CHAPTER XX

120 3 0
                                    


CHAPTER XX

CASTIE

Nasa kwarto kami ni Earl at nagkwekwentuhan. Pakiramdam ko ay humupa na ang mga takot na nararamdaman ng mga kasama ko. Sina Earl at Vince ay nasa labas parin at sinusubukang humingi ng tulong sa MNS. Hiling ko sa ngayon ay magtagumpay silang dalawa at tuluyan na nga kaming maalis dito sa kasumpa-sumpang Kondarto.

Ilang minuto lang ang nagtagal at ang ingay na gawa ng paguusap ay napawi at nauwi sa nakakabinging katahimikan. Ang kanina pang tahimik na si DG ay bigla na lamang tumayo at nagtungo sa pinto ng kwarto. Ng akma na niyang bubuksan ang pinto ay pinigilan naman siya ni Carlo.

"Sa tingin mo ay saan ka pupunta?" matigas na sabi ni Carlo.

"Wala kang pakialam," walang emosyong sagot ni DG.

"Hindi ka maaaring lumabas dahil sa pwede kang mapahamak pag nagkataon," sabat ni James. May punto siya. Kaya nga kami pinapasok at pinagsama ni Earl ay dahil sa nasa alanganin ang aming mga kaligtasan.

"Gusto niyo bang tiisin ko itong pagkaihing nararamdaman ko? Pwes kung gusto niyong malaman ay sa CR ako pupunta," mataray na sagot nito at tuluyan na ngang lumabas sa pinto. Hay ang kulit! Badtrip!

"Uhm... pwe... pwede ba akong lumabas muna?" biglang sabi ni Paula. What? Pati ba naman siya? Naku naman.

"Uhm kami rin!" sigaw nina Daina at Emy.

"Kailangan ko ding lumabas muna. May kukunin ako sa room," sabi ni CJ. Diyos ko po! Lahat na sila lalabas.

"For pete's sake! Ano ba't kailangan niyong magsilabasang lahat!?" banas kong tanong.

"Gi... girls problem," nahihiyang sabi ni Paula. Namula naman ako sa sinabi niya. Okay, I think she really needs to go out. Patakbo na sana siya sa pinto ng bigla na lamang pinigil siya ni Carlo. Wow! Guwardiya! Uso din sa kanya ang pigil epek ngayon ah.

"Di ka pwedeng lumabas ng mag-isa," sabi ni Carlo. Woah gentleman... sasamahan ata si Paula.
"Castie, samahan mo siya." sabi ni Carlo habang nakatingin sa akin. Okay, ambait niya nga at gentleman.

"What!?" bigla kong bulalas ng mapagtanto kong ako pala ang sasama kay Paula. Akala ko siya?

"Bakit Castie, may problema ka ba sa pagsama kay Paula?" tanong sa akin ni Carlo.

"Ah... ano... okay lang naman sa akin na... di mo ako samahan," biglang sabi ni Paula. Grabe ang hinhin naman neto at mahiyain talaga.

"Ah ano, wa... wala naman," sabi ko habang kinakamot ang isa kong kilay. Grabe naman pero okay sige na nga lang.

"So okay. Kayo naman, Bakit kayo magsisilabasan din?" tanong ni Carlo sa iba.

"Ano kasi, naisip namin na kailangan naming ibaba na ang mga pagkain na dala namin dahil tulad nga ng napagusapan dati ay paubos na ang pagkain at siyempre para di nadin tayo magsilabasan pa ng kwartong 'to. Mga damit din namin," sabi ni Emy.

"Ganun din ako. Yung flashlights din na dala ko baka kailanganin natin," sabi naman ni CJ.

"O sige," maikling tugon ni Carlo.

"Sama kami sa pagkuha!" sigaw nina Clarisse at Zoe. Tumango naman si Carlo.

"Si Elvis at ako ang sasama sainyo samantalang ikaw James ang sumama kay CJ sa taas. Di tayo maaaring magisa lang kahit ano mang oras. Kayo girls kahit madami kayo ay kailangan may lalaki kayong kasama," anunsyo ni Carlo. Aba gusto ko makasama si Emy! Ang duga talaga ni Carlo pumupuntos lang to kay Clarisse ih.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon