CHAPTER XIV

80 3 0
                                    

CHAPTER XIV

FRANCES

Heto kami ngayon, standing strong sa pagmomovie marathon. Well motto daw namin ngayong gabi ay 'Sleep is for the Weak'. Ako at si DG na lang ang nakabalik sa mga umalis kanina. Naku nakatulog na ang mga 'yun panigurado. Di ko naman kinakaya ang mga 'da moves' ng mga kasama ko. Si Vince at Daina imbis na manuod ay usap ng usap binato tuloy sila nina Earl at James ng mga chips. Ganun din sina Castie at Emy pero mahinhin lang sila magusap. Iba na talaga 'tong mga to.

"Anong sunod na movie ang papanuorin natin?" tanong ni Carlo. Patapos na kasi yung pinapanuod namin.

"Purge Anarchy naman," sabi ni Elvis.

"Ah sige maganda yun," sang-ayon ni Carlo. Natapos na ang movie so kinuha na ni Carlo ang remote ng TV. Habang nagbabrowse ng mga movie files niya sa external niya para mahanap yung 'Purge Anarchy' ay bigla na lamang lumabo ang screen ng TV.

"Oh shot! Anu ba naman yan?" sabi ni Carlo. Lumapit siya sa may TV ng bigla na lamang may nagflash sa screen nito. Agad namang nakuha nito ang atensyon naming lahat.

Isang kandila ang ipinapakita sa video. Bigla na lamang gumalaw ang camera at may nagpakitang isang taong nakamaskara. Nagulat at nagsipagtilian ang mga girls na kasama namin. Hindi parin nawala ang focus namin sa video. Nakasuot siyang itim at ang kanyang maskarang gamit ay yung kulay puti na may pulang labing nakangiti. Nakagwantes din siyang kulay puti.

"Hello trainees," sabi niya naikinagulat naman namin. Nakavoice changer siya, halata. "Kumusta kayong lahat? Nageenjoy ba kayo? Oo o Hindi man ang sagot niyo, pwes sa gagawin natin ay paniguradong mageenjoy kayo," saad niya.

"Tayo ba ang kinakausap niya?" nagtataka kong tanong. Wala namang sumagot sa akin. Lahat sila ay nakatingin lamang sa screen na para bang nagaabang ng mga susunod pang mangyayari.

"So handa na ba kayo? Tara simulan na natin ang masaya at tunay na spooky night," sabi niya sabay tawa nang malakas. Nakakarindi ang tawa niya. Bigla niyang ginalawa ang camera at may ipinakita siyang isang bagay.

"Ano naman... wait... si... si Bryan!" sigaw ni CJ. Mas inigihan namin ang pagtingin sa screen. Hindi pala isang bagay ang ipinakita niya kundi isang tao at hindi lang basta kung sino, si Bryan. Hindi masyadong maaninag ang ang mukha niya pero alam namin na siya yun dahil sa suot niya. Nakatali siya sa isang parang higaan. Nakaramdam naman ako ng sakit para sa kanya ng makita kong barbed wire ang ginamit na pangtali sa kanyang paa at kamay. Nagdurugo na ang mga ito.

"Nasaan ako!? Ano to!?" nangangambang sigaw ni Bryan. Nawalan lang pala siya ng malay kanina. Tumawa lang ang taong nakamaskara sa kanyang ginawang reaksyon.

"Sino!? Anong gagawin!? Shit! Pakawalan mo ako!" sigaw ni Bryan.

Napapikit naman kaming lahat ng hampasin siya ng taong nakamaskara ng latigong gawa sa barbed wire. Sumigaw ng napakalas si Bryan. Naaawa na ako sa kanya ng sobra. Nagdugo agad ang parte ng katawan ni Bryan na tinamaan nang latigo.

"Ano bang kailangan mo! Pakawalan mo si Bryan kung sino kamang hayop ka," galit na sigaw ni CJ sa screen. Nagulat kaming lahat ng sumagot ang taong nakamaskara.

"Madami akong kailangan mula sainyo. Ikaw, ikaw, ikaw, kayong lahat! Lahat kayo ay kailangang magbabayad sa akin ng mahal!" sigaw niya habang pinagtuturo kami.

"Anong bang?" gulong-gulong sabi ni James.

Bigla namang nahatak pataas ang hinihigaan ni Bryan. Grills lang pala iyon. Patuloy lamang si Bryan sa pagsigaw. Nakalutang siya ngayon at nagswiswingswing ang kanyang hinihigaan.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon