CHAPTER XXX

34 2 0
                                    

Dedicated to: @juancalvooO

CHAPTER XXX

Nagsisimula nang magdilim ang paligid. Pawang nakabibinging katahimikan lamang ang namamayani sa loob at paligid ng mansyon. Sina Daina, Clarisse, at Paula ay makakasama sa loob ng kwarto ni Earl. Sila ay tahimik lamang na nagdarasal. Sa may pinto ay nakatayo lamang si Carlo at pinagmamasdan sila.

"Matatapos na rin to," bulong niya sa hangin.

Isang gabi na lamang ang kailangang palipasin. Bukas ay darating na ang mga taga-MNS. Konting tiis na lang at maililigtas na nila ang kanilang mga sarili mula sa mamatay tao na si Bryan.

Sa sala ng mansyon ay nakaupo si Earl. Walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. Mula sa isang tabi ay lumabas si James at tinungo ang kinapapalugaran ni Earl.

"Sigurado ka na ba? Baka gusto..," sabi ni James na pinutol naman ni Earl sa pamamagitan ng pagtango-tango.

"Ayos lang," sagot ni Earl kay James sabay ngiti. "Balik ka na dun baka nagmamasid na siya," dagdag ni Earl na ngumuso sa direksyon kung saan siya nanggaling. Wala ng nagawa si James kundi ang sumunod sa sinabi ni Earl.

Lumipas ang tatlong oras ngunit wala paring nangyayari. Nakaupo lang si Earl at nagbabasa. Pinipigilan niya ang antok na nararamdaman niya dahil sa kawalan ng ginagawa. Samantala, pagod na sina James, Vince, Frances, at DG sa pagmamasid.

"Gagana ba 'to?" tanong ni DG na para bang nagdududa na sa magiging resulta ng plano nila.

"Sshh. Wag kang maingay diyan. Naniniwala akong gagana to," sagot ni Frances na kasama niya sa pwesto. Nasa kabilang pwesto sila, sa may kusina.

Tumayo na si Earl sa kaniyang kinauupuan. Tumingin siya sa direksyon ng mga kasamahan niya at nagbigay pahiwatig na wala ng papatunguhan ang plano nila. Magsisimula na sanang maglakad si Earl papalapit sa kinaruroonan nina James ng bigla na lamang namatay ang ilaw sa buong mansyon.

"Hell!" nasabi na lamang ni Earl. Nakarinig siya ng tubo na nalaglag sa sahig. "James nasaan kayo?" sigaw niya dahil di na siya makaaninag pa. Ilang sandali pa ay bumalik na ang liwanag sa buong lugar. Mabalis na tinakbo ni Earl ang pwesto nina James. Laking gulat niya ng makitang nakahandusay at wala ng malay ang kaibigan at si Vince.

"Anong?" tanong niya sabay talikod sana upang tignan ang pwesto nina DG ng makita niya nasa likod na niya si Bryan na may hawak na malaking tubo.

"Good night," sabi ni Bryan sabay hampas sa kanya ng malakas na dahilan upang mawalan siya ng malay.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon