CHAPTER XIII

57 2 0
                                    

CHAPTER XIII

BRYAN

"Guys, akyat muna ako ah? May kukunin lang." paalam ko sa mga kasama ko. Nabobore na kasi ako sa pinapanuod namin at the same time gusto kong icheck si Zoe without Y kung ayos lang ba siya. Natatawa talaga ako nababanggit ko yung 'without Y'.Tumalikod na ako sa kanila at tumungo sa may hagdan. Nang marating ko ang second floor ay dumiretso ako sa pinto ng kwarto ni Zoe. Pinihit ko ang doorknob niya and wow di siya nakalock. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa kwarto niya. Nakita ko siya nakahiga sa kama. Bakas sa kanyang mukha ang pagod at sakit ng kakaiyak. Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa may bed side niya. Hinawi ko ang buhok na humaharang sa kanyang mukha. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Maganda siya. Sobrang ganda.

"Magiging maayos din ang lahat," bulong ko. Biglang may luhang pumatak mula sa mga mata niya. "Zoe," sabi ko. Pinunasan ko ang mga luha niya.

Tumayo na ako mula sa aking pagkakaluhod at dahan-dahan kong tinungo ang pinto ng kanyang kwarto at saka lumabas. Umakyat na ako ng tuluyan sa third floor. Pag-akyat ko, dilim ang sumalubong sa akin. Oo nga pala sira ang mga switches ng mga ilaw namin. Naglalakad na ako patungo sa kwarto ko ng mapansin kong may kung ano sa sahig.

"Ano to?" tanong ko sa aking sarili matapos kong pulutin ang bagay na nasa sahig. Isang puting panyo pala. Bakit naman meron nito sa sahig?
"Baka nailaglag lang ng isa sa mga kalevel ko," sagot ko sa tanong na sumagi sa isipan ko. Inilagay ko sa bulsa ko ang napulot ko.

Nakalock ang kwarto ko kaya kinapa ko pa mula sa bulsa ko ang susi ng pinto. Sa kasamaang palad ay nalaglag sa sahig ang ang susi ng bigla ko itong hilahin sa bulsa ng pantalon ko.

"Badtrip naman oh," bulalas ko. Kumapa ako sa sahig. "Yes! Ito ka lang pala," sabi ko ng madampot ko na ang susi ko pero may napansin akong paa sa unahan ko. Tumingala ako para sana makita kung sino man ang taong nasa harap ko pero bago ko pa siya maaninag ay hinampas niya ako ng kung ano. Napakalas ng pagkatama sa akin. Tuluyan ng nanilim ang aking paligid at nawalan na ako ng malay.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon