CHAPTER XXV

72 1 0
                                    

CHAPTER XXV

DG

Magiisang oras nadin akong nasa CR ng kwarto ko. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili. Puno na ng dugo ang katawan ko. May mga galos ako sa aking mga braso dulot ng mahahaba kong kuko. Nakailang beses na akong inom ng gamot ko ngunit wala paring epekto. Nakakaramdam parin ako ng mataas na aggression sa katawan. Ito ang dahilan kung bakit ako laging nasa CR. Kailangan kong uminom ng gamot, anti-depressants para sa sakit ko. Wala akong kontrol sa galit. Bigla na lamang akong nagagalit at nanakit kahit walang dahilan. Basta na lamang nagiinit ang ulo ko ngunit sa tuwing umiinom ako ng gamot ay kumakalma ako maliban ngayon na tila ba na ubusan na ng epekto sa katawan ko ang gamot ko. Hinugasan ko ang mga dugong nasa katawan ko at saka sa mga braso't kamay ko. Naghilamos din ako ng mukha saka tuluyang lumabas ng CR.

"Uhgh! Ugh!" ungol ni Elvis ng makita niya ako.

"Wag ka diyang maingay at maligalig," tipid kong sabi sa kanya. Nakatali siya sa isang upuan at may busal sa bibig. Hindi naman siya tumahimik at mas lalong nagingay.

Di ko na lamang siya pinansin. Kumuha ako ng damit sa aking drawer at saka nagbihis.

"Ano ba 'tong ginagawa mo DG?" tanong ng isang tao. Lumingon ako dito, si Elvis. Naalis na ang busal sa bibig niya. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang nagdedemand na sagutin ko ang tanong.

"Uulitin ko, ano ba 'tong ginagawa mo DG!?" sabi niya ng pasigawan. Asar! Mapapahamak ako sa ingay niya ih. Lumapit ako sa kanya para muling ilagay ang busal niya sa bibig pero bago ko pa man mailagay ang panyo sa kanyang bibig ay nakapagsalita muli siya.

"Bakit ka pumapatay!? Ipaliwanag mo!" nakaramdam ako ng galit sa mga narinig ko.

"HAHAHA," malakas kong tawa. "Ako, bakit pumapatay?" sabi ko.

"Oo, bakit mo ito ginagawa sa amin? Ano bang kasalanan namon sayo?" tanong muli ni Elvis.

"Wala," tipid kong sagot.

"Anong wala? Wala lang, ganun ba? Trip mo lang manakit at kumitil ng buhay!?" galit na tanong ni Elvis.

"Utang na loob, makinig ka! Wala. Hindi ko alam. Hindi ako ang pumapatay Elvis! Hindi ko alam kung bakit siya pumapatay! Hindi ako ang taong nakamaskara, okay!?" bulyaw ko sa kanya. Napatahimik naman siya sa mga narinig niya.

"Kung ganun, sino?" pagputol niya sa nakakaulinig na katahimikan.

"Di ko rin alam," pagsisinungaling ko.

FLASHBACK...

Habang nasa kwarto kami ni Earl ay nakaramdam ako ng pagbabago sa emosyon ko. Sinusumpong na naman ako ng sakit ko. Lately, mas nagiging malala na siya. Kailangan kong makainom nang gamot agad-agad.

"Sa tingin mo ay saan ka pupunta?" paggharang sa akin ni Carlo ng akma ko na sanang bubuksan ang pinto.

"Wala kang pakialam," sagot ko. Kailangan ko ng uminom ng gamot!

"Hindi ka maaaring lumabas dahil sa pwede kang mapahamak pag nagkataon," pakikialam naman ni James.

"Gusto niyo bang tiisin ko itong pagkaihing nararamdaman ko? Pwes kung gusto niyong malaman ay sa CR ako pupunta," inis kong sagot sabay pihit ng doorknob saka lumabas.

"Uhm... pwe... pwede ba akong lumabas muna?" narinig kong sabi ni Paula habang nasa may pinto pa ako. Napatingin ako sa kamay ko, gamot. Tumakbo ako ng mabilis patungo sa CR.

Matapos kung pakalmahin ang aking sarili at makainom ng gamot ay nanatili akong nasa CR at nakaharap sa salamin.

Uhm... ano... Ca... Castie... sa... salamat sa pagsama," sabi ng isang boses. Si paula at yung nagsalita.

"Sows para lang nito," tugon ng boses ng isang lalaki na di ko na bosesan.

Naisipan ko ng lumabas ng bigla na lamang may tunog ng barya akong narinig. Hinanap ko naman ko saan nagmumula ang tunog at sa laking gulat ko ay nakita ko siya... may hawak na tubo, at sa isang iglap ay iniwasiwas niya ito at nahampas si Castie. May ngiti sa mukha niyang tiningnan ang walang malay at duguan ang ulong si Castie na nakasalampak sa sahig. Nang walang anu-ano ay binuhat niya ito at dinala paakyat.

"Paanong naging siya?" di makapaniwalang tanong ko sa aking sarili.

Napabuntong hininga na lamang ako ng malala ko ang sandaling iyon.

"Pero... DG, kung hindi ikaw ang pumapatay bakit mo pa ako kailangang talian? Saka paano mo maipapaliwanag ang mga dugo mo sa kamay? Isa pa, ang palagian mong pagsi-CR kung saan natataon ang pagkilos nang taong nakamaskara," sunod-sunod na tanong ni Elvis.

"Elvis, ayoko naman sana talaga itong gawin sayo... itong itago ka sa kwarto ko at igapos. Ang kaso lang baka maging dahilan ka upang masira ang mga plano ko upang labanan ang taong nakamaskara. Hindi siya taong labas Elvis, isa siya sa atin. Yung... yung palagian kong pagCR ay dahilan sa sakit ko na ayaw kong malaman niyo. Wala akong kontrol sa galit ko Elvis, kailangan kong uminom ng gamot pampakalma sa tuwing magsi-CR ako para hindi niyo makita," paliwanag ko kay Elvis.

Wala akong sagot o reaksyon man lang na nakuha mula kay Elvis. Kailangan ko na palang kumilos at pigilin siya. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng bigla na lamang magsalita si Elvis.

"Hindi mo ba talaga siya kilala?" napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga mata ko ng diretso. "Wag ka ng magsinungaling, alam mong isa siya sa atin. Sino ba siya? Tinutulungan mo ba siya? Pinoprotektahan?" sunud-sunod na tanong niya.

Ngumiti lang ako sa kanya saka lumabas at iniwan siyang nakatali sa loob ng kwarto ko.

"Hindi na dapat madamay pa ang iba, kaya ko na 'to." sabi ko sa aking sarili sabay lakad patungo sa kwarto ng isang taong ngayon ko na lang kakausapin ng matino at seryoso, ang kapatid ko.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon