CHAPTER VIII

126 2 0
                                    

CHAPTER VIII

ELVIS

Grabe naman! napagrupo pa ako sa apat na parang magkakakilala na, hayy baka tuloy ma-Out of place ako sa kanila. Sila pa naman ang kalevel ko for three weeks.

"Argh!" pagmamaktol ko. Napahiga na lang ako sa kama ko.

"Sina Daina at Clarisse kaya?" bigla kong tanong sa sarili ko.

Feeling ko tapos naman na sila mag-ayos puntahan ko na lang kaya sila sa taas at ng makita ko din kung anong meron sa second floor.

Pagtayo ko sa pagkakahiga ko ay natisof naman ako ng isang box na nasa sahig. Pagtingin ko yung box ko pala ng mga mini-flags ng iba't ibang bansa. Mabilis ko itong pinulot at itinabi sa table sa may bedside ko. Paglabas ko ng pinto naamoy ko kaagad ang masarap na amoy.

"Cookies," bigla kong bulalas.

Sinundan ko ang amoy at narating ko ang kusina. Nandun yung dalawa kong kalevel, nakaupo sila at nagkwekwentuhan. Bigla namang tumunog ang oven at tumayo yung isang matangkad na maputing lalaki at binuksan ito. Inilabas niya yung cookies na naaamoy ko. Paglingon niya ay nakita niya ako.

"Hello," bati niya. Lumingon naman yung lalaking kausap niya sa kinalalagyan ko.

"Hi," bati niya din sa akin.

"Ah he..," tinaas ko na lang kamay ko bilang pagbati.

"Snack tayo!" alok sa akin nung kumuha ng cookies. Siyempre di ko yun tatanggihan dahil sa sinundansundan ko pa ang amoy nun 'nu!.

Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi nung isang lalaki. Kumuha din ako kaagad nung cookies.

"Vince nga pala," pakilala nung matangkad na maputi.

"Ah Elvis, Elvis pangalan ko." sagot ko.

"Carlo, ako si... Carlo." pakilala nung katabi ko.

"Woah! Cookies! Penge ako," medyo nagulat ako dahil sa sigaw ng isang tao sa likod ko. Pagtingin ko yung dalawa ko pang kalevel ang dumating.

"Sarap! Sino gumawa?" sabi niya ulit.

"Si Vince," sagot ni Carlo.

"Astig! Nagbebake ka pala," sabi niya ulit. Medyo madaldal sya ah.

"Oyy James, tikman mo 'to," aya niya dun sa kasama niya.

"Nga pala Earl at James, si Elvis." sabi ni Vince bilang pakilala sa akin dun sa dalawa. Napadako naman ang tingin nila sa akin.

"Hello. Earl pre," sabi nung madaldal.

"James," tipid na sagot nung kasama niyang may color ang buhok.

Naupo din sila kasama namin sa table. Napansin kong may mga nakahandang gulay sa mesa.

"Para saan 'to?" tanong ko habang itinuturo ang mga gulay.

"Ah kasi magluluto kasi ako mamaya ng dinner natin. Wala lang naisipan ko lang," sagot ni Vince.

"Oyy maganda yan! Tutulong ako," biglang sabi ni Earl.

"Marunong ka ba?" sabat naman ni Carlo.

"Oyy Small Boy! Wag mo nga akong mamaliitin," sabi niya.

"Carlo, magaling yan magluto mukha lang hindi," sabi naman ni James.

"James Ang!!!" reklamo niya.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon