CHAPTER IX

108 2 0
                                    

CHAPTER IX

EMY

Nandito lang kami sa lounge ni Zoe at nagkwekwentuhan. Well, magpinsan kami ni Zoe kaya ganito kami kaclose.

"Emy, pababa sila." sabi ni Zoe habang nakanguso sa direksyon ng tinutukoy niya. Tumingin naman ako sa may hagdan. Yung mga taga third floor nga pababa. Kumpleto silang lima. Lumapit sila sa amin.

"Hello girls," sabi nung matabang lalaki. Masayahin siya todo ngiti ih.

"Ah hehe... hi," awkward naming sagot ni Zoe.

"Sa baba tayo? Dun tayo magkwentuhan kasama nung iba. Getting to know at bonding na din," sabi niya ulit.

"Walang tao sa baba," sabi ko.

"Ha? Saan sila nagpunta?" tanong nung pinakamatangkad sa kanila.

"Nandito sila sa second floor. Pinuntahan nila sina Daina at Clarisse, mga kalevel namin," sagot naman ni Zoe. "Ah speaking!" biglang sabi ni Zoe. Tumingin naman kami sa direksyon kung saan siya nakatingin. Naglalakad papunta sa direksyon namin sina Daina, Paula, at Clarisse kasama yung mga boys habang nagkakatuwaan. Nakita naman kami ni Daina nung napadako ang tingin niya sa direksyon namin.

"Friend!!!" sigaw niya habang patakbo sa amin. Ng nakalapit siya napansin niyang may mga lalaking nakatayo sa may gilid namin. "Sino sila?" tanong niya sabay turo sa mga lalaki.

"Mga taga-third floor," sagot ko kay Daina.

"Wow buti naman at naisipan niyong bumaba. Hello!" masayang sabi ni Daina. Binati naman siya pabalik ng mga taga-third floor. Di kalaunan ay kasama na namin ang Group 1 at sina Paula at Clarisse. Bumati din sila sa Group 3.

"Mabuti pa doon na lang tayo sa baba magpakilanlan pagkatapos kumain ng dinner," sabi ni James ata yun.

"Oo nga. Nagugutom pa naman na ako," pagsang-ayon naman ni Carlo. "Pero teka, may dinner na ba?" bigla niyang tanong.

Napakamot naman sa ulo si Vince, "Ah nakalimutan ko. Hehehe."

"Oo nga pala. Oh Vince tara na!" sabi ni Earl.

"Tutulong na din ako sa pagprepare," sabi ni Daina.

"Sige tara sa baba," sabi ni Earl.

Pababa na sila ng sabihin ni Daina na sumunod na din kami. Nagsipagbabaan naman kami. Nanatili kami sa sala at doon nanuod ng palabas sa TV. Medyo tutok kaming lahat sa TV kaya hindi masyadong awkward dahil sa di ko maaatim na makipagusap sa mga taong hindi ko alam mga pangalan. Siguro mga kalahating oras din ang lumipas ng tawagin kami ni Earl para daw sa dinner. Nagtungo naman kami agad sa dining room. Wow mukhang masarap ang inihanda nila.

"Sarap naman ng luto niyo," sabi ni Elvis.

"Hahaha. Hindi si Earl talaga dahilan diyan, magaling pala talaga siya magluto." sabi ni Daina.

"Oh diba sabi na kasing magaling ako!" sabi naman ni Earl.

"Oo na! Oo na!" sabi ni Carlo. Nagtawanan naman sila. Well, spell OP.

"Ay sorry guys, wag niyo kaing intindihin kanina lang kasi inaasar namin si Earl na hindi siya marunong magluto," despensa ni Vince.

"Well, mali nga kayo. Ang sarap nito," sabi nung lalaking matangkad.

"Hahaha. Salamat! Sige kain lang tayo," sabi ni Earl.

Matapos kumain ay bumalik kami sa sala at doon nagsettle. Naisipan naman ng magpakilala ng mga taga-third floor. Sa wakas!

Si kuyang mataba at masiyahin ay Christian daw ang pangalan pero gusto niya CJ na lang itawag sa kanya, si kuyang matangkad ay Bryan, yung lalaking may magandang speaking voice naman ay si Frances medyo napacomment kami sa pangalan niya kasi pangbabae... diba dapat Francis? Matapos nagpakilala naman si kuyang laging may librong hawak, bookworm siya panigurado. Kevin ang pangalan niya pero prefer niya na DG ang tawag sa kanya.

"Hi guys," panimula nung lalaking maputi na may makapal na salamin. "My name is Dick Castilla," dagdag niya. Bigla namang nagsipagtawanan ang mga boys. Oh well what do you expect. Medyo nahiya naman si kuya.

"Hey hey! Castie, we will call you Castie. Ayos ba yun?" biglang sabi ni Earl habang itinataas-taas ang kanyang kilay.

"Aba gusto ko yun. Sige ba," sabi ni Di.. Castie.

Malalim na ang gabi n mapagdesisyunan namin na pumasok na sa aming mga kwarto. Nagsipag-akyatan na ang mga lalaking taga-third floor samantalang kaming mga babae kasama ang mga taga-first floor ay nanatili muna ng ilang minuto sa sala.

"Hey, may naisip lang akong gawin bukas," biglang sabi ni Carlo.

"Ano naman yun?" sabay-sabay naming tanong.

"Hindi talaga siya bukas as in bukas pero bukas ng gabi siya. Hahahaha," paliwanang ni Carlo

"Ano nga yun?" medyo inis na tanong ni James.

"Spooky Night!!" masaya niyang sabi.

"Spooky Night?" sabay-sabay naming tanong.

"Well, external drive with tons of movies at laptop. That will do. Movie Marathon tayo! Horror! Kwentuhan at kainan din," paliwanag ni Carlo.

"Ahh," sabay-sabay ulit naming sabi haang tumatangotango.

"Ano ba yan? Tumigil na nga kayo diyan para na kayong speech choir sa ginagawa niyo," sabi niya. Nagtawanan naman kami.

"Gawin natin yung spooky night ni carlo. Ano game?" sabi ni Clarisse.

"Sige ba. Sabihan na lang natin yung iba bukas," sabi ko.

"Girls tara na? Akyat na din tayo medyo napatagal na din kasi tayo dito," anyaya ni Paula.

"Ay oo nga, sige boys good night." paalam ni Daina. Naggood night din yung mga lalaki sa amin at saka kami tuluyang umakyat.

Naunang makapasok sa mga room nila ang apat na kalevel ko, nahuhuli kasi akong maglakad. Papasok na sana ako sa room ko ng mapansin ko yung table sa may hall namin. Yung vase na nakalagay dun ay parang may mantsa na hindi ko naman nakita kanina. Lumapit ako sa mesa at hinawakan ang vase. Malansa. Medyo itim siya na parang pula. Patay kasi ang mga ilaw kaya hindi ko masyadong maaninag. Kinilabutan ako sa realization na napagtanto ko. Dugo ito.

"Ba... bakit may..," nauutal kong tanong sa aking sarili naputol ang sasabihin ko ng may magsalita sa likod ko.

"Hello!" sabi ng boses. "Anong ginagawa mo diyan," dagdag niya. Humarap ako sa kanya.

"Zoe, ikaw lang pala. Wa... wala..," pagsisinungaling ko.

"Sige pumasok ka na nga sa kwarto mo at matulog na tayo," sabi niya. Naglakad na ako papunta sa pinto ng kwarto ko at sabay kaming pumasok ni Zoe sa kani-kaniyang kwarto namin.

Habang nakahiga ako ay di ako mapakali dahil doon sa dugo na nakita ko sa may vase.

"Ano kaya yun? Grabe ang creepy. Baka may multo dito sa bahay na to," natatakot kong sabi sa aking sarili. Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa baka may kung ano pa akong makita sa kwarto ko. Kinalaunan ay napanatag na din ako at nakatulog...

*******

"Nagsimula na," sabi niya habang nakangiti at nakatanaw sa labas ng bintana niya. Pinagmamasdan niya ang napakagandang bilog na buwan.

Sa kanyang katahimikan ay iniisip na niya ang kasiyahan niyang makukuha sa mga sunod-sunod niyang gagawin.

"Hmm... spooky night," bulong niya sabay tawa nang nakakapangilabot.

*******

-----------
A/N: Hi! Hello! Relax relax lang muna. Hahahaha. So, ano nageenjoy na ba kayo sa kwento? Nga pala want longer chapters? Request niyo lang. Leave your comments at pakifave narin ng kwento at ng chapter na lubos niyong nagustuhan. :))

_________

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon