CHAPTER XXXII

5 1 0
                                    

CHAPTER XXXII

"Kailangan na nating umalis," anika ni Carlo.

"What!? No. Kailangan na muna nating malaman kung nasaan si Earl... kailangan natin siyang mailigtas," pagsalungat ni James.

"James, hindi yun ang gustong mangyari ni Earl. Madiin niyang sinabi na if our plan will not work then we need to get the hell out of here and save our lives," sabi ni Carlo.

"Let us carry out his wish," sabi ni Daina.

Nagbigay na isang mahabang buntong hininga si James. "Then... kumilos na tayo," pagod na sabi ni James.

Mabilis na nagsiayos ng kani-kanilang gamit ang mga magkakaibigan. Nang sila'y matapos ay napansin nilang may kulang sa kanilang grupo maliban kay Earl.

"Asaan si Paula?" tanong ni Clarisse.

"Naku naman, saan ba yun nagsusuot," yamot na sabi ni Daina.

Nagsalita si DG, "Sige, hahanapin lang namin siya, ako, si Carlo, at Frances..,"

"Ano? Bakit ako kasama sa hahanap sa kanya?" sabat ni Frances.

Wala ka ng magagawa. Kayo naman Vince, mauna na kayo sa may pinto at bantayan niyo ang mga babae. Agad kaming susunod kung makita na namin si Paula," sabi ni DG.

Tumango ang kanyang mga kasama saka nagsikilos. Lumabas sila mula sa kwartong kanilang panig-iipunan at humiwalay na sina DG, Carlo, maging si Frances mula sa landas na tinahak ng mga kasamahan.

Habang nasa second floor ang tatlo, naghanap sila ng mga armas na maaaring magamit kung sakaling mang lumabas si Bryan. Iisa lamang si Bryan bagaman mas lamang ito sa kanila dahil alam nito ang pasikot-sikot ng mansyon, mas may tiwala na sila ngayon na kakayanin nila ito dahil sa dami nila. Siguro isang dahilan nito ay ang pagkakaalam nila ng katauhan ng kanilang kalaban.

"Wag kang lalayo sakin," sabi ni DG kay Carlo. Gumanti lamang ito ng tango.

Nakakuha sila mga kutsilyo, itak at isang palakol. Sa kanilang paglalakad sa hallway ng 2nd floor ay bigla na lamang may narinig si Frances na isang halinghing mula sa isang kwarto.

"Paula?" tawag niya ni Frances habang paunti-unting siyang dumudungaw sa loob ng kwarto. Madilim sa loob. Bago siya tuluyang pumasok ay tumingin muna siya kina DG at Carlo na patuloy lamang sa paglalakad na para bang hindi napansin ang kanyang paglayo.

"Bahala na nga. Kailangan na naming makaalis. Paula talaga papagalitan kita," sabi niya sabay tulak ng pinto at saka siya pumasok sa loob ng kwarto.

*****

"Si Elvis kailangan nating puntahan," biglang saad ni DG habang patuloy na nagsisiyat sa kabuuan ng second floor.

"Alam mo kung nasaan si Elvis?" may kataasang sagot ni Carlo sa kapatid.

"Oo. Mahabang paliwanagan pero okay lang siya. Nasa loob siya ng kwarto," sabi ni DG.

Patuloy lamang silang naglakad at hindi nila napagtanto na humiwalay na pala sa kanila si Frances. Ilang sandali lamang ay nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto kung saan iniwan ni DG si Elvis.

"Elvis..," tawag ni DG ng pagkapasok niya sa loob. Wala siyang sagot na narinig.

"Kuya, si Frances... wala siya. Di siya nakasunod sa atin," nagaalalang sabi ni Carlo na mabilis na sumunod sa kanya sa loob ng kwarto.

"What!? Wait. Si Elvis kailangan natin siyang... bakit wala siya dito?" nagtatakang tanong ni DG.

"Kuya sa CR..," sabi ni Carlo ng maulinigan niya ang tunog ng nakabukas na gripo. Mabilis na pumasok si DG sa loob.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon