CHAPTER XXXI

12 1 0
                                    

Photo credits: www.wiki.com

CHAPTER XXXI

BRYAN

So inakala nila na magiging ganun lang kadali ang mga bagay-bagay ayun tuloy nabigo sila.

"Akala mo ba mas matalino ka kaysa sa akin? Akala mo mas magaling ka na? Pareho lang kayo ng mga wala mong kwentang ama at ina," sabi niya kay Earl bagaman alam niyang wala itong malay at di siya maririnig. Nakatali si Earl sa isang mahabang mesa gamit ang isang kadena. Napansin kong habang nagsasalita siya ay may mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Galit siya. Sobrang galit.

"Paula," sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Humarap siya sa akin. Siya ay luhaan. Sobra. Unang beses ko tong makita na mukha siya mahina at walang laban. Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. Akala ko ay magagalit siya ngunit laking gulat ko ng yakapin niya ako pabalik at magsimulang humagulgol sa aking balikat.

"Sshh," pagpapatahan ko sa kanya. "Ayos lang yan, nandito lang lagi ako sa tabi mo," dugtong ko.

"I love you Bryan," mahinang sabi niya. Nagulat ako sa mga narinig ko ngunit napangiti.

"Mahal din kita Paula," sagot ko sa kanya. Yinakap ko na lamang siya ng mahigpit at hinagod ang kanyang likod. Masayang-masaya ang puso ko ngayon.

*****

PAULA

"Sino ka?" sabi ni Earl. Gising na siya sa wakas. Nakatalikod ako mula sa kanya.

"Hoy sino ka!? Ano... uhm pwede mo ba akong tulungan?" sabi niya habang pinipilit na alisin ang mga kadenang nakagapos sa kanya.

"Paula!?" bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng humarap ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" agad niyang tanong sa akin.

"Sshh, 'wag kang maingay baka marinig tayo ni Bryan." sabi ko sa kanya. Nagsimula akong maglakad papalapit sa kanya. Pinagmasdan ko si Earl ng mabuti at sa mga mata niya bakas ang takot at tuwa dahil sa presensya ko. Asa siya.

"Maraming salamat at nandi..," pagtatangka niya sanang pagsasalita kong hindi ko lamang siya pinutol sa pamamagitan ng isang sampal.

"HAHAHA. Anong akala mo, totoo na tutulungan kita?" tanong ko sa kanya.

"What the hell. Anong ibig sabihin neto Paula?" gulat niyang tanong.

"Akala ko ba matalino ka? Lider-lideran ka nga samin 'di ba?" panunutya ko sa kanya. "Earl, hindi si Bryan ang taong nakamaskara... Ako." matapang kong pagpapahayag. Isang gulantang na reaksyon ang ipinahayag ng mukha ni Earl. Halos matawa ako sa itsura niya.

"Pe... pero bakit... bakit mo 'to ginagawa sa amin? Anong dahilan mo?" malungkot niyang tanong.

"Tsk," sagot ko sabay ngiti. "Because your parents need to pay to me and especially to my father!" galit kong saad.

"Our parents? Anong... what!? And why us? naguguluhan niyang tanong.

"Simple lang, kayo ang kabayaran sa utang ng mga magulang niyo sa'min,"

Flashback

"I don't want to see you anymore," sabi ni Mia kay Eduardo.

"Bakit? May iba ka na ba!? Si Roberto ba!?" galit na tanong niya kay Mia.

"Hindi. Ayoko na kasi sa ganitong buhay! Sawang-sawa na ko. Hindi kasi ganito yung pinangarap ko!" sabi ni Miya.

"So iiwan mo ko at ang anak natin dahil sa ano!? Sawa ka na!?" sagot ni Eduardo.

"Oo Eduardo! Oo! Ayoko na! Ang anak natin!? Sayong-sayo na!" sabi ni Mia sabay labas ng pinto ng kanilang bahay. Bago pa man siya makaalis ay may isang batang humabol sa kanya at yumakap sa kanyang mga paa.

"Mommy don't! 'Wag mong iwan si papa. 'Wag mo kong iwan," sabi neto habang umiiyak.

"Sorry Paula," sabi ni Miya. Inalis niya mula sa pagkakahawak sa mga binti niya si Paula at naglakad siya ng tuluyang palabas ng gate ng bahay nila.

Matapos ang tagpong yun ay naging miserable ang buhay ng ama ni Paula na si Eduardo. Naglasing ito. Nagpabaya. Sa murang edad, napilitan si Paula na gawin ang lahat upang alagaan ang kanyang sarili at ang kanyang ama. Lumipas ang isang buwan at nagsimulang malugi ang material shop ng kanyang ama. Huli na ng mapagtanto ito ni Eduardo.

Isang araw, habang naghahanap ng trabaho si Eduardo kasama si Paula ay nakita nila si Miya kasama si Roberto, ang mayamang bestfriend ni Eduardo.

"Hon, malelate daw si Francine." sabi ni Miya kay Roberto.

"Naku talaga si Francine kahit kailan," sagot ni Roberto. Nagtawanan ang dalawa.

Si Francine, ang matalik na kaibigan ni Mia na simula palang ay ayaw sa kanya at ang dahilan kung bakit nagkakilala si Mia at Roberto.

"Earl! Naku bata ka. 'Wag kang takbo ng takbo baka mapano ka," sigaw ni Miya sa isang bata.

"Malandi ka," bulong ni Eduardo. Galit itong umalis habang hila-hila si Paula na nakatingin sa kanyang ina na masayang-masaya habang karga ang isang batang lalaki.

Nagbenta ng mga ari-arian si Eduardo. Nagplano siya na magpunta sa mga malalaking kumpanya upang maging sharer ngunit lahat ito ay itinurn down siya. Markado sa utak ni Paula lahat ng kumpanyang ito.

Huling pinuntahan ni Eduardo ang MNS. Kasama niya muli si Paula. Naranasan ni Eduardo ang muling hindi matanggap. Hindi niya na alam ang gagawin kaya naman sa mismong building ng MNS ay binawi niya ang kanyang buhay. Tumalon siya mula sa roof top ng building ng MNS. Si Paula na noon ay wala pang muwang ay hindi alam ang ginawa ng ama. Sa konsensya ay inampon siya ng may-ari ng MNS.

Namatay ang kanyang ama. Eto ang natutunan niya ng magkaroon na siya ng sapat na muwang. Sa labis na galit ay nagsimula siyang sumumpa na pagbabayarin niya lahat ng taong nagtulak upang kitilin ng kanyang ama ang sarili nitong buhay. Nanaliksik siya. Lahat ng kumpanya na pinuntahan ng kanyang ama, lahat ng umayaw sa kanya, lahat ng tumanggi, lahat ng umiwan, silang lahat ay hinanap ni Paula. Pinag-aralan ang bawat buhay para sa malaki niyang plano.

"Kapatid kita?" tanong ni Earl.

"Hindi. Biologically. Pero dahil sa wala mong kwentang nanay, siguro but I don't effin care." matapang na saad ni Paula.

Pumailanlang ang katahimikan. Ilang sandali pa ay binasag ni Earl ito sa pamamagitan ng isang takot, malungkot, at pagod na boses. "Paula, bakit kami pa? Bakit kami ang kailangan mong pagdusahin?"

"Ang pinakamasakit na paraan upang maramdaman ng mga pamilya niyo ang sakit na dinanas ng ama ko ay ang maranasan din nilang mawalan. At kayo yung kailangan mawala..," masayang balita ni Paula sabay hataw ng latigo na gawa sa barbed wire sa katawan ni Earl.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon