o hindi," seryoso niyang sabi. Nakuha naman nito ang atensyon ko.

Nagkaroon kami mahabang paguusap. Sinabi niya ang dalawang bagay na labis kong ikinagulat. Wala na si Castie at kilala niya na ang salarin sa sa mga pagpatay.

"Hindi ko maintindihan,"  malungkot kong pagamin. Di ako makapaniwala sa mga narinig ko.

"Maging ako ay naguguluhan," sabi niya sa akin. "Pero, yun ang totoo.  Kailangan makagawa ng paraan para pigilan siya at kailangan ko ang tulong mo," dugtong niya.

Naihilamos ko na lamang mga palad ko sa mukha ko. Wala na akong magagawa.

"Kailangang malaman 'to ni Earl at Vince, kailangan natin ang tulong nila." dagdag niya. Lumapit na siya sa may pinto. Bago lumabas ay may sinabi siyang ngayon ko na naman lang narinig.

"Mag-iingat ka Carlo, kapatid ko." matapos ay nawala na siya sa paningin ko.

"Ikaw din DG, kuya ko." bulong ko sa hangin.

*****

Matapos lumabas ni Frances sa kanyang kwarto ay nagpunta siya sa TV lounge. Hindi niya alam kung ano ang paguusapan nina Carlo at DG pero sa palagay niya ay masyadong personal kaya nagdesisyon siyang  umalis ayon sa pakiusap sa kanya ni DG. Habang matahimik na nakapikit at nagiisip-isip ay bigla na lamang siyang nakarinig nang ingay na nagmumula sa kwarto ni CJ.

Mabilis niya itong tinungo at sa pagpihit niya ng doorknob ay nakapasok siya agad sa loob. Tumambad sa kanya ang isang napakagulong kwarto. Madaming mga damit ang nagkalat sa sahig at mga basag porselana. Maingat siyang naglakad sa kwarto at naglibot.

"Cj?" tawag niya ngunit wala siyang narinig na sagot.

Narating na niya ang dulo ng kwarto ngunit wala paring bakas ni Cj. Lalabas na sana siya ng mapansin niya ang isang paa na nakalabas mula sa ilalim ng kama ni CJ.

"Oy Cj, anong ginagawa mo diyan?" sabi nito na para bang natatawa pa sa pinaggagawa ni Cj. Lumapit ito sa may kama saka pinindot ang paa ni Cj ngunit wala man lang ni reaksyon siyang natanggap mula dito. Yinugyog na niya ito at lahat-lahat ngunit wala parin.

Nakaramdam na siya ng takot. Agad niyang sinubukang ilabas ang katawan ni Cj mula sa ilalim ng higaan. Sa kanyang paghila ay tumambad sa kanya ang duguan at wala ng buhay na katawan ng kaibigan.

"Diyos ko! Cj," sabi ni Frances sabay lapit sa katawan ni Cj. Pinagmasdan niya itong mabuti. Nakaririmarim. Puno ng saksak ang katawan niya. Dilat ang kanyang mga mata at ang pinakamatindi ay putol ang kanyang kanang braso.

Napaluha na lamang si Frances sa kanyang nasaksihan. Habang umiiyak ay nakaramdam siya na tila ba ay may nagmamasid sa kanya mula sa labas ng kwarto. Agad siyang nagpunta sa may pinto at nakita ang isang lalaki na tumatakbo. Sinubukan niya itong habulin pababa ng second floor ngunit mabilis itong nawala matapos niyang makabangga si Vince.

"Frances bakit tila may hinahabol ka?" tanong nito sa kanya.

"Yung killer... yung killer... sinubukan ko siyang habulin," humahangos na kwento nito.

"Ano!? Saan!? Paano!?" gulat na tanong ni Vince kay Frances.

"Tumakbo siya dito ngunit nawala siya," sabi niya. "Na... nakita ko siya... nakita ko siya matapos niyang patayin si Cj..," malungkot na dugtong niya.

"What!? Si Cj? Asaan siya?" tanong nito sa kanya.

"Nasa kwarto niya," malungkot na sabi nito. Tumakbo naman kaagad paakyat si Vince sa third floor na sinundan niya naman agad. Pagdating nila sa kwarto ni Cj ay bumungad sa kanila si DG na nakatingin lamang sa bangkay nito.

"Pumatay na naman siya," sabi ni DG. Nagkatingin naman silang dalawa ni Vince.

"Lalaki ang may gawa nito sa kanya. Sigurado ako dahil nakita ko," saad ni Frances.

"Si Bryan," walang kaanu-anong sabi ni DG. Nagulat silang dalawa sa mga narinig nila.

"Patay na siya diba?" saad ni Vince.

"Yun ang akala ng lahat. Yun ang gusto niyang akalain ng lahat," sagot ni DG.

Napaluhod na lamang sa sahig si Frances sa panghihina mula sa mga narinig.

"Bryan how could you..?" mahina niyang tanong sa kawalan.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon