CHAPTER XXIV

42 1 0
                                    

CHAPTER XXIV

ELVIS

Kanina pa ako naghahanap sa mga kasama ko ngunit bigo parin ako. Siguro ay nasa kani-kaniyang kwarto pa sila. Habang naglalakad ay napansin kong para bang humuhupa na ang tensyon sa mansyon. Pakiramdam ko ay ligtas na kami. Naglakad ako patungo sa may pinto at lumabas. Umaga na pero bakit makulimlim? Napatingala ako sa langit at sabay pumatak ang mga gabutil na ulan. Nagmadali akong pumasok sa mansyon dahil sa palakas na ng palakas ang ulan. Sandali nga? Di ko pa pala alam kung  nacontact ba nina Earl ang MNS.

Habang patungo ako sa kwarto ni Earl ay bigla na lamang akong nabangga ng isang lalaki. Napaupo ako sa sahig sa lakas ng pagkakabangga. Napatingin ako sa lalaki... si DG pala. Ni hindi man lang siya nagsorry sa akin. Nagdirediretso lamang siya sa paglalakad habang nakatungo. Nagimbal ako sa aking napansin nang mapadako ang aking tingin sa kanyang mga kamay. Puno ito ng mga galos at dugo.

"What the..?" naibulalas ko ng malakas. Napahinto naman si DG bigla at napatingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Bigla akong nakaramdam nang takot at kaba. Ngumiti siya sa akin. Bilang tugon ay ngumiti ako sa kanya kahit alanganin. Magsisimula na sana akong magtanong sa kanya kung ano bang nangyari sa kanya ng tumalikod na siya sa akin at muling nagmadaling naglakad. Tinahak niya ang direksyon papunta sa CR. Bakit ba siya laging nagpupunta dun?

"DG, anong meron sayo?" naibulong ko na lamang sa kawalan.

Mula sa aking pagkakasalampak ay muli akong tumayo ngunit may nakabangga na naman sa akin na dahilan para masubsob ako sa sahig.

"Aray! Ano ba naman? Di na ba kayo hihinto sa pambubunggo!?" galit kong sabi habang tumatayo. Sa pagharap ko sa taong nakabunggo sa akin ay napatahimik ako.

"Emy? Ba... bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" tanong ko kay Emy matapos kong makita ang pulang-pula niyang mga mata. Bigla na lamang akong niyakap ni Emy at humagulgol sa aking balikat.

"Emy... bakit? Sabihin mo sa akin. Ayos lang yan," sabi ko.

"Hi---hindi ayos ih. Elvis, si... si Castie... patay na siya," nauutal na sabi niya. Para akong nabuhusan nang yelo sa narinig kong balita mula sa kanya. Si Castie? Ano? Wala na. Pa... paano?

Hindi ko na hinayaan pang lumabas sa bibig ko ang mga tanong ko. Labis lamang na masasaktan si Emy kung magtatanong pa ako ng mga bagay-bagay. Yinakap ko na lamang siya ng mahigpit.

Tinanong ko si Emy kung nais niyang magpahinga. Tumango lamang ito. Inalalayan ko siya paakyat ng second floor. Sa paglalakad ay natapat kami sa pinto ni Zoe. Bigla na lamang nagsalita si Emy at nagsabing sa kwarto na lamng siya ng pinsan niya. Tumango na lamang ako bilang tugon at saka siya iniwan sa tapat ng pinto ni Zoe.

Habang pababa ng hagdan ay labis parin akong nangangamba sa mga bagay-bagay. Naguguluhan ako. Di ko na alam ang mga nangyayari. Paano namatay si Cas... bigla na lamang naputol ang mga tanong ko sa utak ng maalala ko ang duguang si DG, matapos si Emy na umiiyak na nagbalitang wala na si Castie...

"Hindi kaya...?" tanong ko sa aking sarili ng makatungtong na ako sa first floor. Bigla na lamang may matigas na bagay ang humampas sa ulo ko na dahilan upang manilim ang aking paningin.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon