EPILOGUE

26 0 0
                                    

PAGTATAPOS

PAULA

Matapos kong mapatay ang kahuli-hulihang tao sa loob ng mansyon ay bigla namang tumawag sa akin ang aking kapatid. Naghahantay na siya sa akin sa labas.

Lumabas na ako ng kwarto kung saan ko iniwan ang mga katawan nina James at Clarisse. Sobrang tagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito. Sa wakas ay nakamtan ko rin ang pinakaasam kong paghihiganti.

Habang palabas ay dinaanan ko muli ang bangkay ni DG na tinapakan ko lang. Sa pagbaba ay nakita ko ang mga walang buhay na katawan nina Daina at Vince.

Sa aking paglabas ay bumungad sa akin ang di ko inaasahang liwanag. Bukang liwayway na pala. Tapos na ang Spooky Night.

Nakita ko ang kotse na nakabukas. Mula dito ay natanaw ko ang aking kapatid na nakingiti sa akin. Mabilis akong tumungo dito at pumasok sa loob. Yinakap ko siya.

"Yuck Ate, kadiri ka." sabi nito sa akin. Napansin kong nalagyan ko siya ng mga dugo dahil sa pagyakap ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

Bigla namang bumukas ang pinto sa may driver's seat at pumasok sa loob si Agatha.

"Nasusunog na po ang mansyon," pagbabalita nito. Napatingin naman ako sa direksyon ng mansyon at nakitang nagliliyab na nga ito.

"Sige. Tara na Agatha," sabi ni Ana.

Nagsimula ng umandar ang kotse. Habang papalayo ay nakatingin parin ako sa nasusunog na mansyon. Nang mapadako ang tingin ko sa may bintana sa ikalawang palapag ay may nakita akong isang pigura ng lalaki na nakatayo. Ipinikit ko ang aking mga mata at sa muli kong pagdilat ay wala na ito.

"Ayos ka lang ba, Ate?" tanong sa akin ni Ana.

"O...o," tipid at pagod kong sagot.

WAKAS
_______________

A/N: Halos wala pong paglagyan ang kasiyahang aking nadarama ngayon. Hala siya. Hahaha sa wakas! Matapos po ang isang taon--- yes! 1 year dahil January 1 ko pong sinimulang ipublish itong libro. Yey! Tapos na siya. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa at tumutok lalo na sa mga naglagay pa nitong libro ko sa library nila.

Gusto rin po sanang humingi ng paumanhin sa mga kakulangan ng libro. Alam ko naman po na hindi ito perpekto. Ito po ang una kong inilathalang aklat (well ikalawa dapat pero pinull-out ko na yung isa). Naging mahirap po para sa akin ang pagsusulat nito libro dahil nga sa pinili kong set up na kailangang kulong lang sa isang bahay ang buong event sunod po kasj ito sa pangarap ng UNYON na maihalintulad sa isang event sa buhay namin ang pangyayari dito sa kwento (pero siyempre wala namang patayang naganap sa amin) saka po sobrang bait po talaga ni Paula sa tunay na buhay. HAHAHA. Yun po. Thank you ulit! Happy New Year! Spread the story :)

PS/

Ramdam niyo ba ang book two? Aba dapat lang!

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon