"Bakit ba kasi kailangang magpunta tayo doon?"
"Ate, h'wag ka nga'ng umarte, isuot mo na itong black dress."
"Hindi ako nagsu-suot ng ganyan."
"Anak, sige na, ngayon lang naman 'to e atsaka masquerade party'yo,walang makakakilala sa'yo."
Buntong hininga.
"Fine!"
"Ate Tadz, labas na."
"Sandali lang, kailangan ba talaga naka-high heels? I'm not comfortable."
"Labas na Ate."
Naglakad si Tadhana palabas ng kwarto, isang malakas na tawanan ang narinig niya.
"Why?"
"Ate, ano ba 'yan? Babaeng maganda, naka-dress, naka-heels tapos kung maglakad e parang sigang nanghahamon ng away sa kanto." Tumatawang sabi ni Tamara
"Hindi na lang ako a-attend."
"Tuturuan kita 'nak, sa isang araw pa naman 'yon e kailangan mo lang akong samahan dahil wala ang Papa niyo."
"Hay naku 'Ma! Kung hindi ko lang kayo love e." Sabi ni Tadhana at hinalikan sa pisnge ang Nanay niya.
"At dahil sasamahan mo ako, para sa 'yo ito." Inabot sa kanya ng Mama niya ang isang mamahaling lipstick.
"Hala 'Ma! Gusto ko rin n'yan, hindi naman nagli-lipstick si Ate Tadz e ang ganda ganda na nga ng labi niya, kulay pula kahit hindi nagli-lipstick samantalang'tong sa'kin."
"Baka kasi noong ipinagbu-buntis ka ni Mama e gusto niyang maging rakista ka, tingnan mo 'yang labi mo, kulay tinta ng pusit." Sabi ni Tadhana sa kapatid na si Tatheana.
—
At the party.
"Mama, umuwi na lang kaya tayo."
"Ano ka ba? Sayang ang effort 'nak, ang ganda ganda mo pa naman ngayon."
"Asus, binola niyo pa ako para lang sumama ako."
"May kakausapin lang ako ha, magkita tayo mamaya, mag-enjoy ka d'yan."
"Magsaya e wala naman akong kakilala dito at kung mayroon man, hindi ko sila makikilala dahil naka-maskara sila, haystt! Ang gulo! Sino ba kasi ang nagpauso ng party na 'to? Kukunyatan ko!"
Naupo na lang si Tadhana sa gilid, pinagmamasdan ang mga taong nagsasayaw.
"Hi."
"H-Hi." Napatingala si Tadhana sa lalakeng nasa harap niya, nakalahad ang kamay at niyaya siyang mag-sayaw.
"Ako?"
Tumango ang lalake.
Patuloy na nagsasayaw ang dalawa, walang nagsasalita, ilang na ilang na si Tadhana, napansin niya ang maraming nunal ng lalake sa kamay.
"Naniniwala ka ba sa destiny?" Basag sa katahimikan nilang ng lalake
"Of course, naniniwala ako because destiny is my name." Sagot ni Tadhana
Biglang nagdilim ang paligid, namatay ang mga ilaw, nagsigawan ang mga tao at nang bumalik ang liwanag ay wala na ang lalake sa harapan ni Tadhana, wala na ang lalakeng kasayaw niya.
Author's note:
Wuhoooyy mga Dyosang Chubbaby! Enjoy reading my stories, LabLab!
>🎸
BINABASA MO ANG
Si Tala at Si Tadhana
Random[COMPLETED] ✓ In this world that full of strangers, maniniwala ka ba sa mahikang taglay ng tunay na pag-ibig? Tadhana Magdalita, a boyish girl. She is the eldest among the four siblings. Apat silang magka-kapatid na puro babae. Tadhana, Tatheana...