CHAPTER XXIX

58 0 0
                                    

CHAPTER XXIX

Magkakasama na sina Earl, Vince, Daina, DG, James, Clarissse, Paula at Frances sa isang kwarto. Nasa isang dance area sila na kung saan pawang salamin at sahig lang ang makikita. Hindi nila alam kung nasaan ang iba. Nagkakaroon sila ng pagtatalo tungkol sa plano nilang paghuli kay Bryan.
Habang patuloy silang nagiingay ay pumasok sa kwarto si Carlo.

"Hindi ko sila mahanap," malungkot nitong saad matapos hindi makita ang iba pa nilang mga kasama.

"Ipagdasal na lamang natin na ayos lamang sila at hindi pa sila natutunton ni Bryan," sabi ni Daina.

Tumango-tango na lamang ang iba kahit na labag sa kalooban nila ang ipagwalang bahala ang pananatili ng iba sa labas na walang alam tungkol sa pagkabuhay ni Bryan at sa pagiging mamatay tao niya.

Matapos ang konting katahimikan ay muling naginit ang atmospera sa loob at muling nagkaroon nang mahabang pagpapalitan nang mga ideya.

"Sa palagay ko mas mabuting gawin na lang natin ang matagal na naming plinano ni Vince," sabi ni Earl. Napabaling naman ang atensyon ng lahat sa kanya at Vince.

"Nung dati, bagaman di pa namin kilala kung sino ang pumapaslang ay nagisip na kami ng ideya kung paano huhulihin ang taong nakamaskara," pagpapaliwanag ni Vince.

"So ano yung naisip niyo?" tanong ni Clarisse.

"Ganito yun, napansin namin na ang mga inaatake niya ay yung magisa lagi. Alam kong nagmamasid siya lagi at tumitiyempo para magawa ang mga plano niya..," pagsisimula ni Earl.

"So..?" sabi ni DG.

"So because of that knowledge alam natin kung kailan siya lalabas or kung paano natin siya palalabasin. Yun nga lang ay kailangan nating magpain sa kanya ng isang tao na magtitiyak na lalabas siya at magpapakita," sagot ni Vince.

"And sino naman ang taong yun?" tanong ni Carlo. Nagkaroon muna ng maikling katahimikan bago may sumagot.

"Ako," saad ni Earl. Isang mahabang katahimikan.

"Pero... sobrang mapanganib ng plano na 'to. Wala na bang ibang choice?" pag basag at pag di pagsang-ayon ni Paula.

"May naiisip pa ba kayong ibang magandang plano?" tanong ni Earl. Wala namang sumagot. "Kung ganun, ito na 'to. Kailangan natin 'tong magawa para sa mga buhay natin at para sa mga taong naghihintay sa paguwi natin," matapang na dugtong niya.

Ayon sa plano ay kunyaring magiisa si Earl sa sala ngunit ang totoo ay sa paligid niya ay nakabantay sina Vince, DG, at Frances. Mananatili namang nakakubli sina Daina, Paula, at Clarisse sa kwarto ni Earl kasama sina Carlo at James na sugatan para bantayan sila. Sa oras na magpakita si Bryan ay agad na lulusubin siya ni Vince at bilang alalay naman ay kikilos din sina DG at Frances upang harangin si Bryan kung sakaling magtangka siyang tumakas.

"Isahan lang 'to kaya kailangan nating magtagumpay," sabi ni Earl. Tumango-tango naman ang iba. Matapos ay nagkanya-kanya na sila sa isang tabi upang hintayin ang oras ng pagsasagawa ng plano.

Habang nakatingin sa kanyang relos ay lumapit kay Earl si James.

"Sigurado ka bang gagawin mo 'to? Napakamapanganib," sabi nito sa kanya.

Tumango siya dito. "Alam ko yun," sabi niya rito saka siya ngumiti. Gumati na lamang ng ngiti si James kahit alangan ito.

Habang papabalik na sana si James sa puwesto kung saan siya naupo ay tinawag siya ni Earl.

"Kung sakaling hindi tayo magtagumpay at makuha ako ni Bryan..," paguumpisa ni Earl na pinutol naman ni James.

"Wag mo ngang sabihin niya," sabi nito sa kanya.

"Patapusin mo ako dahil mahalaga 'to," seryosong sabi ni Earl. Tumahimik lang si James. "Kung sakaling makuha nga ako ni Bryan," muli niyang pagsasaad. "Tiyak na magpapalaro siya. Samantalahin niyo ang pagkakataon upang makatakas. Humupa na ang ulan kaya malamang sa malamang ay maaaring parating nadin ang mga taga MNS para sagipin tayo," sabi niya.

"Pero paano ka?" malungkot na tanong ni James sa kanya.

"Iwan niyo ko. Yun lang yun," saad ni Earl saka ito lumayo sa kanya at sumandal sa pader.

SPOOKY NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon