CHAPTER XXIII

51 1 0
                                    

CHAPTER XXIII

JAMES

Napakabigat ng pakiramdam ko. Nararamdaman ko na para bang may napakadami akong sugat sa katawan. Pero bakit ba? Anong meron at ganito na lang nararamdaman ko? Bigla ko na lamang naalala ang mga bagay-bagay. Sa isang kwarto, naruruon ako. Madilim. Nakakatakot. Pero sandali, name game... diba dapat... dapat... patay na ako! Napamulat ako bigla at nakakita nang liwanag mula sa bintana. Kinapa ko ang malambot na bagay na kinahihigaan ko. Langit ba ito? Hinawakan ko ang mukha ko. Naramdaman ko ang hapdi matapos kpng mahawakan ang sugat sa aking noo. Buhay pa ako... alam ko... ramdam ko...

"James?"

Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses. May dalawang lalaking magkatabi ngunit di ko mabanaag ang kanilang mga mukha dahil sa hindi ko suot ang salamin ko. Nakaramdam ako ng takot baka... baka... nasa panganib parin ako!

"James," tawag muli ng boses. Sandali, alam ko na kung sino ang tumatawag... si Earl. Boses niya yun. Ligtas na ako. Lumapit ang mga pigura sa akin.

"Buti na lang at ligtas ka," sabi ni Earl habang inaalalayan niya akong makaupo sa kamang hinihigaan ko.

"Oo nga..," ang tangi ko na lamang nasabi.

"James," banggit ng isa pang lalaki. Sa boses niya... siya si Vince.

"Vince?" di ko siguradong sagot.

"Naku naman! Wala pala siyang suot na salamin malamang sa malamang ay di niya tayo maayos na nababanaag," sabi ni Earl.

Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa napaghalataan ni Earl na nangangapa na ako sa pagkilala sa kanila, "Ah eh pasensya na ah? Malabo talaga kayo sa paningin ko kaya sinusubukan kong sa boses kayo kilalanin."

"Wait lang ha. Sa palagay ko ay dala ko ang salamin ko o kaya naman yung salamin mo na naiwan mo dati sa bahay nung natulog ka dun. Nasa kwarto ata. Kunin ko lang," sabi ni Earl sabay tayo at takbo sa may pinto. Narinig ko na lamang na sumara na ang pinto at tuluyan na nga siyang nakalabas. Naku naman Earl.

"Kumusta pakiramdam mo?" bigla na lamang tanong ni Vince na bumasag sa malalim kong pagiisip.

"Medyo ma... ayos naman na ang kaso ay nakakaramdam parin ako ng pagsakit nang ulo at mga sugat," tugon ko.

"Talaga? Wag kang magalala mawawala naman na yan. Sandali lang ah," sabi ni Vince sabay tayo at lapit sa may drawer niya. May kinuha siyang parang puting butil saka muling lumapit sa akin at inilahad ito sa harap ko.

"Ano yan?" tanong ko. Di ko talaga kasi maayos na mabanaag ang bagay na hawak-hawak niya.

"Gamot. Makakatulong ito para mawala ang sakit ng ulo mo pati narin yung hapdi na nararamdaman mo mula sa sa mga sugat mo," paliwanag ni Vince.

"Ah sige. Maraming salamat," sabi ko sabay kuha ng gamot na nasa kamay niya.

"Mamatay tao ka! Wala kang kwentang nilalang! Ma...ma..," sigaw ng isang babae mula sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Earl. Kay Emy atang boses iyon. Bigla na lamang nagkaroon ng malakas na kalabog kung saan nanggaling ang boses niya at pagbagsak nang mga gamit.

Nagkatinginan naman kami ni Vince at matapos ay mabilis siyang lumabas ng kwarto para puntahan ang ingay. Nais ko ring malaman kung ano ang nagaganap kayat kahit hirap ako ay tumayo parin ako mula sa aking pagkakaupo. Sa pagpupumilit makatayo ay nabitawan ko ang gamot na ibinigay sa akin ni Vince at nalaglag ito sa ilalim ng kama niya. Sinubukan kung yumukod ngunit hindi ko pa kaya. Wala na akong nagawa kung hindi pabayaan ang gamot sa ilalim. Nagtungo naman na ako sa pinto at sa pagbukas ko nito ay dumaan namang eksakto si Emy. Napatingin siya sa akin at napahinto. Magang maga ang kanyang mga mata na lumuha parin. Napano siya? Bigla na lamang siyang nagsabing,
"Isa ka pa. Kasalanan mo ito... kasalanan niyo. Mga mamatay tao!"
Matapos ay tumaliwas siya ng tingin at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad paakyat nang floor nila.

"Ano bang... sinasabi niya?" tanong ko sa aking sarili habang tinatahak ang daan patungo sa kwarto ni Earl.

Ang dati'y napakalapit na kwarto niya ay para bang napakalayo dahil sa napakabagal kong paglalakad dahil sa mga iniinda kong sakit at kalabuan nadin ng aking mata. Matapos ang makailang pilit at pagpupursige ay narating ko narin ang kwarto niya. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang isang napakagulong kwarto.

"James, salamin mo." sabi ni Earl sabay abot nang aking salamin. Sinuot ko ito at mas lalo ko pang napagmasdan ang gulo ng kwarto ni Earl.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Si Emy... nalaman niya ang mga nangyari," sabi ni Earl. Napatingin siya sa isang tabi. Naruon si Daina at nakaupo habang umiiyak. Sa tabi niya naman ay si Vince na sinusubukan siyang pakalmahin.

"Earl, di ko na maintindihan ang mga bagay-bagay," saad ko.

"Maging ako James," malungkot niyang sagot.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon