CHAPTER XXXIV

9 0 0
                                    

CHAPTER XXXIV

CLARISSE

Hindi ko inaasahan ang mga narinig ko mula sa mga pagamin ni Paula. Para akong nawala sa aking sarili. Paano niya nagawa ang mga ganung bagay? Bakit niya 'to ginagawa?

"Dito tayo," bigla akong naulinigan at nabasag ang aking malalim na pagiisip ng magsalita si James. Kanina lamang ay parang tinanggap ko na nakatapusan na namin pero labis akong nagulat sa paghila sa akin ni James at mabilis niya akong naitakas sa harap ng kamatayan.

"Bilis dito," sabi muli ni James. Mistula akong robot na sumusunod lamang sa kanya. Pumasok kami sa loob ng isang kwarto na sobrang dilim. Patuloy kaming naglakad sa loob hanggang bumagsak na lamang sa may kama si James na siya namdang ikinagulat ko.

"James," bulong ko habang sinasampal-sampal si James sa mukha. Bigla namang gumalaw ito. "Ayos ka lang ba?" dugtong ko.

"Pasensya na Clarisse. Mukha di kita mapoprotektahan," paghingi nito ng paumanhin. Halos madurog ang puso ko nang mapagtanto ko na lumuluha na si James. Nagunita ko na nagdaan pa lamang si James sa pahirap ng inakala naming si Bryan pero si Paula pala.

"Wag kang magalala. Hindi mo tungkulin yun. Halika dito," inakay ko si James at itinayo siya. Dahan-dahan ko siyang inilagay sa loob ng closet.

"Diyan ka lang ah, maghaha... AAHHHHH!" malakas kong sigaw ng biglang may humawak sa akin mula sa aking likod. Mabilis naman niyang tinakpan ang aking bibig.

"Sshh... huwag kang maingay," sabi nito.

*****

CARLO

"Pero susunod ka," tanong ko kay Kuya. Isang mapait na tango lamang ang ibinigay niya sa akin. Bagaman ayokong iwan siyang mag-isa kay Bryan ay alam ko na kailangan kung sundin siya at isa pa, plano kong ipaalam kina Vince na nacorner na namin si Bryan at sa gayun ay maaari namin siyang pagtulungan. Matatapos na rin 'tong lahat sa wakas.

Matapos kong makalabas sa kwarto kung saan naiwan sina Kuya at Bryan ay tinakbo ko na ng napakabilis ang hallway pababa sa first floor. Bawat paghakbang ko ay napakabigat sa pakiramdam.

"Magtiwala ka lang Carlo," bulong ko sa hangin.

Humahangos na ako ng marating ko ang hagdan pababa ng first floor. Natanaw ko sina Vince na nakatayo sa may pinto pero parang may mali. Bakas ang takot sa kanilang mukha. Tatawagin ko sana sila ng mapadako ang tingin ko sa taong bigla na lamang nagsalita.

"Ang ibig kong sabihin... intindihin niyo na lang ang buhay niyo dahil nanganganib na kayo. Hindi kay Bryan kundi... sa akin." sabi ni Paula ni Paula na nasa baba ng hagdan. Di ko maintindihan. Ano bang sinasabi ni Paula.

"What!? Oy Paula wala namang biruan ng ganyan," may takot na sabi ni Clarisse.

"Hindi naman si Bryan ang nasa likod ng mga pagpatay eh, ako." saad ni Paula. Para akong nawala sa aking sarili matapos marinig ang rebelasyon niya. Napadako ang tingin ko sa likura niya. Nakakubli dito ang isang mahabang itak. Diyos ko, hindi nga nagbibiro si Paula. Nagsimula na siyang humakbang papalapit sa kanila na kanila namang ikinaatras. Di ko malaman kung ano ang gagawin ko kayat napatakbo na lamang ako papuntang kawalan.

"Sino... sino... sino kaya ang uunahin ko," ang huling mga salita na narinig ko bago ako tuluyang makalayo mula sa kanila.

*****

Hindi ko na alam kung saan ako lumiko o tumakbo basta ang alam ko ay nakapasok ako sa loob ng isang kwarto. Bagaman madilim ay mabilis kong natungo ang isang sulok at dito ay nagkubli ako. Napasandal na lamang ako sa pader habang humahangos ng pagkabilis-bilis.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon