CHAPTER XXI

135 2 1
                                    


CHAPTER XXI

Magisa lamang sa kanyang kwarto si Emy sa kadahilan na ang kanyang mga kasama sa pagakyat ay nagsipagtungo sa kwarto ni Clarisse. Mula sa kanyang locker ay pinagkukuha niya na ang kanyang nga damit at mga pagkaing dinala para sa training na ito. Akma niya ng bubuhatin ang bag na pinaglagayan niya ay bigla niyang naisip na mabigat ito. Kanyang sinubukan itong iangat at di nga siya nagkamali. Mabigat. Nagpasya si Emy na lumabas nang kanyang kwarto para magpunta sa kwarto ni Clarisse at hingiin ang tulong nina Carlo at Elvis para sa pagdala pababa ng kanyang mga gamit. Patungo na sana siya sa pinto ng kwarto ni Clarisse ng kanyang mapansin sina Earl, Daina, at Vince sa may lounge ng kanilang floor.

"Ano kayang ginagawa nila dito?" bulong niya sa hangin. Habang papalapit siya ay napansin niyang may kakaiba sa kanila, para bang may tinitingnan sila. Inakala ni Emy na nanunuod lamang sila ng TV ngunit bigla niyang naramdaman na para bang lumuluha ang tatlo. Napatanong tuloy siya sa kanyang utak kong anong pinapanuod nila at ganun na lamang ang kanilang emosyon. Lumapit siya sa mga ito ngunit ni isa ay walang pumansin o di kaya'y nakapansin sa kaniyang presensya. Tumingin siya sa kung saan sila nakatingin. At napanganga na lamang siya sa kanyang nasaksihan.

"O my God!" malakas nasigaw ni Emy matapos makita ang isang lalaki na nasa TV screen na unti-unting nalalapnos ang balat. Tumutulo dito ng paunti-unti ang isang likido na dahilan upang ang kanyang balat ay masunog.

"Ano ba itong pinanunuod niyo? Kadiri," komento niya. Nagdurugo na ang buong katawan ng lalaki. Napaaray naman si Emy ng may tumulo sa may mukha ng lalaki. Bagaman di nila marinig ang boses ng lalaki sa video ay ramdam nila ang sakit na dinaranas nito. Nagpabalingbaling ang ulo nito at sa isang iglap ay nakilala ni Emy kung sino siya.

"What the? Anong... anong ginagawa ni Castie diyan!?" agarang tanong ni Emy. Wala ni isa man lang sumagot sa kanya. Bakas na ang pagkagalit, takot, at pagaalala sa mukha niya.

"Ano!? Sumagot kayo! Bakit..," napahinto siya sa pagsasalita ng marinig nito ang malakas na sigaw na dumagundong sa buong mansyon. Puno ng sakit ang palahaw. Pagtingin niya sa screen... wala na... bumuhos na kay Castie ang sandamakmak na likido at tuluyan na ngang nalapnos ang kanyang mukha at katawan na para ba siyang binalatan at sinunog na buhay. Ang kanyang mga matay halos lumabas na at ang kanyang buhok ay kakaunti na lamang. Ilang sandali lang... ang nakaluhod na si Castie ay tuluyan ng bumagsak sa sahig.

"Noooooooo!!!!" malakas na sigaw ni Emy. "Guys! Anong ginagawa niyo? Do something! Help him please! Help him..," sabi ni Emy ng pahina ang boses. Ramdam ang lungkot at sakit sa kanyang pananalita. Tumingin lamang sa kanyang ang tatlo at sabay sabay na umiling ng dahandahan.

"Huli na Emy... huli na," malungkot na saad ni Vince.

Napaluhod si Emy mula sa kanyang pagkakatayo. Mistulang nawalan na ng lakas ang kaniyang tuhod. Unti-unti siyang gumapang papalapit sa screen ng TV upang abutin ang nakadapa at walang buhay na si Castie ngunit di pa man niya nahahawakan ang screen ng TV ay nagturn-off na ito. Napapikit na lamang si Emy habang patuloy na umiiyak. Tumayo naman si Daina at lumapit kay Emy. Mula sa likod niya ay niyakap siya ni Daina. Napatingin siya dito.

"This is not true, right?" sabi ni Emy kay Daina habang patuloy na umiiyak. Umiling-iling lang si Daina na luhaan din.

"Emy... wa... wala na si Castie... wala na siya," mahinang sabi nito. Matapos marinig ang mga katagang binitiwan ni Daina ay tuluyan na ngang nawala sa sarili si Emy. Tumayo siya at nagsisigaw habang patuloy na umiiyak. Nakita niya ang isang vase na nasa mesa sabay tinungo ang TV. Pinaghahampas niya ito hanggang sa magkabasagbasag. Nawasak din ang vase na hawak-hawak niya. Ang mga kamay niya ay dumudugo na din dahil sa sugat na mula sa nabasag na vase.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon