CHAPTER XIX

63 1 0
                                    


CHAPTER XIX

Habang abala parin sina Vince at Earl sa pagsubok na kontakin ang MNS ay matiyaga naman siyang nagmamasid sa kanila. Nagulat siya ng bigla na lamang magsambit si Vince ng 'Hello'. Nalintekan na aniya sa kanyang utak.

"Bakit may sumagot!?" galit niyang tanong sa kawalan. Mabili niyang kinuha ang kanyang telepono at mabilis na tumawag sa taong lagi niyang kausap sa telepono.

"May exciting na bang nangyari?" bungad nito sa kanya.

Binaliwala niya lamang ang tanong nito sa kanya, "Sino ang nasa hotline? Bakit may taong sumagot!?" mariin niyang sabi ngunit hindi niya nilakasan ang kanyang boses dahil sa maaari siyang marinig ng kanyang mga kasama.

"I don't know," tamad na sagot ng kanyang kausap.

"Then check it! Do something!"

sabi niya.

"Oy ayos ka lang diyan?" sabi ni Castie na dumaan. Paakyat ito sa second floor na siya namang ikinagulat niya. Napilitan naman siyang magbigay ng isang pekeng ngiti dito.

"Uhm yeah. San ka?" sabi niya.

"May kukunin lang sa kwarto," sagot ni Castie sa kanya. "Sige," paalam nito. Ngumiti muli siya bilang sagot at tuluyan naman na itong umalis. Agad niyang ibinalik ang telepono sa may tenga niya.

"Do it now," sabi niya agad.

"K fine," sagot nito.

*******

Nakabusangot siya habang naglalakad patungo sa office ng MNS hotline. Buti na lang talaga at napagdesisyunan niyang manatili lang dito sa loob ng kanilang kumpanya dahil kung hindi mas malayo pa ang tatahakin niya kung umuwi siya sa kanila bahay.

"Bwisit talaga. Naantala tuloy ang paglalaro ko ng Rotate!" inis niyang sabi. "Ambobo talaga ni Agata at sobra ding pabaya. Makakatikim talaga siya sa akin," sabi niya sabay kuyom ng kanyang kamao. Narating niya ang pinto ng MNS hotline office.

Binuksan niya ang pinto ng opisina at pumasok sa loob. Nakita niya agad ang isang babae na may hawak na telepono at nagsasalita. Malamang siya yun aniya sa kanyang utak. Habang naglalakad papalapit sa babae ay bigla nalamang siyang natumba ng mabunggo niya ang isang matigas na bagay. Pagtingin niya ay isa lalaki pala.

"Naku pasensya na. Sandali, madaling araw na ah? Bakit gising ka pa at paano ka nakapasok dito sa loob ng kumpanya?" tanong ng lalaki sa kanya habang tinutulungan siyang tumayo. Nayamot siya sa kanyang mga narinig. Totoo bang hindi talaga siya kilala ng bastos na nilalang na bumunggo sa kaniya?

"You really don't know me?" mataray niyang tanong sa lalaki habang tinuturoturo niya pa ang kanyang sarili. Umiling naman ang lalaki. Dahil sa naging sagot nito ay sumabog na siya ng tuluyan sa galit. Mabilis niyang inabot ang baril na nakasukbit sa kanyang maliliit na hita. Isang iglap lang ng makuha niya ang baril at tuluyan ng nagkalat ang utak ng lalaki sa loob ng opisina.

"O my God!" sabi ng babaeng nasa telepono ng makita ang ginawa niya. Nasayang ang paggamit niya ng silencer dahil sa nakaagaw parin siya ng atensyon but well, siya naman talaga ang sadya niya rito. Lumapit siya sa babae at walang kagatulgatol na binaril ito sa ulo. Natalsikan ang kanyang kulay rosas na damit ng dugo mula sa babae. Pinunas niya ito pero mas lalo lamang itong kumalat sa kanyang damit.

"Hello!? Hello!?" narinig niya mula sa telepono. Kinuha niya ito at ginamit ang kanyang laging dalang voice changer.

"Uhm... I'm sorry sir. Na... natakot lang ako dahil sa may ipis akong nakita," sagot niya sa kausap niya sa kabilang linya. Alam niya na ang lame ng excusr niya kaya agad niya itong dinugtungan, "Going back to what we are talking about."

"Yes. Yes. Please send something nasusundo sa amin. We badly want to go out. Our lives are at stake," sabi sa kabilang linya.

"Sir, there is one problem. May bagyo po sa ngayon and Claudio City is in Signal 2 warning. We can't help you out in there. Maybe after two days before namin kayo masundo," sabi niya. Well, totoo naman ang kanyang sinasabi dahil napanuod niya palang sa balita na may bagyo nga.

"So paano? Anong gagawin namin? Di mo ba naiintindihan someone's going to kill us all in here!!" hysterical na sabi ng kausap niya. Ibinagsak na niya ang telepono.

"As if I care," sabi niya.

"Yuck! Ano na naman to?" sabi ng babaeng dumating sa opisina na gulat sa kanyang inabutan.

"Kasalanan mo to," tipid na sabi niya. "Ligpitin mo nalang yan Agata," dagdag niya.

"Okay, ano pa nga bang magagawa ko." sagot nito sa kanya. Tuluyan na siyang lumabas mula sa opisina.

"Sa wakas... makakapaglaro na ulit ako," wika niya sabay pasok at sara ng pinto ng isang opisina.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon